Chapter 27

410 30 1
                                    

A/N: This the last update for this week! See you on my next update, guys! ~ Missy Alex

Mj's P. O. V.

Hmmm. My head's hurt. Did something happened? Wait! I saw Dara earlier. At field. She said she's watching us. That she missed us. I miss her already. I miss my buddy.

"Miguel, anong gagawin natin? Gagamitin nila si Cass! Hindi iyon pwede! Nawalan na din ako ng koneksyon kay Lirah. Siya na lang ang koneksyon ko mula sa Dark Bloods. Buwan o araw na lang ang bibilangin bago ang digmaan. Ang huling sinabi sa akin ni Lirah ay hihintayin na lang daw nila na manganak si Cass. Hiningi iyon ng bata. Bago siya susuko. Magiging isang ina na siya."

What? Dara is pregnant? Ohghad! My buddy is preggy! Akiro must know this! But why can't she communicate with Akiro? Why can't she meet us? She said she's watching.

"Alam kong may plano si Dara, Lykah. Kilala ko iyon. Matalino iyon. Mukha lang hindi. Trust your niece, Lykah. She's smart like you. Lumaki siya kasama mo. Dapat kilala mo siya. Hindi niya ipapahamak ang sarili niya. Nanay na siya. Gugustuhin ni Dara na makasama ang anak niya at ang mate niya. Pero may problema tayo. Ang digmaan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayaw kong madamay sila."

War? There's a war? Why they didn't tell us? Why they keep it secret? Dara will be their weapon for the upcoming war. She's strong. She's dangerous. A harmful woman.

"Hwag na muna natin sa kanila ipaalam. Sa tamang panahon. Hahanap na muna tayo ng paraan. Sa ngayon."

They went out of my room. Or their room? I don't know. I hurriedly get off the bed. Arghh! Wrong move, Mark Joshua. You're idiot.

"Mark? Bakit nakatayo ka na? May hinahanap ka ba?" napatingin ako sa pinto. Nandoon si Limiah. Kakapasok lang.

"Ahmm. Wala. Aalis na sana ako. Wala kasi akong kasama." sagot ko dito. Ayaw kong sabihin sa kaniya ang nalaman ko. I respect her parents. Kung ayaw nilang sabihin, hindi ko din sasabihin.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Nawalan ka kasi ng malay kahapon." what? Yesterday? Akala ko kanina lang iyon nangyari. O baka naman joke time lang ito.

"Weh? Kahapon? Baka naman niloloko mo lang ako." natatawang sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin kaya napayuko ako. Oi! FYI hindi ako under. Nakakatakot kaya siya. Malakas sa akin iyan ehh.

"Seryoso ako. Ano bang nangyari sa iyo kahapon? Napaluhod ka tapos nawalan ka na ng malay." seryosong sabi niya.

"Ewan ko. Hindi ko alam. Nanghina na l-lang ako b-bigla." pagsisinungaling ko. Hindi ba nila alam?

Hindi ko na lang ipapaalam sa kanila. Hindi sila pinakitaan ni Dara. Ibig sabihin ayaw niyang magpakita sa kanila.

"Ahh. Akala ko kung ano na. Congrats nga pala. Nanalo tayong Alpha. Ikaw lang ang nawalan ng malay sa atin. Nakakahiya ka!" tumatawang sabi niya sa akin. Yeah. Kakahiya nga.

"Alis na tayo. May pasok pa tayo. Bihis lang ako." umalis na ako sa harapan niya at pumasok sa Cr dala ang uniform ko.

"Tapos na ako. Tara na." kinuha ko na ang bag ko at hinila na siya paalis sa kwarto ng nanay at tatay niya.

Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasan na magisip. Bakit ayaw nila Madame na sabihin sa amin ang tungkol sa digmaan? Bakit ayaw makipag-communicate sa amin ni Dara? There's a lot of why in my f*cking head!

"Ayos ka lang ba talaga? Baka naman hindi ahh. Umamin ka sa akin." inilingan ko lang siya at nginitian.

"Alam kong nagsisinungaling ka sa akin kanina. Hindi ka nanghihina diba? Alam kong may ibang dahilan kung bakit ka nahimatay. At alam kong binabagabag ka niyon." napayuko ako. Im guilty. Pero hindi ko pa din iyon sasabihin sa kaniya. Sa kanila.

"Ayaw mong pagusapan? Ayos lang. Baka masyadong mahalaga iyon para isekreto mo sa akin. Nirerespeto kita, Mark." umalis na siya sa aking tabi at pumunta na kay Kc.

"Kamusta ka na, sleepy boy?" nainis ako sa palayaw sa akin ni Bo Won kaya sinapak ko siya sa braso.

"Umayos ka nga! Malapit na iyong oras ng klase." inayos ko muna ang nagulo kong uniform at buhok. Ayaw ko namang maging mukhang dugyot noh!

"Zealot! Pinapapunta tayo ng headmaster sa gymnasium. May sasabihin daw sa atin. Required daw ang mga estudyante na pumunta doon." dahil sa sinabi niya ay pumunta na kami sa gym. Malapit lang naman ito. Limang minuto na lakaran.

Pagdating namin sa gym ay umupo kami sa pinakaunahan. Reserved seats iyon para sa Alpha. Special treatment lagi ang natatanggap naming Alpha.

Nakatayo sa stage si Madame at Sir. Parehong seryoso. Mukhang seryoso ang paguusap ngayon. Pero ano?

"Maraming salamat sa inyong pagpunta. Gamma, Beta at Alpha." tumigil siya sa pagsasalita. Tinignan kami ng seryoso.

"Pinatawag ko kayong lahat dahil may mahalaga akong sasabihin sa inyo. Tungkol ito sa isang digmaan. Digmaan na magaganap sa pagitan ng mga wizards at Dark Bloods. Hawak nila ngayon ang isa sa inyo. Isa sa mga Alpha to be specific. Ang mate ni Akiro Yuri Hinata. Si Cass Sandara Nichole Rivera.

"Gagamitin nila siya laban sa atin. Maaari kayong madamay sa mangyayarinh digmaan kaya bibigyan ko kayo ng pagpipilian. Ang mga tatayo ay ang mga aalis sa paaralan para hindi madamay. Ang hindi naman ay magstay dito." maraming tumayo. Ang karamihan ay galing Gamma. Ang iba naman ay sa Beta.

"Maaari na kayong umalis mamaya. May pupuntang bus dito para sunduin kayo at dalhin sa inyong tahanan. At sa mga hindi tumayo ay nagpapasalamat ako. Salamat dahil handa kayong ibuwis ang inyong buhay para sa kapayapaan na ating inaasam. Bilang na lamang ang buwan para tayo ay magensayo para sa digmaan. Kaya simula bukas ng alas sais ng umaga hanggang alas sais ng hapon ang ensayo niyo."

Maraming nagbulongan. Mga magkakaibigan na nagpapaalaman sa isa't isa. Ang ibang Beta at Gamma ay nagsiupuan na siyang kinasaya ko.

'Josh...'

Napaigtad ako ng may nagsalita sa aking isipan. Isa lang naman ang natawag sa akin ng Josh. Si Dara.

'Malapit na... Malapit na tayong magkita kita...'

"Malapit na?" bulong ko. Napalingon naman sa akin ang si Limiah. Mukhang nagtataka.

"Anong malapit na? Natatae ka ba? Malapit nang lumabas?" sunod sunod na tanong niya. Nagaalala. Napabuntong hininga ako. Haay! Ang kulit talaga nitong babaeng ito.

"Hindi." tipid kong pigil sa kaniya. Tumango tango naman siya at nagfocus sa harapan.

Malapit na daw kaming magkita kita. Isa lang ang ibig sabihin nito. Malapit na ang digmaan na magaganap.

Ano ba talagang plano ninyo. Madame, Sir at Dara?

***
A/N: Thank you for reading this chapter! Feel free to comment your opinions! See you on next update!

Zeal Academy: School Of WizardsWhere stories live. Discover now