29

16.5K 567 89
                                    


SA LOOB ng dalawang buwan na matuling lumipas ay hindi miminsang dumalaw si Nelson upang suyuin siyang muli sa kabila ng paulit-ulit niyang pagtanggi rito.

At sa loob din ng dalawang buwan ay unti-unting nalilibang si Lora sa pagbabalik niya sa trabaho sa travel agency. Not as a tour guide, but as an official photographer.

At wala siyang natatandaang araw na hindi sumagi sa isip niya si Karl. She had never stopped loving him. Pero kailangang patuloy ang buhay. At malaking bagay ang trabaho niya upang mawaglit ang isip niya kahit sandali rito. Bagaman sa bawat pagtanaw niya sa dagat ay mukha ni Karl ang nakikita niya.

Alam niyang hindi lang kumikibo ang itay at tiyahin niya tuwing nakikita siyang nakatanaw sa malayo. O di kaya'y ang mahahabang oras na ginugugol niya sa pantalan nang nag-iisa. Kahit si Rufus ay hindi na niya gaanong napagtutuunan ng pansin. Naghihintay lang marahil ang mga ito na maghayag siya ng damdamin niya.

One day... soon. Kung hindi na ganoon kasakit ang nararamdaman niya.


NAGULAT si Lora nang pag-uwi niya galing ng bayan nang hapong iyon ay madatnang nasa sala nila si Lynette at kausap ng tiya Lagring niya.

"Lyn!" bulalas ni Lora. Inilapag ang bag sa sofa at naupo sa tabi ng kaibigan.

"Siya, maiwan ko na kayong dalawa. Magpapakain pa ako ng mga itik." Lumakad na patungo sa kusina si Tiya Lagring.

"Kanina pa po ako rito. Inabot na ako ng paglubog ng araw," wika ni Lynette at hinagod siya ng tingin.

"Ano ang nagpatawid sa iyo sa dagat para puntahan ako?"

Lumabi si Lynette. "Hus... para namang hindi ko siya nadadalaw noon dito. Ikaw nga diyan, ni hindi ka man lang—"

"Okay... okay!" She laughed. "Ano ang balita? 'Sabi mo sa huling sulat mo'y natanggap kang official photographer sa isang big time magazine."

"Yap. Ako ang official photographer ng mga cover model."

"So, big time na ang kaibigan ko."

Ngumiti lang si Lynette. Pagkuwa'y muli siyang tinitigan, then asked softly. "How are you? Malaki ang inihulog ng katawan mo."

"Mas sexy ako ngayon?" pabirong sabi niya. Nang hindi sumagot si Lynette at nanatiling nakatingin ay napabuntong-hininga si Lora. "Getting by. At huhulaan ko kung bakit ka narito. Isang personal na imbitasyon para sa kasal ninyo ni Glen." Inalis niyang sa kanya matuon ang usapan.

Natawa si Lynette. "Hindi iyan ang sadya ko. Pero huwag kang mag-alala, pinag-uusapan na namin ni Glen iyan. Four months from now, pero wala pang definite date. At siyempre, ikaw ang maid of honor ko..."

Lora rolled her eyes. "Salamat naman."

"Loka." May dinukot ito sa bag at ibinigay sa kanya.

"Ano ito?" Binasa niya ang brochure na inilagay ni Lynette sa kamay niya. "Photo exhibit!"

"Yap. Sa Megamall. At sasali tayo. We will rent a booth."

Napatingin siya sa kaibigan. "Lyn, alam mo ba kung magkano ang isang booth?"

Nagkibit ng mga balikat si Lynette. "Mahal, alam ko. Pero hindi ganoon kamahal kung paghahatian nating dalawa. And it's worth the expense, Lora. Iyon ang pagkakataon mo... natin. 

At sa sandaling may bumili sa mga kuha nating larawan, o, di bawi na iyong gagastahin natin. Plus, baka may kumuha sa ating photographer sa isang de-klaseng magazine!"

"Pero wala akong magandang camera na magagamit..."

"You don't need to take new pictures. Nasabi mo sa aking kinuhanan mo ng picture ang yate ni Karl, 'di ba?"

Tumango si Lora. Nasa darkroom pa rin ang rolyo ng film. Hindi pa niya idine-develop. She was afraid she'd burst into tears tulad sa isang nasirang dam kung makikita niya ang mga larawang iyon.

"Sapat na iyon. You used his camera. At may tiwala ako sa kakayahan mo, friend. I saw some of the photos na kinunan mo noong college tayo. It was good. At ang mga best photo ko, lalo na iyong mga ipina-develop ko sa life-size, ay kuha mong lahat."

"Kinakabahan ako, Lyn. Baka magmukha lang tayong katawa-tawa roon among the experts..."

"Shut up. I will arrange everything. Padalhan mo ako ng express mail kung kailan ka luluwas."

"Are you sure this is a good idea?"

"Positive. Now get to work. Huwag kang magmukmok. Aalis na ako." Isinukbit nito ang shoulder bag kasabay ng pagtayo.

"Hapon na, ano ba?"

"Precisely. Kaya nga kailangan kong umalis na dahil baka abutan kami ng malalaking alon. Nagrenta lang ako ng bangkang de-motor para makatawid dito. Pakisabi sa Tiya Lagring na aalis na ako. And friend, I'm counting on you..."

A worried sigh came out of Lora's lips.

NANG sabihin ni Lora sa itay niya ang tungkol sa exhibit ay agad ang pagsang-ayon ni Gaudencio. At kahit hindi niya sinabi'y nagpauna na ang ama na bibigyan siya ng sapat na halaga para sa lahat ng gastusin.

"'Tay..." Nag-iinit ang sulok ng mga mata niya. Niyakap ang ama.

"Huwag mong hayaang may pumatak na luha, Lorabelle. Natitiyak kong nitong mga huling araw ay marami ka nang luhang sinayang. Tama si Lynette, magsimula ka nang magtrabaho para sa exhibit na iyon."

She smiled at her father through misty eyes. "Salamat, 'Tay."



***************Naalala ko tuloy ang mga parents ko na todo support lang sa akin. Na kahit dumaan na ako sa maling landas ay nariyan pa rin sila para tulungan akong makabangon, noong mga time na lugmok na lugmok ako. Naiiyak ako, ramdam kita Lora, hindi man ako sawi sa pag-ibig pero ramdam ko ang pakiramdam na may tumutulong at gumagabay sa'yo para makabangong muli. Take care mga beshie. Happy weekends sa lahat. God bless. - Admin A ***************Parang gusto ko pang magkwento pero tsaka na siguro hahahaha.

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now