Chapter 25

426 29 1
                                    

A/N: Thank you for the reads and votes, guys! Thank you!

For today's update! Sana magustuhan niyo! ~ Missy Alex

Nagising ako na sumasakit ang ulo. Shete lang! Ang sakitt! Bakit palagi na lang masakit ang ulo ko dito sa kwento? Ito na ba ang papel ko? Ha?

"Mabuti naman at gising ka na? May sasabihin sana ako." napatingin ako sa may pintuan ng may nagsalita. Wait! Bakit wala ako sa kwarto ko? Wala ba ako sa Academy? Ohmy!

"S-sino ka? Where are we? Bakit ako nandito?" sunod sunod kong tanong. Shems! Lagot ako nito!

"Ako nga pala si Fina. Nasa kubo kita. At para sa huling tanong, kinuha kita." nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Ohmy! Bakit parang wala lang sa kaniya? Pwede ko siyang kasuhan ng kidnapping noh!

"B-bakit mo ako kinuha?! Wala naman akong kasalanan sa iyo ah?!" sinubukan kong tumayo pero hindi ko magawa. Doon ko lang napansin na may kadena na nakakunekta na kamay at paa ko. Shete ka, ghorl!

"Pinakuha ka ng iyong ama, Young lady. Kinailangan kitang kunin para sa kalayaan ng aking anak. Ikaw lang sana pero may kasama ka." napakunot ang aking noo. Wala naman akong kasama ahh! Hala! Baka may third eye si ate!

"Wala naman ako kasama, ate Fina. Mag-isa lang ako. May third eye ka ba para makakita ng multo o masamang espirito? Kakatakot kaya iyon! Awooo!" sabi ko sa kaniya. Natawa naman siya. Pinapatawa ko ba siya? Mukha ba akong katawatawa ha?!

"Hindi espirito ang sinasabi ko. Buntis ka. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung pati ang bata sa sinapupunan mo ay madadamay. Kahit naman isa akong Dark Blood may puso din ako. May anak din ako. Mother knows best. Ang best para sa mga anak natin ay maging mabuti. Yung walang galit sa puso habang lumalaki. Yung nasa tamang daan sila."

"B-buntis? A-ako? O-ohmyghad! M-magkaka-anak na k-kami ni Yuri! Jusko! May anak na ako!" naiiyak kong sabi.

Thank you, Lord! Thank you for the blessing! Thank you! Hindi ko maiwasan umiyak. Shems! May anak na ako!

"Ayaw ko sanang tanggalin ang kasiyahan mo pero may kailangan kang malaman. Mamayang alas sais ng hapon, susunduin ka ng mga kawal ng Dark Blood. Gagawin ka  nilang isa sa amin. Ayaw kong madamay ang bata. Kakalabanin mo mismo ang mate mo." napatulala ako sa mga sinabi niya. A-ano? B-bakit gagawin sa akin iyon ng aking ama?

"M-may solusyon ba para hindi nila ako magawang isa sa inyo? Ayaw kong mapunta sa masama ang anak ko, Fina! Nagmamakaawa ako sayo! Tulungan mo ako." pilit kong inaalis ang aking kamay sa kadena. Kailangan kong makaalis dito! Hindi pwedeng makuha nila ako.

"Kumalma ka! Tutulungan kita. May plano ako."

~~~

"Kumain ka na muna. Kakailanganin mo ng lakas para mamaya. Malayo ang lakbay papunta sa bayan at palasyo ng mga Dark Bloods." ibinigay niya sa akin ang isang nilagang mais at kamote. Kinalagan na niya ang kadena sa aking kamay. Pero ibabalik daw niya mamaya.

Dali dali ko itong kinain at inubos. Hindi pa kasi kami kumakain ng almusal. Ngayon pa lang. Siguro, nasa alas nuebe na ng umaga. Kumakain na sana ako ngayon ng kanin at hatdog. Hatdog ni ano. Charr! Landi mo talaga self!

Sandara, dapat maging role model ka ng magiging anak mo. Hwag mo siyang turuan ng mga kabulastugan. Dapat mabait, masipag, mapagmahal, magalang, masunurin, at higit sa lahat matalino. Hindi iyong malandi, masama ang ugali, at hindi palakaibigan.

"Pwede mo ba akong gawan pabor?" napatingin ako kay ate Fina ng magsalita siya. Pabor? Bakit?

"Oo naman. Ano ba iyon?"

"Alam kong pagkatapos ng ritual na gagawin sa iyo ay hindi sila tutupad sa usapan. Gusto ko sana na ilayo mo dito ang aking anak kapag pinatay mo na ako. Wag kang magaalala. Maisasagawa muna natin ang plano bago mo ako patayin." what? Anong patayin? No way! Hindi pwede!

Zeal Academy: School Of WizardsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz