8

14.1K 542 8
                                    


NAPAHAKBANG si Karl palapit sa gilid ng bangka at inaninag ang parating na speedboat. Pagkuwa'y dinampot ang emergency lamp at iwinasiwas sa mga dumarating.

"Over here!" sigaw nito.

Tatlong lalaki ang sakay ng speedboat na higit na malaki kaysa sa ginamit ni Karl. Ang driver ng bagong dating na speedboat ay inutusan nitong bumalik sa pinanggalingan at kumuha ng gasolina. Ang dalawa'y inutusan nitong iayos ang tumaob na speedboat.

Hindi naging kainip-inip ang paghihintay sa inutusang kumuha ng gasolina. At matapos malagyan ng gasolina ang basnig niya ay pumuwesto si Karl sa manibela ng basnig habang ang malaking speedboat ay hinatak ang nasira.

"Bakit kailangang sumama ako sa iyo?" tanong ni Lora kay Karl. "Maaari naman akong dumeretso sa Batangas?"

Nilingon siya nito. "You said back there that you were starving. I'll feed you first. Iyon man lang ay maibayad ko sa pagkasira ng katig mo."

She should have refused. Iyon ang tamang gawin. Hindi niya kilala ang lalaki. At lalo na at may iba pang mga lalaki itong kasama.

Nakita ni Karl ang pag-aatubili niya. And he was glad that she wasn't so trusting after all.

"Mas malapit ang pupuntahan natin kaysa kung sa Batangas kita yayayaing kumain. Bukod pa sa duda ako kung may disenteng makakainan sa pier... At hindi ako masamang tao, though I'll understand if you refuse my invitation." Idinagdag ni Karl ang huling sinabi.

Nilinga ni Lora ang madilim na karagatan. Hindi niya alam kung bakit naniniwala siyang hindi masamang tao ang estrangherong ito. "Wala naman akong alam na restaurant sa Batangas na nasa gitna ng dagat, ah. Bakit tila sa laot tayo patungo?"

"Nakikita mo ba iyang umiilaw na iyan?" Itinuro ni Karl ang cruising yacht na may tatlongdaang metro na lang ang layo mula sa kanila. "Iyong malaking barkong iyon?!"

"It's a sailboat... yes, a ship, if you wish. Pero hindi naman ganoon kalaki," pagtatama ni Karl.

"A ship is a ship, small or otherwise!" she said. "May restaurant ba roon?"

"Wala. Pero may pagkain..."

"And that ship is yours?"

Karl hated the excitement in her voice, habang itinuturo ang sailboat. "Sa kaibigan ko. At sa kanya din iyong speedboat."

"Oh my! Your friend must be very very rich!" she exclaimed. At nasa yate ang paningin ni Lora kaya hindi na niya napuna ang pagtalim ng mga mata ni Karl.

"THIS is George, siya ang nagmimintina nitong yate," agad na pakilala ni Karl nang makapanhik sila sa yate bago pa man nakapagsalita ang man Friday nito.

Nginitian ni Lora ang lalaki at iniabot ang kamay. "Hello, George..." Sandali lang ang pagkalito ni George sa paraan ng pagpapakilala ni Karl dito. Agad na inabot ang kamay ni Lora.

"It's a pleasure to meet you, ma'am," George said gallantly, at sa halip na pakikipagkamay ay dinala nito sa bibig ang kamay ni Lora at hinagkan iyon.

Lora smiled. "Such Old World grace. I'm thrilled..." Bahagyang kumunot ang noo ni Karl sa ginawa ng man Friday nito. Nang akmang magsasalita si George ay agad itong hinila ni Karl sa sulok habang si Lora'y nagpalinga-linga sa kabuuan ng barko.

"Sabihin mo sa kusinero na ipaghanda kami ng pagkain," he said in a clipped voice.

"Yes, boss." Akmang tatalikod si George subalit bago siya makahakbang ay muling bumulong si Karl. "She doesn't know who I am. Play along." Nagtataka ma'y hindi na kumibo ang man Friday. At lumakad na patungo sa kitchen.

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now