Chapter 19

495 32 2
                                    

"You're beautiful, Sandara. You're a goddess. A stunning goddess." wala sa sariling sabi sa akin ni Kc. Weh? Di nga? Pero sabagay, tama siya. Don't worry, Kc, susuportahan kita. Hihihih!

"She's right, Sandara. Parang hindi ikaw iyan." ewan ko ba kung nangaasar si Limiah eh. Pero tama siya. Hindi ko nakilala ang sarili ko.

"You look like your mother, Hija. Katulad na katulad mo siya noon bago ang ritual nila ni Alexander." nakangiting sabi ni Tiya. A-alexander? Siya ba ang tatay ko?

"T-tiya, siya p-po ba si Papa?" naiiyak kong tanong kay Tiya. Ghad! Ngayon k-ko lang nalaman ang pangalan niya.

"Don't cry, Hija. You should be happy. Soon, makikilala mo siya." s-soon? Bakit soon pa? Bakit h-hindi n-ngayon?

"Okey po, Tiya. Naiintindihan ko po." tumango tangong sabi ko kay Tiya

"Tingin mo Mom tapos na sila?" tanong ni Limiah sa kay Tiya.

"Hindi pa. Takip-silim pa lang. Alas otso hanggang alas dose ng madaling araw lang ang ritual. Ayon iyon sa ating mga ninuno." sagot ni Tiya.

"Anong gagawin natin?" tanong ko sa kanilang lahat. Anong gagawin namin? Eh dalawang oras pa ang hihintayin namin.

"Maghintay. Bawal kang kumain, Hija. Kasama iyon sa ritual. Magbasa ka na lang muna o kaya manuod. Para hindi ka ma-boring." gaya nga ng sinabi ni Tiya nanuod ako kasama sina Kc at Limiah.

"Kyaaah!" tili ko nung lumabas yung multo o sabihin nating demonyo.

"Bakit ang tanga tanga mo?! Nasa likod mo na yung multo tapos lilingon ka at sisigaw?! Patayin kita eh!" sigaw ko iyan. Buset kasi! Ang tanga nung bida! Hindi nagiisip!

"Chill lang, Sandara. Papatay ka ata eh!" natatawang sabi sa akin ni Kc kaya inirapan ko na lang siya. Nakakainis kaya!

"Anong oras na? Tiya?" mahinahon kong tanong. Shete! Inaatake na naman ako ng kaba! Hooh! Hinga lang ng malalim, Sandara.

"Alas siete i media na. Pupuntahan ko lang sila. Dito lang kayo. Babalik ako." lumabas na si Tiya. Halatang masaya siya.

"Kinakabahan ako, Kc." kabadong sabi ko sa kaniya kaya natawa siya.

"Gaya nga ng sinabi ni Ma'am, lahat tayo kinakabahan. Mauuna kasi ang lalaki sa inyong tagpuan. Siya ang susundo sa iyo. Kaya mas lamang ang kaba ng mate mo." ahh! Hihintayin niya ako sa tagpuan namin. Pero hindi ko alam kung saan.

"Ihahatid ka doon ng iyong Tiya, Sandara. Alam mo bang ang ganda ng napili niyong araw? Saktong kabilugan ng buwan. Marami ang gustong gawin ang ritual sa araw ng kabilugan ngunit hindi nila kakayanin. Nawawala daw kami sa sarili dahil kabilugan ng buwan kapag sa araw na iyon gagawin ang ritual." wow! Ibig sabihin sadiyang malakas kami para kayanin ang ganito.

Sabay sabay kaming napalingon sa pintuan ng kwarto ni Kc ng bumukas iyon. Nasa labas noon si Tiya na may masayang ngiti sa mga labi.

"Simula na. Tara sumama ka na sa akin, Cass." inilahad niya ang kamay niya kaya lumapit ako sa kaniya at inabot ang kamay ko.

Naglakad lang kami ni Tiya. Nasa likod namin ang Alpha. Naririnig ko mula dito ang mga tilian at tawanan nila. Hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit dito sinusuportahan nila kami.

"Kinakabahan ka ba, Hija?" tanong sa akin ni Tiya. Napatingin ako sa mga puno na nasa paligid.

"Opo, Tiya. Nakakakaba. Pero hindi naman masama ang kabahan diba?" tumango naman siya.

Ang nagsisilbing liwanag namin sa kagubatan ay ang bilog na buwan. Sobrang liwanag nito. Nakakamangha.

Malapit na kami sa gitna ng kagubatan ng makasalubong namin si Tiyo. Nakangiti ito. Lumapit siya sa amin. Bakit hindi niya kasama si Yuri?

"Magandang gabi sa inyo. Dara, hinihintay ka na ni Akiro sa gitna ng kagubatan. Tahakin mo lang ang daan na iyan. Sa dulo niyan makikita mo si Akiro. Naghihintay sa iyo. Hanggang dito na lang kami, Dara." napatango ako at yumuko sa kanilang lahat bilang pasasalamat.

Tinahak ko ang daan na tinuro ni Tiyo papunta sa giyna ng kagubatan. Ang liwanag lang ng buwan ang tanging ilaw ko sa mga oras na ito.

Nakikita ko na si Yuri mula sa pwesto ko ngayon. Nakatayo lang ito at nakatingin sa buwan. Taas baba ang kaniyang dibdib. Habang papalapit na ako sa kaniya ay nakaramdam ako na parang may gustong lumabas sa akin. Hindi ko alam kung ano.

Pero naalala ko ang sinabi nila sa akin. Lalabas daw ang aming mga guardian para gumawa ng mga kakailanganin namin sa ritual.

"Black, Pinky. Come out." pagkasabi ko noon ay isang iyak at isang ungol ang aking narinig.

Nasa harapan ko ngayon ang aking mga guardian. Si Black na isang cheetah at si Pinky na isang Phoenix. Naalala ko kung bakit ko sila pinangalanan na Pinky at Black. Naadik kasi ako sa Miraculous Ladybug. Hahah!

Napatingin ako kay Yuri at nakita ko siya na nakatingin din sa akin ng seryoso. Nasa tabi niya ang isa ding phoenix. Ang guardian niya. Lumapit sila Pinky at Black kay Prim.

Nakaramdam ako ng isang malakas na hangin na siyang tumangay sa akin papunta kay Yuri. Pinalibutan kami ng aming mga guardian. Narinig kong nagha-hum sila ng kanta ata.

Nang matapos sila sa kanilang ginagawa ay isang gintong liwanag ang pumalibot sa buong paligid. Pagkawala noon ay sumalubong sa akin ang isang tent. Isang magandang tent. Sakto lang para sa dalawang tao.

May isang lamesa sa gilid at isang comforter na may dalawang malaking unan na ginto ang kulay. May isang baso at isang kutsilyo sa lamesa. Iyun ata ang gagamitin namin.

"Sigurado ka na ba, Nichole? Ayokong pagsisihan mo ito." bulong sa akin ni Yuri.

"Sigurado na ako, Yuri. Kahit kailan, hinding hindi ko ito pagsisihan. Kahit mamatay pa ako." bulong ko sa kaniya pabalik.

Hinatak niya ako papalapit sa kaniya. Ipinalibot niya ang kaniyang mga kamay sa aking bewang at ang aking kamay naman ay sa batok niya. Ipinatong niya ang kaniyang noo sa akin. Halos magkadikit naman ang aming mga labi.

Dahan dahan kaming gumalaw, animo'y nagsasayaw na walang tugtog. I find it sweet and romantic. This is my first time. First freaking time!

"I will always love you for a thousand years and I will always love you for a thousands more. I love you from the Pluto and back. Borahae, Nichole. Like what you always say, I purple you." sabay halik ng mariin sa aking noo.

Lumayo siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Hinalikan niya iyon ng ilang beses bago ako hinila papunta doon sa lamesa. Kinuha niya ang kutsilyo at itinapat niya iyon sa palapulsuhan niya at hiniwa. Pumatak ang maraming dugo niya sa baso.

Ibinigay niya sa akin ang kutsilyo at itinuri niya sa akin ang gagawin. Itinipat ko sa aking palapulsuhan ang kutsilyo bago unting unti ni hiniwa. Ramdam ko ang hapdi at sakit sa bawat paglabas ng dugo at pagpatak noon sa baso.

Tinignan kong maigi si Yuri. Dahan dahan niyang inilapat ang baso sa bibig niya at ininom ang kalahati ng laman noon. Ibinigay niya sa akin ang baso na may kalahating laman ng dugong pinagsama namin.

Inilagay ko ito sa aking bibig at dahan dahang ininom. Nalasahan ko kaagad ang lasang kalawang. Ngunit hindi nagtagal ay naging masarap ito sa aking panlasa.

Nang matapos ko itong ubusin ay nakita kong nakatitig sa akin si Yuri ay parang sinilaban ng apoy ang buo kong katawan. Na kahit ilang beses akong maligo ay hindi mawawala. Ito ba ang tinatawag nilang apoy ng pagnanasa?

"Yuri..." paos kong tawag dito. Tinignan ko siya sa mga mata. Nang-aakit.

Hindi na ako nagulat ng sugudin niya ako ar hinalikan ng mariin sa labi. Dahil sa ginawa niya ay lalong lumiyab ang init ng apoy.

Napahawak ako sa balikat niya dahil sa bigat ng kaniyang mga halik. I responded the kiss with the same ferocity. Nang gabing iyon isa lang ang nasa isipan ko....

I want him.

Zeal Academy: School Of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon