Chapter 5

874 51 0
                                    

"Alohamora" sabi ko. Sinusubukan ko kasing buksan iyong pintuan ng library dito sa dorm.

"Alohomora iyon not Alohamora." napatingin ako sa nagsalita sa likod ko. Nakita ko doon si Tae Gi. Akala ko naman kung sino.

"Okey! Sorry naman. Bago lang. Makinig ka ha. Alohomora." pagkasabi ko noon ay bumukas na iyong pintuan kaya napatalon ako at yumakap kay Tae Gi.

"Ghad! Ang galing ko!" sumigaw pa ako kaya tumawa siya.

"Yeah. You're magaling." natawa ako sa sinabi niya. Really? Conyo ka boi?

"Im really magaling?" pagsakay ko sa trip niya kaya sabay kaming tumawa.

"Tapos na iyong klase kay Sir Clark?" tanong ko ng huminahon na ako.

"Yup. Hinintay kayo ni Sir pero di na kayo bumalik. Pero okey lang iyon. At least nagpa-practice ka kahit wala ka sa klase ni Sir. But be ready for PE class later, Sandara." ewan ko ba pero kinakabahan ako. Para naman kasing delikado yung PE class sa paraan ng pagsabi nila.

"Ano bang meron sa PE class na iyan ha?" tanong ko.

"You'll see, Sandara." sagot na lang niya at pumasok sa loob ng library.

"Sandara!" napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Kc lang pala eh.

"Kc! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya ng makalapit siya.

"Partner ko si Tae Gi sa history and napagplanuhan na namin na ngayon na namin sisimulan yung reaction paper. Ikaw, bakit di ka na bumalik?" sanaoll na lang talaga! Wala pa kaming gawa ng partner ko eh.

"Tinamad na ako bumalik kaya nag-aral na lang ako dito sa dorm." binuksan ko na iyong pintuan ng library para makadaan siya.

Bumaba na lang ako. Pupunta ako sa kusina para sana uminom pero nakita ko doon si MJ. Nagluluto ata ng kung ano. Hindi ko alam na marunong pala siya mag-luto. Hindi halata.

"Oh. Andito ka pala, Sandara. Gusto mo tikman yung niluto ko?" tanong niya kaya tumango ako. Amoy pa lang kasi eh masarap na.

"Di ko knows na marunong ka pala magluto. Di halata." sabi ko.

"Chef ako dito. Pero depende na din sa mood ko kung gusto kong magluto o hindi." natawa na lang ako sa sinabi niya. Aaminin ko ang cute niya.

Sa kanilang lahat sa kaniya ang pinaka-matingkad ang kulay ng mga mata. Kulay asul kasi. Habang sila Bo Won at Tae Gi ay kulay dark brown. Yung kambal naman na sina Justin at Troy kulay golden brown. Si Kc naman ay brown lang at si Yuri ay black.

"Mahilig ka ba magluto, Sandara?" tanong niya na siyang nagbalik sa akin sa realidad.

"Oo. Pero mga commoners food lang ang alam ko. Hindi kasi ako masyadong familiar sa mga pangmayayaman na pagkain. Bukod sa steak." totoong sagot ko. Hindi naman kami mayaman ni Tiya. Minsan nga sardinas lang ang ulam namin o kaya kape, gatas, o milo. Depende sa trip namin ni Tiya.

"Hmm.. Hindi naman ako mahil sa mga pangmayayaman na pagkain. Basta ako kung ano yung nakahain sa hapag iyun ang kakainin ko." wow! Hindi din pala siya maarte eh.

"Aghmm.." napatingin ako sa tumikhim at nakita ko si Yuri.

"Akiro. What are you doin here?" tanong ni MJ. Required ba na mag-english kapag kaharap iyan?

"Finding something to eat." casual na sagot niya. Bakit parang ang tensyonado dito?

"Hey guys! Luto na ba yung pagkain, MJ? Oh! Sandara you're here!" hindi ko alam pero nakahinga ako ng maluwag ng dumating si Justin. Para kasing nawala yung tensyon nung dalawa.

"Hi Justin. Asan yung kambal mo? Si Troy?" tanong ko sa kaniya.

"Kasama ni Troy si Bo Won sa garden. Naghahasik ng lagim." natawa na lang ako sa sagot niya. Si Justin kasi, mahilig sa mga hayop. Kahit anong uri ng hayop.

"Bakit nagugutom ka na ba, Justin?" tanong ni MJ. Hay parang siya ang pinakamatanda sa inaasal niya pero si Yuri naman talaga. Pangalawa lang siya sa pinakamatanda. Sumunod naman si Tae Gi tapos si Kc, then si Bo Won, ako tapos yung pinakabata naman ay sina Justin at Troy.

"Yup. Tapos yung mga alaga ko gutom na din." ang kyut niya kapag naka pout. Hobby na niya kasi iyon kapag gutom na siya. Napansin ko yon kahapon at kanina.

"Ang cute mo, Justin." hindi ko na napigilan yung sarili ko na tumayo at kurutin siya sa pisngi. Hihihi! Ang cute niya talaga.

"Justin, Sandara. Tawagin niyo na silang lahat para kumain na." utos ni Yuri kaya sumunod kami ni Justin.

"Ano ba iyan, Bo Won, akin yan eh!" sigaw ni Troy habang kumakain kami. Pinipilit niya kasing kunin yung shanghai na kinuha ni Bo Won.

"Bo Won, kanina mo pa kinukuha yung pagkain ni Troy. Tumigil ka na." saway ni MJ.

"Oo na! Bilisan na natin! Excited na ako sa PE eh!" tapos binilisan na niya yung pagkain.

~~~

Nandito kami ngayon sa field. Dito daw kasi gaganapin yung PE namin. Nakatayo lang kami habang hinihintay yung Professor namin.

"Good afternoon class!" napalingon ako sa pamilyar na boses. Hindi imposible! 8 taon na siyang patay.

"Im Miguel Lopez. Your Professor in PE." dahan dahan kong nilingon ang nagmamayari ng boses na iyon. Nanlaki anc aking mga mata ng makita siya. I-imposible!

"Maligayang pagbabalik sa mundong ito, binibini." naramdaman kong tumulo ang aking mga luha. Hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin ko.

"Maaari ba sumama ka sa akin mamaya sa aking opisina, Ms. Rivera." hindi ko alam kung anyaya ba iyon o utos pero isa lang alam ko. Sasama ako mamaya.

"Alpha! Tumakbo kayo ng 10 ikot sa buong field." napanga-nga ako ng sabihin niya iyon. Ni hindi ko pa nga napupunasan yung luha ko eh!

Tumakbo kami ng tumakbo. Nasa 8 ikot na kami ng magsimula nang manginig ang mga paa ko. Bumabagal na din yung takbo ko. Shit! Hindi ko na kaya! Tama nga yung sinabi ni Tae Gi kanina! Dapat naging handa ako.

Nasa ika-10 ikot na kami ng muntikan na akong madapa sa sobrang pagod kung hindi lang ako nahawakan nila Troy At Bo Won.

Pagkatapos ng 10 ikot ay pinag sit up niya ako kami ng 50 beses. Pagkatapos nun ay nag-plank kami sa loob ng 10 minuto. Pinagamit din niya kami ng jumping rope sa loob ng 15 minuto.

After niya kami pahirapan ay pinauwi na niya kami sa dorm. Hindi na ako kumain sa sobrang pagod. Naligo na lang ako after kong magpahinga ng ilang minuto at nakatulog na.

Zeal Academy: School Of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon