Chapter 1

1.5K 73 10
                                    

"Anong ginagawa mo diyan?" napatalon ako ng may biglang nagsalita sa aking likod.

"T-tiya...." kinakabahan kong sabi.

"Oh? Pumasok ka na sa loob. Masyadong mainit dito sa labas." nauna na siyang pumasok sa loob kaya sumunod ako.

"T-tiya.... Na-expelled po ako...." naiiyak kong sabi. Nakita ko kung paano nagbago yung expression niya.

"Ano?! Bakit?!" pasigaw niyang tanong. Paktay kang bata ka!!

"Ano po... Masyado na daw pong madami akong late. Pero wag po kayong mag-alala, Tiya. Meron na po akong school na papasukan ngayong Senior high." kinakabahan man ngunit mabilis kong sabi.

"Anong school naman iyan ha? Malaki ba ang tuition fee? Nakuu! Kukurutin ko talaga iyang singit mo kapag di ka nakapagtapos ng pag-aaral, Cass Sandara Nichole!" hoo!

"Tiya, wag kang mag-alala. Wala kang babayaran ni singko centavos! Yun nga lang sa school na ako titira." malungkot kong sabi.

Hindi man halata pero mahal ko iyang si Tiya. Siya ang nagpalaki sa akin. Namatay daw sila Mama sa isang aksidente nung 10 taong gulang pa ako. 8 taon na ang nakaraan. Kaya siya ang nag-alaga sa akin.

"Anong school ba iyan?"

"Zeal Academy po, Tiya. Dorm school daw." nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Bakit siya nagulat?

"Zeal Academy? Paanong nahanap ka nila?"
hindi ko na narinig yung huli niyang sinabi pero bakas sa mukha niya ang gulat.

"Tiya, bakit gulat na gulat kayo? Hindi niyo po ba expected na doon ako mag-aaral?" tanong ko.

"Mukhang ito na oras para ibigay ko sa iyo ang pinabinigay ng mga magulang mo, Cass." hindi niya sinagot ang tanong ko. Bakit? Pero wait lang! Anong pinapabigay?

"Tara sumunod ka sa akin, hija." naglakad na siya kaya sumunod ako.

Patungo kami sa kwarto niya kaya lalo akong nagtaka. Hindi niya ako pinapapasok dito kahit kailan ngunit iba ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang lakas bg tibok ng puso ko. Siguro sa kaba o takot?

"Tiya, anong gagawin natin dito?" tanong ko habang pinagmamasdan ang maliit na kwarto niya.

Maraming mga halaman na nasa mga bote at libro. Madilim din dito sa loob ng kaniyang kwarto kaya di ko maiwasan makaramdam ng takot.

"Maupo ka na muna, Cass. Hinahanap ko lamang iyon." gaya ng sinabi niya dahan dahan akong umupo sa kama niya.

Hindi kami mayaman ni Tiya. Maliit lamang ang bahay na sakto lamang sa amin ni Tiya. Mayroong dalawang kwarto sa itaas at sa ibaba naman ay may maliit na sala, isang cr at kusina. Wala kami masyadong gamit bukod sa maliit na ref, tv, electric fan, at mga libro sa shelf.

Napukaw ang aking atensyon ng magsalita si Tiya. "Ito na ang pinabibigay sa iyo ng mga magulang mo." iniabot niya sa akin ang isang parihabang kahon at maliit na libro.

"Para saan ito, Tiya?" takang tanong ko dito.

"Buksan mo ng makita mo, Cass." utos niya kaya agad ko itong binuksan.

Sa loob ng parihabang kahon ay mayroong mahabang stick. Mukha itong mamahalin na stick. Pinagmasdan ko ito. Napakakintab kaya nasabi kong mamahalin.

"Cass, pirmahan mo na itong papel." napatingin ako kay Tiya ng magsalita siya. Hawak niya ang isang papel at ballpen.

Kinuha ko iyon at pinirmahan. Napasigaw ako ng bigla itong naging abo. Shet! Bakit naging abo iyon? Namaligno ata yung papel.

~~~

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nag-iimpake na ng mga gamit. Nilagay ko yung binigay sa akin ni Tiya sa isang sling bag. Habang yung mga damit ko ay nasa isang maleta at yung mga libro ko at ibang gamit ay nasa backpack.

Pagkatapos kong mag-impake ay nahiga ako sa kama ko. Hay buhay parang life. Nakakapagod! Parang gusto kong kumain ng marami! Hahahahah.

"Zeal Academy here I come! Ayieeee! Hahahahah!" nababaliw na ata ako dahil sa gutom. Hahahahah may nababaliw ba dahil sa gutom?

"Cass! Bumaba ka na at kakain na tayo!" yeshh! Kakain naaa!!! Wooooohhhh!! Let's partehh!

"Oy. Mukha kang tanga promise. Tigilan no iyan." napatigil ako sa pagsasaya ng magsalita si Tiya. Spell epal T-I-Y-A! Si Tiya!

"Tse! Ano pong ulam natin?" masaya kong tanong.

"Fish fillet with tomato sauce!" ngayon ko lang narinig ang ulam na iyon ahh. Pangalan palang mukhang masarap na!

"Ano yun Tiya?" nakangiti kong tanong ulit.

"Sardinas!" napasimangot ako. Buset! Akala ko pa naman masarap yun pala! Hay buhay parang life! Tsk!

"Akala ko pa naman kung ano yun pala sardinas lang!" nagmamaktol kong sabi.

"Hahahahah! Gaga ka kasi! Wala tayong pera!" pagtawanan daw ako? Kainiss!

"Happy ka?" tumango naman siya.

"Edi whow!" nagsimula na akong kumain. Tsk! Lagi na lang ganito. Hayysss!

Pagkatapos naming kumain ay hinugasan ko na ang aming pinagkainan bago nagpahinga ng onti tapos naligo na.

Humiga ako sa kama ng matuyo ang buhok ko. Sana sa pagpunta ko sa Zeal Academy magbago na ang buhay ko. Yung hindi na ako loner o kaya nabu-bully.

Zeal Academy: School Of WizardsWhere stories live. Discover now