Chapter 29: Craziness

1K 28 0
                                    

Jennie's Point of View

I've never thought about this. Ni hindi nga sumagi sa isipan ko na maaring mangyari ito kahit na sandali. Hindi ako makapaniwala. Ang lalaking hinahangaan ko, ang lalaking pinagkakatiwalaan ko sa lahat, ang lalaking sa akin ay nagpapangiti, kasapi ng isang gang.

Ayokong isipin. Ayokong tanggapin. Ayokong sambitin. Hindi ito si Jongin, this is not him. Hindi nya ito magagawa, hindi niya magagawang sumapi sa ksamaan. Damn! This is not Kai.

Napaatras ako kaya may nasagi ako sa aking likod. Sinulyapan ko ito. Nakangisi ang lalaking pula ang buhok sa akin. Hindi ko alam pero nakakakilabot ang ngiti niya.

"May problema ba?" Nakangising tanong niya.

Hindi ko maiswasang kabahan. Pinagsususpetsahan na ba niya ako? "W-Wala." Hindi ko maiwasang mautal.

Ibinalin ko nalang muli sa harap ang aking tingin. Namutla ako nang makita ang ngayon ay hawak na ni Taehyung.

Shit! No, Kai! Don't do this!

Hawak ni Taehyung ang isang mainit na bakal. Sa dulo nito ay nakaukit ang pako na may ahas. That is the symbol of Hell's Angels.

Jongin Kim!

Gusto kong sumigaw nang malakas. Gusto kong hilain siya ngunit parang naistatwa na ako sa aking kinatatayuan. It seems that I am having a nightmare and I badly wanna wake up. Someone must slap me.

"Are you ready?" Nakangising tanong ni Taehyung sa kanya na halatang natutuwa sa pag-anib ni Kai sa kanila.

Fuck!

"I am."

Itinaas ni Kai ang manggas ng kanyang damit at inihanda na ang kanyang braso. Tinanggal ni Jeongyeon ang maskara ni Jongin na ikinabigla ng lahat.

Sinamaan siya ng tingin ni Kai pero nanatili siyang kalmado. Pasimple niya akong nginisian.

She did it para makita ko talaga na ang lalaki sa likod ng maskarang iyon ay ang aking kaibigan. You are really a bitch, Jeongyeon.

Mas humirap ang paghinga ko. I can clearly see now the emotionless Jongin. Parang hindi na siya si Kai. Parang hindi na siya ang lalaking matagal kong nakasama. It seems like everything about him changed and I will never accept it.

"Ahh!"

Mariin akong napapikit nang marinig ang nahihirapang ungol ni Kai. Hindi ko kaya. Parang babagsak ang luha ko kahit na anong segundo. Ayokong maring ang pighating atungal niya.

Alam kong masakit 'yon. It fucking hurts. At ang bakal na mainit na 'yon, ay magiging peklat sa braso ni Kai, magpakailanman kasama ng marka ng HA.

Bakit ba humantong sa ganito ang lahat? Bakit kailangang gawin ito ni Kai? Kahit na anong isipin kong dahilan, wala akong makita. Wala akong makitang dahilan ni Kai para umanib sa mga halimaw.

Iniisip ko ngayon.

Ano pa nga ba ang pinagkaiba ni Kai sa kanila?

Naramdaman ko nalang na gumalaw na ang aking paa palayo. Sa un ay dahan-dahan, hanggang sa bumilis. Namalayan ko nalang na tumatakbo na ako. Hindi ko alam kung saan na ba ako dapat pumunta. Kung saan ba dapat ilagur ang aking sarili.

Ayokong paniwalaan pero nakita mismo ng dalawa kong mata. Kitang-kita ko ang nangyari. Si Kai ay myembro na nang Hell's Angels, hindi lang siya basta myember. Isa pa siyang pangalawang pinuno. Nice.

Namalayan ko nalang na nasa likod na ako ng YGU. Mga nagtataasang puno ang narito. Nakakatakot? Oo, pero sa tingin ko ay wala ng mas nakakatakot pa kesa sa nasaksihan ko kanina.

YG Univeristy | JenLisa (Book 1)Where stories live. Discover now