7

14K 552 16
                                    


"HINDI ko naiintindihan ang sinasabi mo, Lora," ani Gaudencio at ibinaba sa mesa ang mug ng kape at kunot ang noong tinitigan ang anak. "Isang linggo ka 'kamong mawawala. Luluwas ka na ba sa Maynila? Ang akala ko ba'y sa katapusan pa ang luwas mo?"

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga. A dreamer could be forgiven but not a fool. And she was both a dreamer and a fool. Halos wala siyang itinulog kagabi sa kakaisip sa sinabi ng estranghero. Inanyayahan siya nitong maglayag nang isang linggo sa karagatan.

At hanggang ngayo'y hindi niya maintindihan kung bakit pumayag siya. And now she was having a hard time asking her father's permission.

"Hindi ko ho gustong magsinungaling... so please don't ask..."

"Gusto kong malaman kung saan ka pupunta!" ani Gaudencio na tumaas ang tinig.

She winced. Bibihira ang pangyayaring pinagtataasan siya ng tinig ni Gaudencio. Alam niyang kagabi pa nag-aalala ang ama nang alas-diyes na halos siyang nakauwi. Sinabi naman niya ang totoo kung ano ang nangyari, pati ang pagtungo nila ni Rufus sa barko.

"Saan ka pupunta, Lora?" ulit ni Gaudencio sa mariing tono.

"Eh, 'Tay..." Lora sighed. She felt so stupid, habang pahapyaw na sinasabi sa ama ang totoo.

Nanlaki ang mga matang tinitigan ni Gaudencio ang anak. Hindi makapaniwalang napaangat ang likod mula sa sandalan ng silya.

"Nasisiraan ka na ba ng bait, Lorabelle?! Hindi mo ba naiisip na kapahamakan ang gagawin mong iyan?"

"Itay, kung gusto niya akong gawan ng masama'y ginawa na sana niya kagabi..." she said defensively.

"Marami na ang nagsabi ng linyang iyan!" Pagkamangha at galit ang nasa mukha ni Gaudencio. "Paano kung miyembro ng white slavery ang taong iyan?" Nagbuntong-hininga at galit itong umiling. "Hindi ako makapaniwalang inalagaan mo sa isip ang alok ng estrangherong iyon sa buong magdamag. Though a dreamer, you are a very sensible person, Lorabelle. Saan napunta ang matitino mong kaisipan at dahil lang sa—"

"Just this once, please," she begged.

"Lorabelle—"

"Itay, please. Hindi ko kayang ipaliwanag sa inyo. Pero natitiyak kong hindi masamang tao si Karl. Pulos lalaki ang crew sa barkong iyon at kung ginusto niyang huwag na akong pauwiin kagabi at tangayin ay hindi ninyo malalaman. Kung masama siyang tao, that would be his chance. Hindi kailangang pauwiin pa niya ako para magpaalam sa inyo."

May kung ilang sandaling tinitigan ni Gaudencio ang anak. Pilit pinapasok sa isip ang katwiran ni Lora. Ilang sandaling pilit pinayapa ang damdamin. Ang paglalim ng kunot sa noo'y tila mananatili na roon hanggang sa natitirang buhay nito. Iyon ang isa sa mga pagkakataong umasam itong sana'y naroon si Marcia. Tiyak na alam nitong pakitunguhan ang sitwasyon.

Isang malalim na buntong-hininga ang muling pinakawalan ni Gaudencio. Pinagkatiwalaan nito ang anak sa buong panahon ng pagkokolehiyo nito sa Maynila at minsan ma'y walang ginawa si Lora na dapat nitong ipag-alala. She went in and out of crushes at hindi mga seryosong relasyon. Though young, she wasn't gullible pagdating sa matatamis na salita ng isang lalaki. And Lora had more sense than any young women he knew.

Then from out of the blue, napahinuhod ng isang estrangherong lalaki ang kanyang anak nang paganoon lang. And that what scared him most.

He sighed heavily, and in a resigned voice said, "Isama mo ang Tiya Lagring mo..." Nang akmang magsasalita si Lora ay mabilis na idinagdag, "O hindi ka aalis!" Ngumiti si Lora. "Kanina ko pa gustong sabihing isasama ko namang talaga si Tiya Lagring."

"'KU, HINDI ko maintindihan diyan sa ama mo kung bakit pinayagan ka sa kalokohang ito?" ani Tiya Lagring habang sumasampa sa basnig.

"Kasama ko naman kayo. At saka ano ang malay natin baka hindi naman seryoso si Karl sa pag-aanyaya sa akin at baka pag-alis ko kagabi'y umalis na rin ang yate sa pagkakaangkla nito sa laot."

"Mabuti naman, kung ganoon. Aba'y ire lang bangka'y hindi ako sumasakay at nahihilo ako, sa barko pa?" Dinukot nito ang dalang White Flower, binuksan at sininghot-singhot.

Niyuko ni Lora ang motor at sinimulang paandarin. Nang hindi sinasadya'y mapadako ang pansin niya sa may ilalim ng manibela. May nahagip ng tingin ang mga mata niya... isang pamilyar na bagay. Ang calling card!

Mabilis niyang dinampot iyon at ipinasok sa bulsa ng backpack niya. Nalimutan na niya iyon. Akala pa man din niya'y nahulog na iyon sa tubig. Nagsimula nang pumalaot ang bangka. Sandali niyang sinilip ang katig na napalitan na ng taong inutusan ng itay niya kaninang umaga.

Pagkatapos ay itinuon na ang paningin sa karagatan. Sa malinaw na tubig ay tila nakikita niya ang anyo ng estranghero kagabi.

Si Karl. 



**********Congrats sa atin mga beshie, nasa 150K na tayong lahat char hahahaha. Thanks sa inyong lahat. - Love lots. - Admin A **************

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt