13

13.7K 536 41
                                    


SINUYOD ng tingin ni Lora ang apat na magkakalapit na isla. Isa roon ay malaki at tatlo ay maliit. Kay gandang pagmasdan niyon mula sa kinatatayuan niya. Parang mga tuldok sa dagat. Ibinalik niya ang tingin sa karagatan. Kumikislap ang repleksiyon ng pang-umagang araw sa ibabaw ng tubig. Hindi ilang beses niyang hinuli ang kagandahan ng pagsikat ng araw at ganoon din ang paglubog nito sa camera niya. Subalit nanatiling nakatago ang mga iyon sa kanyang silid. Hindi niya gustong paniwalaan ang mga papuring tinatanggap mula sa ama't tiyahin. Dahil si Nelson ay hindi naa-appreciate ang gawa niya. Para daw larawan sa kalendaryo.

And now, she watched the man who was as elemental and compelling to her as the sea and the islands. Higit na mapanganib kaysa sa anumang malalakas na alon sa maalimpuyong dagat. She watched him swim. Bawat stroke ay nag-iigting ang mga muscle nito sa mga balikat at braso.

Images of him holding and kissing her last night danced through her mind. And she shivered involuntarily.

Huminto mula sa paglalangoy si Karl nang matanaw siyang nakatayo sa may barandilya. Kumaway ito. "Come on!"

Lora smiled a little, at saka pumanhik sa gilid ng yate, she took a deep breath and dived gracefully. Sumisid siya sa ilalim ng tubig. Dahil malinaw ang dagat ay nakita niyang sumisid din si Karl at patungo sa kanya. Binilisan niya ang paglangoy at lumayo mula rito.

Parang mga isdang naghabulan sa tubig ang dalawa. Buo ang loob ni Lora na hindi siya mahahabol ni Karl. Laking Maynila ang binata at kung mahusay mang lumangoy ay hindi marahil kasinghusay niya na sa tabing-dagat lumaki at nagkaisip. At tuwing inaakala nitong malapit na siyang abutan ay tila siya isdang muling lumalangoy palayo.

But she underestimated him. Naramdaman niya ang kamay ni Karl sa binti niya at hinihila siya. Kung makakalabas lang sa tubig ang tili niya'y baka nagmadaling sumunod si Tiya Lagring na alam niyang babantayan siya sa may deck.

Sinikap niyang kumawala mula rito subalit lalo lamang humihigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Mula sa binti niya'y tumaas ang mga kamay nito patungo sa baywang niya at sumikad ito paibabaw kasama siya. They both grasped for air nang pumaibabaw sila sa tubig.

"My god, you swim like a fish!" bulalas ni Karl, naghahabol pa rin ng hininga. She grinned. Just as breathless as he was. "Pero... inabutan mo ako. You're a better swimmer."

"Kung nagpumilit kang magpumiglas ay baka napahiya ako. Muntik na akong kapusin ng paghinga kanina," wika nito, his eyes skimmed her face. Then to Lora's surprised, itinaas ni Karl ang kamay sa ulo ng dalaga at inilubog siya sa tubig kasabay nito.

Underwater, Karl claimed her lips. She had no idea for how long he was kissing her, subalit nang sa palagay niya'y mauubusan na ng hangin ang baga niya'y umahon sila sa tubig.

"Was that... the real kiss you promised?" she said breathlessly. "If it was, then it wasn't sweet, Karl! It was salty!"

He gave a bark of laughter. His arms around her. And her legs curled around his waist as he treaded on water. Ang basang bathing suit ni Lora'y dumikit na sa katawan niya, outlining two very tempting breasts.

Hinawi ni Karl ang buhok niya sa mukha patalikod. She was smiling, and it revealed the white shine of teeth against the tip of her pink tongue. He bent closer, gave her mouth a soft kiss then lick the salty water from each corner... then his tongue moved to lick the top of her nose... and all over her face.

"W-what are you doing?" she asked, tila may nagkakarerang maiinit na likido sa katawan niya pababa.

"Licking off the salty water from your face," he murmured against her skin.

