Chapter 6

832 52 0
                                    

Pagkagising ko kaninang umaga ay naramdaman ko ang sakit ng aking buong katawan. Para akong binugbog magdamag. Shet lang day! Ngayon ko lang naranasan ituh!

"Sandara! Lumabas ka na diyan! Di ba magkikita pa kayo ni sir Miguel?!" sigaw sa labas ni Bo Won. Paano ko na laman? Kilala ko na kasi yung mga boses nila. Di ba kahit boses kilala na!

"Oo ayan na maliligo na muna ako!" sigaw ko pabalik. Ghad paano ako ngayon tatayo? Sobrang sakit ng nga paa ko. O ang tamang sabihin natin ay buong katawan ko.

"Arouch!" daing ko ng tumayo ako. Bahagya pang nanginginig ang mga tuhod ko habang naglalakad papunta sa banyo.

Pagkatapos kong maligo ay namili na ako ng susuotin ko. Nakalimutan ko kasi magdala kanina sa CR. Napili ko ang isang malaking T-shirt na may logo ng BTS. Tapos pinaresan ko na din ng jeans at itim na sapatos.

Inilugay ko ang kulot na buhok at inayos ang aking boxy na salamin. Di na ako nag-abala pa na maglagay ng makeup. Naniniwala kasi ako na mas magandang ipakita ang natural beauty.

After kong mag-ayos ay bumaba na ako. Hindi ko na pinansin ang sakit ng aking katawan.  Iinom na lang ako ng gamot mamaya para sa sakit ng katawan.

"Wala ba tayong klase ngayon?" tanong ko pagpasok ko sa dining area. Umupo ako sa may bakanteng upuan.

"Meron. Mamaya pang 11. Bakit?" sagot ni Troy.

"Baka kasi matagalan ako sa office ni Sir." malay mo na. Baka hindi pa ako makapasok sa klase mamaya. Enough na yung kahapon.

"Bakit? Anong gagawin niyo doon?" tanong ni Tae Gi.

"Ewan ko." sagot ko at kumain na.

"Kayo ahh. Mamaya meron kayong ginagawa na milagro doon." biglang sabi ni Troy kaya nasamid ako.

"Enough!" Biglang sabi ni Yuri.

"Why? Nag-uusap lang sila ah! Don't tell me you're affected?"sabi ni MJ. Bakit magiging affected si Yuri sa usapan namin?

"Im not. Its just I'm irritated." wow so back to english na naman siya? Lupet niya ah!

"Oi. Kung iritado ka wag mo kaming idamay! Hindi yun by group!" sabi ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya gumanti ako. Di porket may nararamdaman ako sayo hindi na kita gagantihan! Huh!

"Stop na! Mamaya magbasaan na naman kayo diyan! Kumain na lang kayo! Sandara, tapusin mo na ang pagkain mo para makaalis ka na." pagsingit ni Kc. Naputol tuloy yung staring contest namin ni Yuri ko.

"Oo na. Kakain na." mamaya kasi kulamin na ako ni Yuri ko. Hahahaha! Ayyiee! Landi ko!

~~~

"Andito po ba si Headmaster Miguel?" tanong ko sa babae na nasa labas ng opisina ni Sir. Secretary ata niya.

"Who are you, miss?" tanong niya. Whow ha! Sagutin ba naman daw ako ng tanong?

"Cass Sandara Nichole Rivera. From Alpha Family." sagot. Sabi kasi sa akin ni Bo Won na kapag daw may nagtatanong sa akin ng pangalan ko sagutin ko daw at sabihin kung saang family ako.

"Hmm.. He's here. Come in, Ms. Rivera." binuksan niya ang pintuan ng opisina ni Sir kaya pumasok na ako at nagpasalamat.

"Good morning, Sir Miguel." diniinan ko talaga ang pangalan niya. Para malaman niya na galit ako.

"Good morning, Dara." natigilan ako. Its been 8 years since the last time I heard that nickname. 8 fucking years!

"There's no Dara here. As far as I know she died 8 years ago." malamig kong sabi. Wala na si Dara na malambing, makulit, at laging takot. Namatay na siya.

Zeal Academy: School Of WizardsWhere stories live. Discover now