17

14.2K 545 42
                                    

MULA sa pagkakadapa sa kama'y napabangon si Karl nang marinig ang tunog ng chopper na bumababa sa helipad ng rooftop ng Esmeralda Building. Natitiyak niyang si Nathaniel ang sakay ng chopper. Tatlong araw na siyang hindi umuuwi sa isla at tinanggal na rin niya sa hook ang telepono sa penthouse. Ang cellular phone niya'y permanenteng naka-off. At isinara niya ang accordion door sa may elevator, refusing to speak to anyone.

He would have wanted to leave the country but it was of no use. Nasa Texas lahat halos ang mga pinsan niya. Hindi rin niya gustong makaharap kahit sino sa mga ito. Not wanting to see them took pity on him.

Isang mahinang katok ang narinig niya at pagkatapos ay ang marahang pagbukas ng pinto. Sumungaw si Margarita.

"That must be your father, Karl." Nagsusumamo ang tinig nito.

"Kayo ang kumausap sa kanya, Grandma," he said grimly. "I don't want to talk to him!" Margarita sighed wearily at muling isinara ang pinto ng silid niya. Dalawang oras pagkarating ni Karl sa Maynila ay kasunod na niya ang abuela. He knew how worried her grandmother was bagaman hindi nito ipinakikita iyon sa kanya. At hindi niya ito magawang itaboy. She insisted to stay.

"If you don't want to talk to me, fine," mahinahon at maunawaing sabi ni Margarita sa kanya. "Pero hindi mo ako maitataboy pauwi sa isla, apo. Sasamahan kita rito."

Tiniyak niya sa abuela na hindi siya nag-iisip na gumawa ng masama kung iyon ang ipinag-aalala nito.

"If you don't want company, then you can pretend I am not here, Karl. I won't even speak to you malibang kausapin mo ako. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, apo. And I want to be here when you feel like talking..." banayad nitong sabi.

Naghihimagsik ang loob na muling inilatag ni Karl ang katawan sa kama. Iniunan ang mga braso at nakatitig sa kisame. If only he could vanish from the surface of the earth and never see his father again. Ang lahat sa pamilya'y alam ang buong pagkatao niya maliban sa mga pinsan niyang hindi naman nagkakalayo ang mga edad. At paano niya haharapin ngayon ang mga ito? Lord, he had a mother he could never be proud of. At isiping ganoon na lamang ang pagpapahalaga ng pamilyang Fortalejo-Cervantes sa dangal. Dangal. Shit.

Isang mahinang katok ang nagpatuon ng paningin niya sa pinto ng silid niya.

"Go away! Leave me alone!" "Karl..."

Hindi si Nathaniel ang nasa labas ng pinto. Napabangon siya nang marinig ang boses ni Jasmine. Kung ganoon ay hindi ang ama ang sakay ng chopper. O kasama ni Jasmine ang papa niya at naroon lang sa labas at naghihintay?

"Karl, let's talk, please..." Gusto niyang itaboy ang nakilalang ina subalit hindi niya magawa. Sapilitan siyang tumayo at binuksan ang pinto. "What do you want?" he snapped.

"Ano ba ang kailangan ng ina sa isang anak na tatlong araw nang hindi nakikipag-usap?" Jasmine said softly. Nangingitim ang ilalim ng mga mata nito tanda ng hindi pagkakatulog. May nagbabadyang luha sa sulok ng mga mata. At nasa mga mata rin ang pananabik para kay Karl.

But he was too angry to notice it. "You are not my mother, Jasmine! Don't make me laugh..." "Biologically, yes. But I've loved you... nurtured you and raised you as if you were my own." There was a sob in her voice na napamura si Karl at tumalikod. "Kung inutusan ka ng papa para—" "Hindi ako inutusan ng papa mo though he was very worried. Gusto niyang magpunta rito subalit pinigilan ko siya. Hindi ako nakatitiyak sa mangyayari sa paghaharap ninyo..."

"Good! Hindi ko siya gustong makausap. Sabihin mo sa kanya iyan!"

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Jasmine. Lumakad patungo sa silya at naupo. May ilang sandaling katahimikan ang lumipas bago, "I was two months pregnant when Lydia came to me and told me she was pregnant... at si Nathaniel ang ama..." Marahas na nilingon ni Karl ang ina. "Pregnant? No... No!" Itinaas niya ang dalawang kamay. 

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now