23

14.7K 584 53
                                    


"YOU HAVE one last chance para magbago ng isip, Lora." si Nelson, a threat in his voice. "Ilang araw kayong nawala ng tiyahin mo na hindi man lang nagpasabi sa akin. Pinagmukha mo akong tanga."

"Nelson, please. Ayokong makipagtalo sa iyo. Naghihintay ang Itay sa ibaba." Isinukbit na niya sa likod ang knapsack niya at binuhat ang maliit na bag. Nagsimulang lumakad patungo sa pantalan.

"Kapag itinuloy mo ang pagtungo sa Maynila ngayon ay kalimutan mo na ako, Lora!" sigaw ni Nelson.

Huminto sa paghakbang si Lora at nilingon ito. "Ikaw ang bahala sa gusto mong mangyari. It doesn't matter anymore..." aniya sa bale-walang tono.

Tumiim ang mga bagang ni Nelson. "Kung hindi ko ba ipagpapatuloy ang balak ko'y hindi ka aalis?"

Isang deretsong tingin ang ibinigay niya sa kasintahan. "Hindi mo ba itutuloy?" Naghahamon ang tinig niya. Bagaman nakatitiyak na siya sa sasabihin dito. She wasn't in love with him. She would tell him that point-blank. Walang dahilan para magpaligoy-ligoy. Much as she didn't want to hurt him, ang pagiging tapat ang pinakamagandang gawin.

Isang iritadong buntong-hininga ang pinakawalan nito. "Alam mong hindi ko matatanggihan ang papa."

"That's what I thought," matabang niyang sabi. "Kaya hindi kita pipigilan."

"Pero iyan ang dahilan kaya ka luluwas, 'di ba?"

"Partly, yes. Pero alam mong plano kong dumalo sa seminar na ito, Nelson. But you tricked me. Ni hindi sumagi sa isip kong tatlong buwan matapos nating pakasal ay eleksiyon na naman pala." Her voice filled with accusation.

"Kung gayo'y ikaw ang tumapos sa relasyong ito, Lora!"

"The relationship had ended when you lied to me! Nang papaniwalain mo akong hindi ka papasok sa politika... nang i-pressure mo akong pakasal tayo kaagad para lang magamit ninyong mag-ama ang katayuan ng pamilya ko sa bayang ito!"

Isang matalim na tingin ang isinagot nito at pagkuwa'y mabilis na tumalikod patungo sa harapang-bahay kung saan nakaparada ang kotse nito. Hindi tuminag sa kinatatayuan si Lora. At hanggang sa magpaandar ng sasakyan si Nelson at lumabas sa bakuran nila ang kotse nito'y nanatili siyang nakatayo roon at sinundan ng tanaw ang sasakyan.

Nang mawala iyon sa paningin niya ay humakbang siya patungo sa pantalan. Kinakapa ang damdamin kung may dapat siyang pagsisihan sa nangyari. Subalit sa halip ay tila isang malaking bato ang naalis sa pagkakadagan sa dibdib niya.

"Ano ang napagkasunduan ninyo ni Nelson?" ang tatay niya na nasa bangka na at siyang maghahatid sa kanya sa Batangas.

"Tinapos niya ang ugnayan namin, 'Tay..." tahimik niyang sagot, bagaman sa sulok na bahagi ng dibdib ay alam niyang bago pa man siya sumamang maglayag kay Karl ay tinapos na niya ang relasyon nila.

Bumaba siya sa hagdanang yari sa bato at sumampa sa basnig. Tahimik siyang naupo sa isang tabi. Pinaandar ni Gaudencio ang makina ng basnig at pumalaot na.

"Ang estranghero ba ang dahilan kung kaya naging madali para sa iyo ang pakikipagkalas kay Nelson, Lora?" tanong ni Gaudencio nang malayo-layo na sila.

"His name's Karl, Itay. You've met him and introduced himself to you," aniya na sinamahan ng malalim na buntong-hininga. "At alam ninyong hindi totoo iyon. Bago ko pa makilala si Karl ay hindi ko na gustong makipag-usap kay Nelson. At isa marahil iyon sa dahilan kung bakit sumang-ayon akong sumamang maglayag kay Karl. Iniwasan kong magkausap kami at marinig ang panghihikayat na gagawin niya."

Ilang sandali muna ang lumipas bago muling nagsalita si Gaudencio. "Una pa lang ay hindi ko na gusto para sa iyo si Nelson. Tuwina'y nasa kilos ang pagyayabang sa posisyon ng ama, disimulado nga lang. Subalit paminsan-minsa'y lumalabas ang kahambugan. At dahil ginusto mo'y wala kang narinig sa akin. Subalit kung papipiliin mo rin lang ako sa pagitan ni Nelson at ng estrangherong lalaking sinasabi ni Ate Lagring na kinahulugan ng loob mo'y pipiliin ko marahil si Nelson sa kadahilanang higit ko siyang kilala at pakakasalan ka, kahit na nga ba mali ang motibo."

"Itay, hindi ko alam kung ano ang relasyon namin ni Karl. Pero hindi ako magsisinungaling sa inyo, I think I'm falling in love with him..."

Nang bumalik sa yate si Karl nang hapong iyon matapos ang pagkuha niya ng mga larawan ay inaasahan niyang naglayag na itong pabalik sa Maynila. But he surprised her by appearing at her doorstep the next day. On his hands bunch of roses in varieties of color.

"Karl!" bulalas niya na kung hindi niya napigilan ang sarili'y baka niyakap niya ito sa matinding katuwaan.

"Hi, siren." He grinned at iniabot sa kanya ang bungkos ng mga bulaklak. The meeting would be the day after tomorrow. And to hell with the meeting if he didn't get there on time.

Seeing this woman again was more important than any company board meetings. What he saw in this young woman was natural beauty. Hindi lang basta magandang mukha at magandang katawan, although she had that and more. What caught his attention was the pure expression of joy on her face as she took pictures on his ship. Pure and natural joy. So compelling and undeniably attractive.

At tuwing nagkakasalubong ang mga tingin nila'y naroroon lagi ang ngiti sa mga labi ni Lora, a killer smile that was etched in his mind. Maybe he was becoming a little corny, but he couldn't remember the last time a woman had captivated him completely.

Isang linggo halos silang magkasama, but it was as if they already knew each other too well.

"I–I thought you sailed back yesterday." She couldn't contain the excitement in her voice. "Sabi mo'y may meeting sa department mo?"

"I miss you. The meeting could wait." Lora was speechless.

"Miss me too?"

"Am I supposed to? Kahapon lang tayo naghiwalay," she teased. "Don't you?"

She wrinkled her nose and said nonchalantly. "Yeah, I guess I missed you, too. Didn't I tell you I must be falling in love with you? Kaya natural lang na mami-miss kita, 'di ba?"

Karl smiled at the cheekiness in her voice.

Isang tikhim sa likuran ang nagpalingon sa kanila. Si Gaudencio. At bago pa maipakilala ni Lora si Karl sa ama ay nauna nang magsalita si Karl. Humakbang ito papasok at inilahad ang kamay at ipinakilala ang sarili. At nang magsimulang mag-usisa si Gaudencio tungkol sa pagkatao ni Karl ay ipinagpasalamat ng huli nang magyakag si Lora na maglakad-lakad sila patungo sa pantalan.

They talked of everything and nothing. Much as Karl wanted to kiss her, pinigil nito ang sarili. Mula sa bintana sa itaas ng bahay nina Lora ay nahagip nito ng tingin si Guadencio. Nakamasid ito sa kanila.

"Pagkatapos ng meeting ay babalik ako, Lora," ani Karl nang magpaalam na.

"W-why?" Tumaas ang mga kilay ni Karl sa tanong niya. "Itinatanong ba iyon?"

"Of course, I want to see you again, Karl. But you must know I-I don't go for a fling."

"I know." The two words spoke volumes. Gustong magpumiglas ng puso ni Lora sa kaligayahan. She gasped when Karl's arms went around her. Hindi na mahalaga kung nakatingin sa kanila si Gaudencio.

"That's why I am coming back next week, siren." He bent his head to kiss her nang mula sa kung saan ay narinig nila ang tinig ni Tiya Lagring na tinatawag si Lora.

Agad na naghiwalay ang dalawa. At sabay na tumawa. Magkahawak-kamay na bumalik sa bahay. Nagpaalam si Karl sa dalawang matanda. Bago ito bumalik sa nakaparadang rented car ay may dinukot sa bulsa at ibinigay kay Lora.

"Nakita kong wala kayong telepono," wika nito, at nang marahas na umiling si Lora'y mabilis na idinagdag. "Iiwan ko lang sa iyo. From now to next week, I will be calling you from time to time. At naka-program diyan ang dalawang numero ng telepono ko. Call me anytime." Ang pribadong linya sa penthouse ang ibinigay na numero ni Karl. Ganoon din ang hotline niya sa opisina na hindi nagdadaan sa operator.

Tinitigan niya ang maliit na cellular phone. He had a point. Kinuha niya iyon mula sa kamay ni Karl at ngumiti.

"Call me tonight."

He laughed. "Yes, ma'am." 



*******************Hawak ko pa rin yung phone mo dito Karl char hahahaha. -Admin A ***************

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now