30

14.5K 528 38
                                    


"WOW!" bulalas ni Lynette nang makita ang mga kuhang larawan ni Lora kay Karl. "Fantastic!"

"And look at this, honey," ani Glen at inilapag sa mesa ang kuha ni Lora sa yate. "It looked like a great black bird flying accross the dying sun!"

Lora was breathless. Hindi makapaniwala sa papuring tinanggap mula sa dalawang kaibigan.

"And so this is Karl! Why, he looked like a buccaneer! A pirate!" Lynette picked up another photo. "And look at his eyes... so dark against the light... At ang isang ito... ang pagkakuha mo sa buhok niya habang nakayuko siya sa tabla. Parang may kung anong liwanag na naglalaro sa ulo niya."

"I, myself would like to buy one of these photos, Lora..." Nagsimulang isa-isahin ni Glen ang mga larawan upang mamili. He was having a hard time choosing what he really wanted when Lora's soft and determined voice echoed around.

"Those photos are not for sale, Glen..."

"What?" simultaneous na wika ng dalawa. She refused to meet their eyes for a while. Pagkuwa'y isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Those photos are my personal collections. I'll put them up sa exhibit pero hindi ko ipagbibili."

"Lora..."

"Yes, Lynette. And don't worry about my share of expenses. Nagbigay ng pera si Itay. Ang future job ko ang ipagbibili ko, hindi ang mga iyan." The couple shrugged their shoulders. Si Glen ay nasa mukha ang panghihinayang. Si Lynette ay pagkaunawa.

"All right, tara na sa mall," yakag ni Lynette sa masiglang tinig. "Iaayos natin ngayong gabi ito. Bukas ang simula ng exhibit."

MARAMING tao sa photo exhibit na iyon sa fifth floor ng Megamall. Higit sa lahat sa booth nina Lora at Lynette. Hindi magkamayaw ang dalawa sa pag-entertain sa mga taong nagnanais bumili. Hindi rin malaman ni Lora kung paano tatanggihan ang nagpupumilit na bilhin ang mga larawan ni Karl at ng yate. Ang iba'y nag-aalok pa ng malaking halaga.

Hindi iilang tao ang pinangakuan niyang gagawan ng trabaho. May humihingi ng address at telepono niya, na agad ay nagpresinta si Lynette na ibigay ang contact number nito dahil wala siyang maibibigay. Some left calling cards at nangako siyang magtatrabaho para sa mga ito.

Ang mga kasamahan ni Lynette sa trabaho ay kinunan ng larawan ang buong booth at ang mga trabaho ni Lora, with her permission ay ilalagay sa magazine. And of course, may bayad.

"Wow!" si Lynette at niyakap ang kaibigan nang gumabi na at nagsasara na ang exhibit. "This is the first day and you are inundated with job offers, Lora. Paano pa sa susunod na anim na araw?"

"Thank you, Lyn," she said sincerely. "Kung hindi dahil sa iyo'y—"

"Nonsense!" Lynette scolded gently. "May mga nabili rin sa akin at mga bata pa tayo'y alam kong mahusay kang talaga. What you need is exposure. And this is it!"

Tumawa si Lora. "Hindi mo nabanggit ang tamang camera. At dahil wala naman akong ipinagbili, wala rin akong pambili ng magandang camera."

"That would be the least of your worries. Mangungutang tayo sa itay mo. Isasanla ni Tatay Gaudencio ang bahay n'yo."

Both women laughed. Then Lora turned to stare at Karl's photos. Agad ang pagkalat ng lungkot sa dibdib niya. She missed him so much. Lumilipas ang mga araw at totoong nakakangiti na siya, but she felt so empty.

But maybe... just maybe he'd forget him... Time heal all wounds.


*************Hello mga beshie, sorry ngayon lang nakapag-update naglipat kasi ako ng pwesto kanina. Di bale malapit na pala itong matapos. Tsaka may nakita ako sa FB na naka 30% off ang mga books ni Ms. MC kaya avail n'yo na sa www.preciousshop.com.ph . Bilhan n'yo na rin ako char hahahaha. Ano'ng favorite n'yong stories ni Ms. MC?  Malamig na hapon sa inyong lahat at mag-ingat tayo mga beshie. Malakas pa naman yung bagyo.  - Admin A *************

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon