25

14.7K 558 58
                                    


"NASA Dusit Hotel ka!" gulat na wika ni Karl nang makausap si Lora. "Why? When?"

She laughed. "Hindi ko nasabi sa iyong luluwas akong talaga ngayon. Sa nakalipas na mga araw ay okupado mong lahat ang buong pag-iisip ko... not to mention my heart as well."

"Well, I'm glad about that, siren." There was teasing and yearning in his voice. "I'll perish with curiosity if you don't explain fast why you're within my kissing distance."

"Pinadalhan ako ng imbitasyon ng kaibigan ko para sa isang three days seminar sa photography, Karl..."

Habang nagpapaliwanag si Lora kung bakit siya naroon ay nag-iisip na si Karl kung paano sila magkikita. He wanted to see her. At kung narito lang sa malapit si Lora ay hindi mahirap gawin iyon. In fact, kung makakaalis ito ng opisina'y pupuntahan nito si Lora sa hotel sa oras ding iyon.

"Wait, let me have a rain check on my schedule..." Subalit bago nito mabuklat ang appointment book ay sumenyas si Iris. Tinakpan ni Karl ang mouthpiece ng telepono.

"No, siree..." umiiling at pabulong nitong sabi. "Alas-tres ang meeting mo sa mga officer ng union sa Laguna. In fact—" tumingin ito sa relo "—it's about time that you left. Naghihintay na tiyak ang piloto."

"What about tomorrow morning?" umaasa pa ring tanong ni Karl.

"Check signing. Bukas ang payroll... But you are free in the afternoon until four thirty. You will be meeting the lawyers about CBA at five thirty in Club Filipino, kasama si Kuya Nathaniel." Karl groaned in frustration. Tiyak na aabutin ng gabi ang meeting sa Laguna, huwag nang idagdag pa ang pakikipag-usap sa mga supervisor at managers ng planta pagkatapos ng meeting.

Inalis niya ang kamay sa mouthpiece. "Hey, siren, kailan magsisimula ang seminar mo?"

"Tomorrow night, Karl. There would be an induction party." "Let's have coffee tomorrow then. Susunduin kita diyan sa hotel mo. Be at the lobby around two o'clock."

"Okay..." Ini-off na ni Lora ang cell phone.


"I HAVE never seen your eyes, gorgeous they maybe, shine like a morning star, Anton Karl," tukso ni Iris. "I'm glad you've found another woman to—"

"She's not just another woman, Iris!" he corrected. Iris smiled, undaunted by the sudden change of mood. "Well, I couldn't wait to meet this special woman, Karl."

Bumalik ang ngiti sa mga labi ni Karl. Sumandal sa sandalan ng swivel chair. "I forgot to tell you that she had a killer smile. And was honest enough to tell she loved me..."

"And what about you, Karl? Do you love her?" Iris asked with interest.

The dreamy look on his face was gone instantly. "The word 'love' burned me, Iris. I've used that so many times in my life without really meaning it."

Bahagyang nagdikit ang mga kilay ni Iris. "Ano, kung ganoon, ang nararamdaman mo para sa kanya, Karl, if it isn't love?"

Matagal bago sumagot si Karl. Nang magsalita'y naroon ang katiyakan. "She's someone special, Iris. And I'm gonna marry her. My family would love her. And we will be good together. I'll propose to her tomorrow... buy her her engagement ring."

Iris was misty-eyed. She was too happy to speak. She was certain Karl was in love with the young woman. He just didn't realize it yet.


MAAGANG nagising kinabukasan si Lora. Tinapunan niya ng tingin si Lynette na nagmulat na ng mga mata subalit hindi pa gustong bumangon. She was her best friend at dating classmate noong high school. Lynette was a couple of years older. Nang magtapos ito ng high school sa Patubig ay lumipat ang pamilya nito sa Marinduque dahil permanenteng na-assign doon ang ama nito, na tulad ng itay niya'y isa ring guro.

At ang dahilan kung bakit nanatili silang magkaibigan sa kabila ng tinatawid ng dagat ang pagitan nilang dalawa ay dahil magkasundo sila sa maraming bagay at pareho nilang hilig ang photography.

