Chapter 24: Control

1K 28 3
                                    

Jennie's Point of View

Sa lahat ng napagdaanan ko, naming magkakaibigan, ito ang pinakakakaiba, at buwis-buhay sa lahat. Sanay na kaming laging nalalagat sa alanganin ang buhay namin, we love playing with death. We love dangerous adventures, we are the badass group you will see walking on the street with a smirk on our faces.

YG University. This is where we are right now. We are stuck in this place. We don't even know how to get out. We almost lost hope, almost. Nawawalan na ako ng pag-asa na makalabas kami sa lugar na ito but whenever I see my friends, nagkakaroon ako ng lakas ng loob, nabubuhayan ako ng loob. My friends are my source of strength and definitely, my weakness. I promised myself I will fight as long as they are on my side. I will protect them, as long as I can.

"Hey! Tulala ka na naman..."

Kinuha ko ang inalok sa aking juice ni Rosé na tumabi sa akin. We are at the wide space. Ang malawak na open-space na ito na nagsisilbing tambayan ng lahat. Nakatirik ang araw pero may silong ang lahat ng bech dahil sa nagtataasang puno sa paligid.

"Asan sila?" Tanong ko.

Nginuso nya ang paparating na apat na nagtatawanan. Kumaway sa akin sina Nayeon at Jisoo habang isang ngiti lang ang isinalubong nina Jungkook at Kai. Magsimula kanina na nag-umpisa ang bloody week ay hindi na namin iniwan ang isa't-isa but I know may mga gawain rin kami sa hindi namin magagawa ng sama-sama. Halimbawa na lang ang tungkulin ko sa school.

"I need to go..." Paalam ko.

"Akala ko ba walang iwanan?" Nakangusong tanong ni Rosé.

"Wala naman talaga. Sino bang nagsabing iiwan ko kayo? Magkikita pa tayo mamaya, may kailangan lang akong gawin. You know... sexytary." I tried to be funny to divert the topic.

Tumango nalang ako bago naglakad palayo. Leaving them even for just a couple of hours is really hard for me. I may be strong to them, but I am weak inside. Natatakot din akong minsan na iwan sila at hindi na muling makita ang isa sa kanila.

Mariin kong ipinilig ang aking ulo. Anu-ano ang iniisip ko.

Pagkarating ko sa SSG Office ay si Supremo lang ang dinatnan ko at masamang titig agad ang isinalubong nya sa akin.

Problema nito?

"Always late. Get that papers and follow me." 

Bossy. Kinuha ko ang mga papel na itinuro niya kabilang ang log book kung saan nakasulat lahat ng pangalan ng mga estudyante kasama ng mga kasalanan nila. Seriously, Lisa? Manually?

Naglakad lang kami nang dahan-dahan pero lahat ng taong madadaanan namin ay agad na umiiwas. We won't eat you people.

"Where are we going?"

"Somewhere."

Nice. Very well answered, Lisa. You enlightened me, you answered my question direct to the point. Somewhere? Where? Everywhere? The heck?!

Natigilan ako nang makita ang isang bangkay ng lalaki na hila-hila ng guard. Bumubula ang bibig nito. Mukhang nilason ito ng kung sino. Lumapit kami ni LIsa sa guard kaya tumigil ito.

"Youngjae Choi, supremo." Biglang sambit ng guard.

"Find it, Miss Kim and mark it with an 'x'."

Natigilan ako. Alam ko ang ibig niyang sabihin pero hindi ako kumilos. Pinagmasdan ko lang ulit ang lalaking nanginginig at bumubula ang bibig.

"Do it." Medyo nairita na si Lisa.

YG Univeristy | JenLisa (Book 1)Where stories live. Discover now