21

12.9K 496 22
                                    


"THIS is yours, Lora."

Lora expelled a long breath nang makita ang sorpresa ni Karl sa kanya. A very expensive Nikon camera with equipment that was worth thousands and thousands of pesos.

Lora was speechless. Humakbang siya patungo sa dining table kung saan nakapatong ang equipment. Buong paghangang sinuri ang camera. Touching the equipment reverently. Muling napasinghap nang hawakan ang autofocus zoom lens. Iyon lang mismo ay napakamahal na.

"Do you like it?" tanong ni Karl. Hindi nito kayang ipaliwanag ang kasiyahang nadarama nang makita ang katuwaan at kislap sa mga mata ni Lora. And the gift wasn't even a diamond ring or an expensive emerald pendant or a diamond-studded bracelet, things women loved.

Napatingala si Lora kay Karl, hindi pa rin makuhang magsalita. Muling ibinaba ang mga mata sa set ng camera. Humugot ng marahang paghinga. It was a dream come true. Hindi sila naghihikahos pero hindi nila kayang bumili ng ganoong uri ng camera malibang magsasanla o magbebenta ng lupa ang itay niya.

And Karl was giving it to her... for free!

She gazed back at him. "I–I can't accept it."

"What!" si Karl. Kumunot ang noo.

"Thank you," she said softly, sincerely. "Pero hindi ko matatanggap, Karl." There was a surprised look on his face. "But why?"

"Because it is... so expensive. Men do not give expensive things to women unless—"

"Unless they're true friends," tinapos nito ang sinasabi niya. Then added meaningfully, "Or if there's something special going on between them." He gazed at her confused face and said softly.

"Karl..."

"Wala akong hinihinging kapalit, Lora. Bukal sa loob kong ibinibigay sa iyo iyan. A gift. For sailing with me. I honestly enjoyed your company... kayo ng tiya mo sa akin," he grinned. "Your aunt is a novelty. The only female that wasn't taken by my charm. Gusto ko tuloy magselos kay George..." Binale-wala ni Lora ang huling sinabi ni Karl. Nakatuon ang buong pansin sa camera at sa intensiyon nitong pagbibigay sa kanya.

"But you can't give this camera as a gift to me, dahil lang nag-enjoy kang makasama ako sa loob ng ilang araw!" Lora cried passionately. "You can't be that extravagant, Karl! Hindi ka naman mayaman," she scolded. "You're only an employee. At hindi biro ang halaga ng camera na ito. Siguro'y matagal mo ring pinag-ipunan makabili lang nito... at ibibigay mo lang sa akin!" She shook her head in disbelief.

Hindi agad nakapagsalita si Karl. Muntik na nitong maipagkanulo ang sarili sa pagnanais na ibigay kay Lora ang alam nitong makapagpapasaya sa kanya.

He cleared his throat twice. "Actually... isinanla lang sa akin iyan ng kaibigan ko nang mura dahil... dahil secondhand na ring nabili iyan. Hindi na tinubos sa akin at... at wala naman akong hilig sa pagkuha ng mga larawan. Besides, napakakomplikado ng camera na iyan. Tama na sa akin ang isang handy camera. At mayroon na ako..."

For a long time ay hindi kumibo si Lora. There was longing in her eyes as she surveyed again the camera equipment. It didn't look old to her. O baka naman mahusay lang gumamit ang mga naging may-ari.

"I'm sorry, pero hindi ko pa rin matatanggap, Karl," she said softly at tumingala rito. At nang akma itong magsalita'y inunahan niya. "But I want to use this camera to capture your friend's ship on film. Then, kapag nagkapera kami ni Itay ay bibilhin ko sa iyo ang camera na ito sa halaga ng pagkakasanla sa iyo. Fair enough?" She dimpled at him.

Karl seemed to have lost for words. Kauna-unahang pagkakataong nagbigay ito sa isang babae na tinanggihan. Ang isang bahagi niya'y gustong makadama ng disappointment sa pagtanggi ni Lora because he honestly wanted to give her the camera. At ang kabilang bahagi naman ay nagagalak sa pagtanggi niya.

"Hey," untag ni Lora dito.

"Okay." At gumagana na agad ang isip nito kung paanong mabibili ni Lora sa kanya ang camera sa murang halaga.



******************Malamig na hapon sa inyo mga beshie. Sumasakit ang ulo ko my god. Feeling ko nagkakatrauma na ako kapag sumasakit ang ulo ko hahahaha. - Admin A *************

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now