Through letters, napagpasyahan nilang sa iisang unibersidad sa Maynila sila mag-enrol. They shared the same boarding house at sabay ring nagtapos. Siya, Mass Communication ang tinapos. Si Lynette ay Journalism. They both took the crash course in photography more than a year ago. While she landed as a tour guide, si Lynette naman ay naging photographer sa isang local newspaper sa Marinduque.

"Hey, get up," ani Lora sa kaibigang nanatiling nakadapa pa rin sa kama. "Gabi pa ang simula ng get-together. Let's go out and kill time. Go window shopping."

"Gusto ko mang sumama sa iyo," naghihikab na sagot ni Lynette, "nandito mayamaya lang si Glen. Manonood daw kami ng sine. Well, you can come with us. Okay lang kay Glen iyon..."

Ipinakilala ni Lynette kay Lora si Glen noong college graduation nila dahil dumalo ito. Isang dentista si Glen sa Marinduque at may kamag-anak sa Maynila. Sumama ito kay Lynette sa pagluwas dahil mamimili ng gamit sa clinic nito.

Lora made a face. "Thanks, but three's a company." Dinampot niya ang relo niya sa ibabaw ng bedside table. Alas-siyete y media pa lang ng umaga. Alas-dos pa siya susunduin ni Karl. Mayroon siyang bakanteng anim na oras humigit-kumulang.

She sighed. Binuksan ang closet at kinuha ang knapsack. Mag-aayos na lang muna siya ng mga gamit sa closet.

"Ako naman ang maliligo. Sabi ni Glen ay bumaba daw ako sa lobby ng eight thirty. Sumama ka nang bumaba para sabay-sabay na tayong mag-breakfast. I'm sure Glen would love to see you," ani Lynette at lumakad patungo sa banyo.

"Okay. Pero pagkatapos ng breakfast, kanya-kanya na tayong lakad." Inilabas niyang isa-isa ang laman ng knapsack niya. Nang mula sa bulsa niyon ay makapa niya ang isang pamilyar na bagay. Itinaas niya iyon.

Ang calling card.

May ilang sandaling tinitigan ni Lora ang calling card. Pagkuwa'y nilingon ang banyo at sa malakas na tinig ay, "Lyn..."

"Yap..."

"Ano ang gagawin mo kung nakapulot ka ng mensahe mula sa isang botelya along with a calling card?"

"Again?"

Inulit ni Lora ang tanong at mula sa banyo'y tumawa si Lynette. "Are you serious?" "I am."

Sumungaw si Lynette sa pinto ng banyo at sa pagkakasilip nito'y mahihinuhang nakahanda nang tumapat sa shower.

"May address, huh?" Tumango si Lora. Lynette cocked her head and grinned. "Itatapon ko dahil tiyak na gawa lang iyon ng walang magawa sa buhay. Ginaya marahil iyong napanood sa pelikula." Pagkasabi niyon ay muling isinara ang pinto ng banyo.

"That's what I first thought," aniya sa sarili. Nagtatalo ang isip kung itatapon sa trash bin ang calling card. Pero hindi niya iyon itinapon noong una niyang makita. In fact, dahil sa calling card na iyon kaya sila nagkakilala ni Karl.

Foolishness and curiosity won. Inilagay sa wallet niya ang calling card at nagsimulang magbihis. Bihis na siya nang lumabas ng banyo si Lynette.

"Hindi ako sasabay sa breakfast, Lyn," aniya sa kaibigan. "Say my regards to Glen at sabihin mong pakasalan ka na at isang taong mahigit na rin naman kayong magkasintahan."

"Saan ka pupunta?"

"May gusto lang akong bilhin..." Dinampot niya ang shoulder bag at lumakad na palabas ng silid. 


"See you later."


***************My GOD papalapit na tayo sa climax. Kaabang-abang na naman ito. Sana hindi me magkasakit para makapag-update pa at hindi tayo mabitin char hahahahaha. Thanks sa pag-unawa mga beshie char. Take care and God bless. See you soon mga beshie , malapit na pala birthday ko. Sana umabot na tayo nun sa story ni Renz para makapag-share na ako ng tungkol sa akin char hahahahaha. - Admin A ************

********Feeling ko sumasama pakiramdam ko dahil sa iniinom kong supplements na pamtaba. Sumasakit left side ng head ko at left eye . :( Kainis di ko alam bakit ganun. - Admin A ************

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now