Chapter 26: Fairytale

1K 25 3
                                    

Jennie's Point of View

Ang pagkainip ko ay umabot na ata sa aking mata. Halos pumikit na ito sa antok and I am trying my very best to entertarin myself.

Quiz. Ang mga kaklase ko ay todo sulat sa kanilang  mga papel. 'Yong iba ay nakakynot ang noo habang ang iba ay humahaba ang leeg. Typical students.

Tumayo si Chaeyoung at pumunta sa harap bitbit ang piraso ng papel na sa tingin ko ay sagot niya. Napaangat ng tingin si Ms. Ye-jin at isang ngiti ang kumawala sa labi ni ya nang makita si Chaeyoung.

Naningkit ang aking mata. There's something with that smile, maybe sadness? Longing? Biglang sumagi sa isip ko si Lisa, ganito rin ba ang pakiramdam niya habang iniiisip ang dahilan ng ngiti ko?

Was she just curious? Maybe, yes. Ano pa nga bang ine-expect ko? Maybe she was just not in control of her curiosity? She was just so damn curious about the reason behind my mysterious bright smile.

"You've got a perfect score. Your mother must be proud of you." Nakangiting wika ni Ms. Ye-jin.

"T-Thank you." Nanginginig ang boses ni Chaeyoung and suddenly, they hugged each other.

They seem like, a mother and daughter. Yeah.

Bago bumalik sa upuan niya si Chaeyoung ay pinunasan niya muna ang mata niya. Tumingin ako sa aking mga kaklase na busy parin sa kakasasgot. Ako lang ata ang nakapansin dahil busy ang lahat o wala lang talaga silang pakialam?

Natigilan kaming lahat nang biglang tumunog ang mga speaker sa paligid na lumikha ng nakakabinging ingay na tumagal lang ng sandali.

"Good morning, students."

One sentence and I just found myself seeking for air. I have a bad feeling about this. Napakasaya ng boses niya. She seems so happy. Together with the Vice President under the admins of YG University. Min-ho Song.

Ano na naman ito ngayon?

Mukhang hindi lang ako ang kinakabahan. Maging ang lahat ng kaklase ko ay halatang kinakabahan, ang iba ay hindi na nila namalayang nabitawan na nila ang kanilang mga ballpen. Si Ms. Ye-jin naman ay nakatingin ng malungkot sa isang kaklase namin na halatang kinakabahan din.

"Do you find bloody week boring?" Tanong niya na ikinatawa niya.

Boring? Boring your face. Hindi ka pa ba nakuntento na maraming estudyante na ang namatay dahil sa kagagawan niyo? Wasn't it enough? What are you planning now to satisfy your boredom? Black lady.

"Let's play a game."

Game? Where our lives are involved? Binuksan ko ang laman ng aking bag. Agad na naagaw ng aking pansin ang isang kahon na pahaba. Pumorma sa aking labi ang isang ngiti. Well, I am ready to play. Muli kong isinara ang aking bag.

"May inilagay kami sa inyong locker. Isang pangalan, pangalan ng taong kailangan niyong mapatay bago lumubog ang araw bukas."

Bukas na matatapos ang bloody week. Finally, pero alam kong hindi namin kailangang mapanatag. Shit! Hindi talaga nila kami titigilan, they want a bloody ending. Curse their souls.

"Let's add a twist. Kapag wala kayong nakitang pangalan sa inyong locker. You are doomed. Hindi mo alam kung sino ang papatay sa'yo, kailangan mo siyang maunahan. Kapag hindi nyo matapos ang laro, kami na mismo ang tatapos sa inyo."

Namatay na ang speaker sa paligid ngunit ang pangamba sa amin ay permanente na. Baliw na talaga sila. They settled a bloody shit because they were not satisfied. They wanted it bloodier.

YG Univeristy | JenLisa (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon