9

13.4K 502 15
                                    


KARL was amused watching her eat with gusto. Walang hindi tinikman sa inihain ng kusinero. Though he couldn't find fault with her table manners. Ngayon lang ito nakatagpo ng babaeng hindi nagpapa-impress sa kanya. Ni hindi to conscious kung puno man ng mantika ang bibig. She was so natural and unaffected. She was as refreshing as the sea air.

"You will please the cook..." komento nito.

Nahinto sa pagsubo si Lora. "Late na akong nananghalian, 'tapos hiningi pa ni Rufus ang pagkain—nasaan ang aso ko?" Akmang tatayo ang dalaga nang maalala ang aso.

Subalit pinigilan ni Karl ang braso niya at marahan siyang hinila paupong muli. "Huwag mong alalahanin ang aso mo. Dinala na ni George sa kusina at pinakakain na iyon."

"Okay." Nagkibit siya ng mga balikat at ipinagpatuloy ang pagkain.

"How old are you, Belle?"

Muling nabitin sa ere ang pagkain ng dalaga. All of a sudden, bakit biglang masarap pakinggan ang "Belle" sa pandinig niya. And to think she didn't even like the last five letters of her name.

"Twenty-two... At alam mo ang pangalan ko. Pero hindi mo sinasabi sa akin ang pangalan mo."

"Karl," sagot nito matapos ang ilang segundong pag-aatubili.

"Hmm... Karl what?"

"Does it matter?" he said smoothly. "Hindi ko itinanong ang huling pangalan mo..."

"I like that." She wrinkled her nose. "As if there's an air of mystery between us. Hindi natin kilala ang isa't isa maliban sa unang mga pangalan..."

An air of mystery. Gustong ma-amuse ni Karl doon. In a way, she was right again. Dahil ni hindi nito ipinakilala ang totoong pagkatao.

"And I'm pleased to meet you, Karl," Lora said cheekily at ipinahid sa pedal pusher ang mamantikang kamay at iniabot kay Karl.

Karl laughed softly at tinanggap ang kamay niya and shook it firmly.

"See?" ani Lora nang bitiwan ni Karl ang kamay niya. "Hindi naman mahirap gawin ang tumawa, 'di ba? Mas maaliwalas tingnan ang mukha mo kapag nakatawa ka." Not to mention you're melting all the bones in my body, she thought.

Nangingiting umiiling si Karl. And to think all he intended to do was feed her, then send her off to sea... kung saan man patungo si Lora. Kanina pa nito inaasahang maiinip, subalit mula kaninang yakapin ito ni Lora mula sa likod at ipasok ang mga kamay sa bulsa ng shorts nito'y napukaw na ng dalaga ang interes nito. Not to mention... desire. Desire that was so strong he could hardly believe himself. Ipinagpasalamat nitong makapal ang tuwalyang nakatapis sa ibaba ng baywang nito kanina.

"You're not eating," ani Lora sa kaharap nang mapunang hindi nito nagagalaw ang pagkain at nakatingin lang sa kanya. Ang ipinagtataka niya'y hindi siya naiilang sa lalaki. Na para bang kay tagal na nilang magkakilala at magkaibigan. She wasn't even wary of this stranger.

Tila hindi narinig ni Karl ang sinabi niya. Sa halip ay, "Are you poor?" Hindi nito matiyak kung bakit nito naitanong iyon. Ang pedal pusher ng dalaga'y medyo kupas na ang kulay. Ang T-shirt niya sa maliwanag na ilaw ay hindi rin bago. She wasn't wearing any fancy trinkets. Though he was sure of one thing, edukada ang babaeng kaharap, with a cultured and sultry voice.

Ibinaba ni Lora ang hawak na hiwa ng fried chicken sa pinggan. "Depends on who's asking..."

Kumunot ang noo ni Karl. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Kung ang may-ari ng yateng ito ang magtatanong..." Nilinga niyang muli ang buong paligid bago ibinalik ang tingin sa kaharap. "Sa standard n'ya, yes, I'm poor."

"Eh, kung ako mismo ang nagtatanong?"

She pouted. Sinipat ang kaharap. "Siguro'y nakalamang ka lang nang tatlong paligo." She grinned. "Ang isa roon ay ang pagkakaroon mo ng kaibigang mayaman. Ano'ng trabaho mo?" Muling dinampot ang hita ng pritong manok at kumagat.

"Empleyado ng kaibigan ko. His man Friday..."

"Is your friend really very rich?" Nakayuko si Lora sa pinggan niya kaya hindi niya napuna ang iglap na pagkapalis ng ngiti sa mga labi ni Karl at nahalinhan ng pagdilim ng mga mata.

"Does it matter if one is rich and one is not?"

"A lot. Tingnan mo ikaw. Empleyado ka lang pero nakakapag-jet at water skiing ka. Kung wala kang kaibigan at boss na mayaman, you couldn't be possibly enjoying the luxury of sailing his ship."

Nag-angat ng paningin si Lora sa huling sinabi niya. Kumunot ang noo nang makita ang tila pagdaan ng galit sa mga mata ni Karl. O baka imahinasyon lang niya. Anyway, mula kanina'y napuna na niyang hindi ang uri ng lalaking ito ang madaling ngumiti.

"Bakit hindi ka maghanap ng ibang trabaho kaysa sa bangkero?" walang ano-ano'y tanong ni Karl. "Sa tingin ko'y nag-aral ka naman. Mahusay kang magsalita. Bakit mo pinili ang taga-transport ng mga local tourist sa bangka mo?" What the hell did he care? Hindi pa ba sapat ang isinagot nito upang tapusin na niya ang pakikipag-usap dito?

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Lora sa tanong na iyon. Then she burst out laughing. "Ano ang nakakatawa?"

Her eyes were dancing merrily habang tinititigan niya ang binata na nakabalatay ang iritasyon sa mukha. Iniisip ng kaharap na bangkero siya ng mga turista. Sasabihin na lang niyang kanila ang basnig at hindi ipinanghahanapbuhay tulad ng nasa isip nito nang biglang maalala ang dahilan kung bakit nasa dagat siya. Nanlaki ang mga matang napatayo si Lora.

"Nakup—aalis na ako! Salamat sa pagkain at gasolina!"

"Hey!" ani Karl na nagulat sa bigla niyang pagtakbo palabas. Tila si Cinderella na inabutan ng pagpitada ng alas-dose. Lamang, hindi naiwan ni Lora ang tsinelas niya na habang pumapanhik sa deck ay pinipituhan ang aso.


********************Grabe ka Lora, pinagtawanan mo lang ang bebe Karl ko  char hahahaha - Admin A **************

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now