Chapter 29

397 30 0
                                    

Yuri's P. O. V.

Dali dali kaming nagsilabasan sa dorm. Nasa labas na ang iba. Dinedepensahan ang Academy sa mga kalaban.

Puro pagsabog, putukan, sigawan, at tunog ng magkalapat na sandata. Marami rami na din ang mga walang buhay na katawan sa sahig. Ito na. Sa gabing ito, magaganap ang digmaan na pinaghandaan namin.

Sinugod ko ang pinakamalapit na kalaban. Mukhang hindi pa niya ako napapansin. Dalian ko siyang sinaksak sa leeg bago iniwan. Alam kong minuto na lang ang bibilangin bago siya mamatay.

"Ayun siya! Ang sabi sa atin ibigay sa kaniya ang buong Alpha!" napalingon ako sa mga kalaban na papalapit sa akin.

"Confringo!" pinatama ko iyon sa isa sa kanila.

"Bombarda Maxima!" I chanted again na naging dahilan para umusok sa kinalalagyan nila. Tumakbo ako papunta sa kanila at isa isa silang pinatay.

Naglakad ako papunta sa isang Gamma na na-trap ng mga kalaban. Pinuntahan ko siya at tinulungan. Pinagsasaksak ko sila sa leeg para hindi na sila makalaban pa.

"S-salamat, Alpha." sabi sa akin ng Gamma. Im the one who must be thankful. Isa siya sa mga Gamma na gustong makamit ang kapayapaan.

Umalis na ako sa lugar na iyon. Nakita ko sina Limiah at Mj. Nagtutulungan para kalabanin ang mga Dark Bloods na gustong makapunta sa main building. Ang alam ko wala na doon sila Madame at Headmaster. Ang mga doctors and nurses na lang ang nandoon ngayon.

Tatakbo na sana ako ng makarinig ako ng isang tugtog. Tugtog mula sa isang flute. It sends shivers in my spine. Sh*t, who the hell is that?

Nakita kong natigilan sina Mj at Limiah kaya kinuha na ng mga Dark Bloods ang pagkakataon. Dinakip silang dalawa at bigla na lang naglaho kasama ang mga kalaban. Isa sa kanila ang Charmer.

'My dear, stop fighting... Its time for you to meet me...' anang ng isang malamig na boses mula sa aking isipan. Who is she? How dare she to call me dear?!

Argh! Bakit hindi ko magalaw ang katawan ko?! Anong nangyayari?! Sinubukan kong sumigaw pero walang boses na lumabas.

'Help! I f*cking need help!' sigaw ko sa aking isipan. Alam kong walang makakarinig sa akin pero nagbabaka sakaling may tumulong sa akin.

Sinubukan ko ulit na gumalaw. Natuwa ako ng gumalaw ng kaunti ang katawan ko. Nagconcentrate ako ng mabuti at ginalaw ko ang akinh katawan. Yes! Kaunti na lang.

Nakita ko na may naglalakad na Dark Blood papalapit sa akin. Hinawakan ko ng mabuti ang aking wand at sinubukan mag-chant.

'Avada Kedavra!' sigaw ko sa aking isipan na naging dahilan kung bakit ako nanghina bigla. Gusto ko nang matapos ito at makita si Nichole.

"Luna, please help me." naisatinig ko. Nagpasalamat ako ng may lumabas tinig sa aking bibig.

"P-prim, c-come o-out." hirap kong bigkas. Ikaw na lang ang natitira kong pag-asa, Prim. Sana hwag mo akong biguin.

May namuo na liwanag sa aking harapan at lumabas doon ang aking guardian. Napangiti ako. Good job, Prim.

Nagbuga siya ng apoy sa mga kalaban. Pero sa hindi inaasahan pagkakataon, may isang tinig akong narinig. Sobrang tinis. Masakit sa tenga.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isa pang phoenix. Kung hindi ako nagkakamali siya si Pinky. Ang phoenix ni Nichole. Andito siya. Makikita ko na siya. Nakita ko kung paano dinakio ni Pinky si Prim. Hindi na nakapalag si Prim.

Hah! What should I do? Hawak nila si Prim. Ginagamit nila ngayon si Nichole. Kaya nandito si Pinky. Alam kong nasa paligid lang din si Black. Ang cheetah niya.

Zeal Academy: School Of WizardsWhere stories live. Discover now