15

13.5K 475 43
                                    

"DAMN!" galit na usal ni Karl at inihagis ang hinubad na polo shirt sa laundry basket. Pagkatapos ay ibinagsak ang katawan sa higaan. Kalahati ng mga binti'y nakabitin sa kama. He felt so hot and angry at the same time. Kung kanino siya nagagalit ay hindi niya alam. Naglalaro sa isipan ang namagitang usapan nila ni Lora kanina sa deck.

"Let's go to my cabin, Lora..." he said hotly. His kisses travelled from her ear to her lips again and down to the hollow of her neck and down to her breast.

Umangat ang kamay ni Lora sa mukha ni Karl upang pigilin ito sa ginagawa. But faint and alluring rasp of whiskers caused flutters deep inside her. At ang akmang pagpigil ay nauwi sa haplos. Karl groaned, pumailalim ang kamay sa suot niyang jacket nito at dinama ang dibdib niya.

Desire pulsed through her with disorienting force. So this is what desire all about. Exquisitely delicious sensations only passion provided. Struggling for sense, kumawala si Lora.

"You aren't in love with me, are you, Karl?" Huminto sa ginagawa si Karl at kunot ang noong tinitigan si Lora. "Don't let us talk about love, querida... I know you want this, too..."

My darling. That was what he meant. How odd that he used Spanish endearment. Lora sighed.

"Yes," she said. Mental clarity prevailed. "And perhaps we will never meet again after this. But I'll treasure this episode of my life with you forever, Karl. So please don't destroy something special..."

"Lora..."

Tumingala si Lora sa kanya, a determined glint in her eyes. "I don't believe in sex before marriage, Karl. At wala akong balak na baguhin ang paniniwalang iyan. Now or ever... gaano man kalaki ang atraksiyong nararamdaman ko sa iyo." So there, inamin niya ang nararamdaman.

He stiffened. May ilang sandali ang dumaan bago tuluyang pumasok sa isip nito ang kahulugan ng sinabi niya.

A virgin!

He gazed into her eyes. Umaasang makikita roon ang kasinungalingan ng sinasabi ni Lora. And he almost groaned aloud when he read the confirmation in her eyes.

What was a virgin doing in his ship?

Hindi gagawin ng isang walang-karanasang babae ang sumama sa isang estrangherong tulad nito na nakilala lang ni Lora sa laot. Kahit pa nga ba may chaperone pa ang dalaga. Iniisip nitong ang pagsama ni Lora ng chaperone ay upang mabantuan lamang ang kaisipang pareho silang estranghero sa isa't isa.

Muli niyang tinitigan si Lora. Hindi matiyak sa sarili kung matutuwa o madidismaya.

"Then tell me why you came, Lora." There was a hint of warning in his voice.

"I-I don't know, Karl. Hindi ko miminsang itinanong sa sarili ko iyan." Mula sa mga bisig ng binata ay umikot siyang paharap muli sa dagat. At sa kabila ng suot pa rin niya ang jacket nito'y may pakiramdam siyang bigla siyang gininaw. Ang mumunting ilaw sa malayong pulo'y tila mga alitaptap sa dilim.

She sighed heavily and added almost in a whisper, "Wanderlust perhaps? Or a desire to be free for once sa mga araw-araw na pangyayari? Or simply because..." She paused, smiled to herself at tumitig sa ibaba ng yate kung saan ang maliliit na alon na humahampas sa gilid nito'y tila brilyanteng kumikinang sa dilim.

She paused for too long at nainip si Karl sa susunod niyang sasabihin. Hinawakan siya nito sa mga balikat at iniharap. "Simply because what?"

Lora met his eyes before speaking softly. "No, I'm wrong. It wasn't simple, Karl. My feelings for you couldn't be considered simple. I was attracted to you on sight. You couldn't have missed it. I made it so foolishly obvious from the very start."

"Honest, are we?" Walang panunuya sa tinig nito, nakatunghay pa rin sa kanya. Ang kamay nito'y tumaas sa buhok ng dalaga at hinawi ang ilang hibla ng buhok niya mula sa mukha.

"I always am, Karl..."


NAROONG dumapa at tumihaya si Karl sa higaan niya. Nag-aapoy ang katawan sa naputol na pagnanasa. The slim yet proportioned and soft body he held half an hour ago were torturing him. The innocent and cheeky smile was taunting him.

And the damned virgin believed in love! Love! he sneered.

All he wanted from her, mula pa sa simula, was sex. He wanted her sa una pa lang na idinikit ni Lora ang katawan nito sa kanya sa laot. And he thought she was game. A smart, yet shy provincial lass subalit game.

But a young virgin? Shit!

All his life he had been pursued by young, inexperienced women... galing man iyon sa may sinasabi o simpleng pamilya. Karamihan sa mga ito'y alam ang tradisyon ng pamilya. And the aunts in the families were great matchmaker, na kung pinahintulutan niya'y ang mga ito mismo ang pipili ng babae para sa kanya. Tamang babae para sa kanya sa pamantayan ng mga ito.

But he hated the damned tradition. Hindi niya gustong matali roon. O marahil nagsimula lamang ang rebelyon niya kay Nathaniel at gusto niyang gawin ang taliwas sa gusto ng ama nang malaman niya ang lihim ng kanyang pagkatao.

Nasaktan siya nang labis. Sa pamilya, siya lamang ang bastardo. At least, sa kanilang magpipinsan.

Nang matuklasan niyang hindi siya tunay na anak ni Jasmine ay kinasuklaman niya si Nathaniel... si Lydia, his biological mother... and he wanted to hate Jasmine too but could not. He closed his eyes tightly, nagsisikap itaboy sa alaala ang unang babaeng kinamuhian niya... babaeng walang mahalaga kundi salapi.

Subalit parang buhos ng ulan ang mga alaala. Itaboy man niya ay nagpupumilit iyong maglaro sa kanyang isipan...


**********************Parang mabibitin na naman ako nito asar hahahahaha - Admin A ****************

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now