2

16.8K 585 81
                                    


NANG gabing iyo'y nasa balkonahe ng bahay nila si Lora. Nakatingala sa kalangitan. It was a clear night. May mga bituing nakakalat sa buong kalangitan. At kung imahinasyon o hindi, tila may natanaw siyang munting liwanag na gumuhit sa kalangitan pababa.

Nanlaki ang mga mata niya at agad na inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng cotton pants, closed her eyes and uttered a wish.

"You're twenty-two, Lora. Pero hanggang ngayon ay ginagawa mo pa rin iyan," natatawang sabi ni Gaudencio mula sa may pinto ng kabahayan.

Lumingon si Lora, gave her father a shy smile. "Old habits are hard to die, 'Tay."

Nanatili ang ngiti sa mga labi ng matandang lalaki, subalit sa liwanag na nagmumula sa balkon ay nakita ni Lora ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ng ama. At alam niyang iisa ang iniisip nilang dalawa, ang ina niya. Si Marcia. Nasa huling taon siya sa high school nang mamatay ang ina.

Si Marcia ang nagturo sa kanya noong maliit pa lamang siyang bata na kapag may nalalaglag na bituin o bulalakaw ay maaari siyang humiling. One of those bedtime stories sa tuwing pinatutulog siya ng ina.

At habang nagkakaisip siya'y natutuhan niyang hindi nahuhulog ang mga bituin. Ang araw ay isa sa mga maliliit na bituin sa buong uniberso. And the sun was many times bigger than earth. Kaya walang bituing maaaring mahulog sa lupa.

But of course, that was the scientific truth. Iba naman ang pananaw ng mga makata at romantiko at ang pantasya ng mga bata. At kahit ng hindi na mga bata, kung tutuusin.

At tuwing may natatanaw siyang liwanag na gumuguhit sa kalangitan, she couldn't help uttering a wish. She couldn't even remember if any of her wishes came true. Nalilimutan na niya iyon. She didn't believe it either.

"But the wish you just made wasn't a childish wish, was it?" himig-birong untag ni Gaudencio sa pag-iisip ng anak.

Lora grinned. Nagkibit ng mga balikat. "Hiniling ko lang naman na sana'y maging matagumpay ang aming pagsasama kung kami'y maikakasal..."

Lumapad ang ngiti ng matandang lalaki. "You shouldn't have told me what you wished for, Lora. Hindi matutupad..."

She laughed gaily. "Ang tatay talaga." Naupo siya sa barandilya ng balkon at niyakap ang poste ng isang kamay. "We both know there's no such thing as a falling star. Siguro'y idinaan ko lang sa nakagawian pero hindi masamang hilingin sa sarili na sana'y maging maligaya ang pagsasama namin ni Nelson tulad ng sa inyo ng nanay..."

Humugot ng pagkalalim-lalim na buntong-hininga si Gaudencio. Sumeryoso. Sumandal sa hamba ng pinto.

"Desidido ka na ba talagang mag-asawa? Sigurado ka bang papayag si Nelson na palawakin pa ang natutuhan mo sa photography kung kasal na kayo?"

Napabuntong-hininga siya. Kahit siya'y hindi niya matiyak ang sagot doon. "I-iyon ang napag-usapan kanina, 'di ba?" Hindi niya masabi sa amang napilitan lamang siyang sumang-ayong magpakasal sila ni Nelson tatlong buwan mula sa araw na iyon.

Kanina, habang nasa hapag-kainan sila'y inungkat ni Nelson ang tungkol sa pagpapakasal nila sa harap ng mga magulang nito at ng tatay niya. Agad na sinang-ayunan iyon ng ama ni Nelson at sinegundahan naman ng ina nito. Nagpasya si mayor na agad itakda ang kanilang kasal. May hinala pa nga siyang sadyang alam ng mga magulang ni Nelson ang planong iyon ng kasintahan dahil ni hindi nagpakita ang mga ito ng pagkabigla.

Hindi rin nakuhang magsalita ni Lora. Tila ang opinyon niya kanina'y hindi na mahalaga. Kahit ang itay niya'y walang gaanong nasabi. At kahit na nang sabihin ni Nelson na ipagpaliban na muna niya ang pagluwas sa Maynila dahil magiging abala siya sa paghahanda sa kanilang nalalapit na pagpapakasal.

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now