Then Lora felt his big hand on her butt, she gasped. "K–Karl... madudungawan tayo ni Tiya Lagring..." She pushed him at binigyang distansiya ang mukha.

"Wala na tayo sa tapat ng lower deck, Belle," he said huskily. Ang mga kamay nito sa ilalim ng tubig ay gumagawa ng masarap na landas sa katawan niya.

"T-this is... ridiculous..." aniya, her voice trembled a little. "Y-you're making love to me on water..."

"For a change," ani Karl, his lips curving in a smile that was as seductive to her senses as sunlight tangled in a breaking wave.

At kailangan niyang magbigay ng distansiya para sa sariling katinuan. At sa pagkabigla ni Karl ay tila madulas na isdang kumawala mula sa kanya si Lora at mabilis na sumisid palayo. Lumutang siya ilang dipa ang kalayuan mula sa binata.

"Race me to the shore, Karl!" she shouted, smiling at him tauntingly.

"You don't play fair, siren!" he shouted back and grinned knowingly. May partidang ilang dipa ang dalaga. But he wasn't a champion swimmer in Texas U for nothing. Hanggang tuhod na ni Lora ang tubig at tinatakbo na niya ang dalampasigan nang abutan siya ni Karl. Hinapit siya nito sa baywang at parehong natumba ang dalawa sa mababaw na tubig. She shrieked and laughed at the same time habang sadyang ipinagulong ni Karl ang mga katawan nila patungo sa buhanginan.

"I won," he said huskily.

Tumaas-baba ang dibdib ni Lora sa paghingal subalit nakangiti. She could never remember a day when she was this happy in a company of a man. Of course, her father didn't count.

"But you cheated!" protesta niya. And didn't notice that Karl's hand was cupping the back of her head at nagsilbi iyong panangga upang hindi abutan ng maliliit na alon ang mukha niya.

"Did I, my Belle?" His voice was low and sexy. "Yes! Malapit na ako sa—" she stopped in mid-sentence. Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi.

Karl's gaze on her was so intent that she felt her skin actually go warm. She was aware for the first time of their position. And that their bodies were pressed together intimately.

May pakiramdam siyang nanunuyo ang mga labi't lalamunan niya. She licked her lips unconsciously.

Karl groaned silently. At bago pa mapigil ni Karl ang sarili'y yumuko ito at inangkin ang mga labi niya, giving her a kiss that was warm, seductive, and certain.

Kung mayroon mang gapintig na pagtutol sa bahagi ni Lora, it was lost in the glow of feeling secure in his embrace. Tumaas ang mga kamay niya sa leeg nito at tumugon ng halik. Just as thorough.

Karl's mouth feasted on hers, greedy for more. And Lora offered more. Pagkatapos ng mariing pag-aangkin sa mga labi niya'y nagbago ang halik ni Karl. It slipped into a softer, slower, and more seductive kiss.

An aching pleasure glided through her. So sweet, so welcome it made her want to cry. Wondered why she hadn't felt this before. At bakit niya ito nararamdaman sa isang lalaking hindi naman niya lubusang kilala?

Karl pulled her tightly. Kung maaari lang ay walang hangin o tubig-dagat ang makaraan sa pagitan nila. And while part of him wanted nothing more than to go on kissing her forever, he ended the kiss when he faintly heard her sob.

He stared down at her and watched her opened her eyes slowly. Inaasahan nitong pagtutol ang nasa mga mata ng dalaga. Instead her eyes were dreamy. Her face flushed. The sob must have been his imagination.

"You're sweet," ani Karl, tumaas ang kamay sa mga labi niya and touched her lips.

"I–I guess I couldn't complain about the kiss," she whispered shyly. "It... was wonderful, Karl." He smiled and kissed her soft mouth once more. But he didn't linger. He didn't dare. Wala itong nakikitang ibang nilalang sa dalampasigan at baka hindi nito magawang kontrolin ang sarili. Tumayo si Karl at iniabot ang kamay kay Lora. "It's a long swim to the ship, siren."




**************Sorry Lora, ako first kiss ni bebe Karl char hahahaha - Admin A *********malamig na hapon sa inyo mga beshie :) 

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now