Chapter 7

812 54 0
                                    

"So dahil mag-pinsan tayo at hindi lumaki ng magkasama dapat ginagawa natin ang getting to know each other." sabi ko. Tinignan niya ako ng para akong isang wierdo. Hah! Pinsan niya ako tapos titignan niya ako ng ganiyan?

"Ok. Aalamin lang natin yung isa't isa. Kikilananin muna." siguro naman ngayon maiintindihan na niya ano?

"Hmm. Ako nga pala si Limiah. Ang katulad namin na anak ng pinuno ay hindi pwedeng magkaroon ng apeliyedo. Pero kapag panganay lang. Sa kaso ko naman kasi eh ako lang nag-iisang anak. Lumaki ako kasama ang lola ko. Hindi ako masyadong close sa mga magulang ko. Except kay Dad." sabi niya.

"Ako naman. Lumaki ako ng walang kaibigan. Lumaki ako na puno ng takot sa puso. I isolated myself. Namatay sina mama at p-papa– I mean Sir Miguel. Pero it turns out na si mama lang ang namatay si Sir Miguel hindi. 8 taon kong kasama si Tiya which is your mother. Siya na rin ang nagpalaki sa akin. Kasama ko siya sa hirap. Never naman kasi kami nakaranas ng ginhawa." natatawang kwento ko.

"You mean, tinuring mo ama si Dad?" tanong niya kaya agad akong tumango.

"Mabuti ka pa nga eh. Nandiyan pa ang mga magulang mo. Habang ako wala na. Patay na ang isa habang hindi ko naman kilala ang Papa ko.. Kaya dapat mahalin mo sila ng buong puso. Lagi mo silang pasisiyahin. Sundin ang bawat habilin nila sa iyo." malungkot na ngiti ang ginawad ko sa kaniya.

Nasa tapat na kami ng dorm namin. Naririnig mula dito ang tawanan nila Bo Won at Troy. Mukhang naglakasiyahan sila. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng dorm.

"Welcome to Alpha's dorm, Limiah." niluwagan ko ang bukas ng pinto para makadaan siya.

"Alpha! Si Limiah nga pala. Bagong member natin." masaya kong sambit. Nakita ko sa kanilang mga mukha ang gulat. Haha! Umalis ako ng isa bumalik ako ng dalawa!

"Limiah, sila nga pala ang alpha. Yung dalawang lalaki na nasa sofa ay sina Bo Won at Troy. Yung nagbabasa naman doon sa may single sofa ay si MJ. Yung nasa cellphone naman ay si Tae Gi. Yung nasa lapag ay si Justin. Si Kc naman yung naka-upo sa hagdanan. Ang wala lang dito yung lalaking pinaglihi sa sama ng loob at english!" pinakilala ko sa kaniya ang bawat myembro ng Alpha. Alam ko namang magiging komportable siya dito.

"What are you saying about me, Nichole?" napatili ako ng may nagsalita sa likuran ko sa may bandang tenga. Ramdam ko ang hininga niya doon.

"W-wala akong sinasabi ah!" nauutal kong sabi. Shet! Yung puso ko ang lakas ng tibok! Ang bilis pa!

"Really?" doon na ako humarap sa kaniya. Ohmy! Nakita ko na naman ang gwapo niyang mukha!

"Oo naman yes!" hindi ko ipapahalata sa kaniya na naaapektuhan ako sa kaniya.

"Hmm.. Okey." may sinusupil siyang ngiti ng umakyat siya.

"Bro, nakita mo iyon? Parang ngumiti si Akiro?" gulat na tanong ni Troy kay Bo Won na tulala lang.

"Limiah, doon ka na lang sa kwarto ko matulog. Kung okey lang sa iyo?" tumango siya. Tinulungan ko siyang iakyat ang mga gamit niya papunta sa kwarto ko. Ni hindi naman tumulong yung mga lalaki. Mga ungentlemen!

"Tabi na lang tayo matulog. Malaki naman iyong kama eh." sabi ko.

"Salamat nga pala, Sandara. Kahit kakakita lang natin kanina ang bait mo sa akin." nakangiti niyang pasasalamat.

"Ano ka ba, Limiah. Okey lang. Pinsan naman kita eh. Kadugo. Babae ka din naman." sabi ko habang inaayos ang mga nakakalat.

Actually hindi naman talaga makalat dito sa kwarto ko. Malinis akong tao noh! Tinaggal ko lang yung mga nakalagay sa kama at yung mga nakakalat na libro na kailangan ko para sa reaction paper. Nagsisimula pa lang kasi ako. Wala pa ngang isang paragraph.

"You know what? Ang swerte siguro ng magiging kapatid mo no?" napatawa ako sa tanong niya.

"As if naman magkakaroon. Patay na mama ko habang yung tatay ko di ko kilala, Limiah." malungkot kong sabi.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Sino kaya iyon? Maaga pa naman para kumain ah. Nilapitan ko ang pintuan at binuksan. Bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Yuri.

"Get your papers. We're going to make our reaction paper." sabi niya at lumakad na papuntang library.

Wala na akong sinayang na sandali. Dali dali kong kinuha ang mga libro, ballpen at papel na nasa ibabaw ng study table. Nagpaalam na muna ako kay Limiah na pupunta lang ako ng library para kung sakali na kailangan niya ako ay alam niya kung saan ako pupuntahan.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng library at doon ko nadatnan si Yuri na seryosong nagsusulat. Umupo ako sa tabi niya at nilapag ang mga gamit ko sa lamesa.

Binuklat ko na ang mga kakailanganin kong libro at nagsimula na muling magbasa. Pero sadyang destruction talaga si Yuri para sa akin. Hindi ko magawang magbasa ng maayos dahiñ sumusulyap-sulyap ako sa gwapo niyang mukha.

"Hey! Stop it. Just read will you?" aniya ng mapansin na hindi na ako nagbabasa at nakatingin lamang sa kaniya.

"Sorry naman! Pero may tanong ako. Kilala mo na ba yung mate mo? Nahawakan mo na ba? Nakausap? Maganda ba? Mabait?" sunod sunod kong tanong.

"Yes. I talked to her already. I already touch her. She's the most beautifull woman I met aside from my mother. She's kind too." sagot niya.

Hindi na muli ako nagsalita. Alam ko namang masasaktan lang ako kapag pinagpatuloy ko pa ito. Hindi ako pinalaki ni Tiya at mama ng ganito. Pinalaki nila akong mabait.

Hindi na kami muling nag-usap. Kung mag-uusap ay tungkol lang doon sa reaction paper na ginagawa namin. Minsan nagkakahawak ng kamay– i mean nagkakadikit. Hay! Buhay parang life!

Alam niyo yung feeling na sobrang lapit na niya sayo pero ang hirap abutin? Shet lang nakakainis iyon! Nakakainis! Hah! May tanong ako sa inyo. Masama bang magkagusto sa taong pagmamay-ari na ng iba? Hayyss!

Sa tagal naming hindi nag-sasalita ay nakaramdam na ako ng antok. Hanggang sa hindi ko na namalayan nakatulog ako na nakapatong ang ulo sa balikat ni Yuri.

Zeal Academy: School Of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon