Chapter 13

575 35 0
                                    

Nandito kami ngayon sa opisina ni Headmaster Miguel. Kasama ko sina Limiah at Yuri. Bakit nga ba nandito si Yuri?

"Kamusta na sila, Ma'am?"magalang na tanong ni Yuri.

"We still don't know." sagot ni Tiya.

"Yuri, bakit nandito ka?" takang tanong ko.

"He's your mate. He should be here, my beautiful niece." si Tiya na ang sumagot sa tanong ko.

Shemay! Sinabi ba ni Tiya na niece? Mabubuko kami nito! Siya pa naman ang nagsabi na hwag ipagsasabi na magkamag-anak kami.

"Pamangkin mo pala siya. Ibig sabihin anak siya ni Lirah at---" naputol ni Yuri ang sasabihin ng itinutok ni Tiya ang kaniyang wand sa kaniya.

"Alam niyo naman siguro kung ano ang mate hindi ba?" sabay kaming tumango ni Yuri. Of course I know kaya! Ano ako bobo lang? Duh!

"Mararamdaman ninyo ang bawat karamdaman ng isa. Kung magkakasugat ka Alex, magkakasugat din si Akiro. Katulad kanina, ang nararamdaman mo ay nararamdaman din ni Akiro. Kung hindi mo nakontrol ang emosyon mo kanina, hindi din niya nakontrol ang sa kaniya.

"Parehas kayo ng abilidad. Kung ano ang abilidad ni Akiro ay siyang abilidad mo din, Alex. Yun ang tinatawag na mate bond. Maaaring makontrol ni Akiro ang emosyon niyong dalawa kung gagawin niyo mate ritual.

"Kaya sinabi namin ni Miguel na kailangan namin ang mate mo upang makontrol ka at iyang emosyon mo. Masyado kang malakas, Alex. Mas malakas pa sa akin."seryosong sabi sa akin ni Tiya.

"Paano po ba isasagawa ang mate ritual?" kung maaari sana sa madaling panahon na namin maisagawa iyon.

"Madali lang. Ginagawa ito ng mga normal na magkasintahan." sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi pa ako ready!

"Tiya! Hindi pa ako ready! Ayaw ko pang isuko ang bataan!" niyakap ko pa ang buong katawan ko habang umiiling iling. No! Hindi pa pwede! Ayaw ko pa!

"Easy, Alex. Kiss lang. Hindi yung chukchakan! Ang kailangan niyo lang gawin ay..."

~~~

"Tiya, hindi ba masakit iyon?" tanong ko. Para kasing sobrang sakit. Arouch lang!

"Hija, masakit iyon. Pero mawawala din iyon paglipas ng ilang minuto o segundo." natatawang sagot sa akin ni Tiya.

"Ma'am, asan nga po pala sina Mj at Kc?" wow! Nagtatagalog na siya! Ayieee!

"Wahh! Di ka na nagi-english! Ang galing!" sabi ko habang pumapalakpak. Natawa naman si Tiya sa ginawa ko habang sinamaan ako ng tingin ni Yuri.

"Shut up. Wala ka na doon. Atsaka alam kong magre-reklamo ka." sabi niya. Sabagay, tama naman siya. Magre-reklamo ako. Hihihih!

Sino ba kasing hindi magre-reklamo eh puro siya english. Dapat nag-japanese na lang siya dahil hapon siya!

"Haayy! Alam niyo nakikita ko sa inyo si Lirah at ang kaniyang mate. Katulad na katulad niyo sila. At para sa tanong mo na, hijo. Nandito lang din sila sa opisina. Nasa kwarto namin ni Miguel."

Sinamahan kami ni Limiah papunta sa kwarto na pinaglalagyan nila Mj at Kc. Nakahiga sila pareho sa kama. Mga walang malay. Hindi ko maiwasang mainis sa sarili ko. Bakit ba kasi ang hina hina ko?! Wala na ako nagawang tama! Kahit ang mga kaibigan ko nagawa kong saktan!

"Alex! Ano ba! Huminahon ka! Hindi lang ikaw ang naaapektuhan! Ang kalikasan at ang mate mo din!" sigaw sa akin ni Tiya kaya pilit akong huminahon.

Huminga ako nang malalim. Pilit inaalis ang pagkainis. Pinapakalma ang sarili. Tandaan mo, Sandara. Hindi lang ikaw ang naaapektuhan. Pati ang nakapaligid sayo! Kaya umayos ka!

"K-kamusta na sila, Tiya?" tanong ko ng kumalma na.

"Ayos na sila. Baka magising na din sila ano mang minuto." sagot ni Tiya kaya nakahinga ako ng maluwag. Hooh! Buti naman.

"Hmm." napatingin ako kay Kc ng umungol siya. Mayamaya'y dahan dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata.

"Kamusta ka n-na?" nagaalala kong tanong sa kaniya. Bakas sa mukha niya ang sakit.

"S-sandara, k-kailangan ko s-si T-tae Gi..." mahinang aniya. Tumango ako. Napakagat labi bago umalis doon.

Habang naglalakad papunta sa dorm namin ay hindi ko maiwasan lumuha. Ano ba iyan! Puro na lang ako iyak! Yun na lang ba ang role ko dito? Ang umiyak at manakit! Epal!

"Huminahon ka, Sandara. Hindi makakatulong sayo ang magalit o masaktan. Hindi mo naman sinasadya iyon." sabi ko sa sarili ko.

Nasa tapat na ako ng pinto ng dorm namin. Kakatok na sana ako ng bumukas iyon. Sumalubong sa akin ang malamig na tingin ni Tae Gi.

"Anong kailangan mo?" malamig na tanong sa akin ni Tae Gi.

"H-hinahanap k-ka ni Kc. G-gising na s-siya." utal kong sagot.

"Pwede ka nang umalis." pagkatapos niyang sabihin iyon ay sinarado niya ng malakas ang pinto.

Hah! Kaya mo iyan, Sandara. Fighting lang! Mawawala din iyang sakit na yan. Tinignan ko ulit ang pintuan bago ako nagdesisyon na umalis na.

Bumalik ako sa opisina ni Headmaster Miguel. Bumalik ako sa kwarto kung nasaan sina Kc at Mj. Nilapitan ko muli sila. Pinagmasdan.

"Tiya, pwede po bang umalis na muna kayo? Kayong lahat. Gusto ko lang na makasama sila. Yung ako lang." walang emosyon kong sabi sa kanila.

"Sige. Lagi mong tatandaan wag kang magpapatalo sa emosyon mo." iginaya na niya sina Yuri at Limiah paalis. Ayaw pa sana ni Yuri umalis kaso lang ginamitan na siya ng dahas ni Tiya.

"Kc, Mj. Pasensya na ah? Hindi ko lang talaga kayang kontrolin ang emosyon ko. Pati tuloy kayo nasaktan ko. Ang sama ko. Hindi ko kayo deserve." umiiyak kong sabi.

Hinawakan ko ang mga kamay nila. Tinignan ko ang mga sugat at pasa nila. Sinubukan kong mag-concentrate. Hinahagilap ko ang aking lakas.

"Heal." bigkas ko bago lumiwanag ang buong paligid.

Nakaramdam ako ng matinding sakit ng katawan. Gusto ko nang itigil pero hindi! Hindi ako magpapatalo sa sakit! Kaya ko ito!

Nanghihina na ako. Hindi ko na kaya. Pero paano sila? Ilang araw pa bago ako sila gumaling. Hindi ko kaya iyon. Kung kaya ko pa naman na pagalingin silang dalawa gagawin ko. Hindi ko sila hahayaan na masaktan.

Unti unti nang nawala ang liwanag sa buong paligid. Mas lalong tumindi ang sakit ng aking katawan. Bago ako tuluyan mawalan ng malay, nakita ko kung nawala ang mga sugat nila sa katawan at napunta sa akin.

Zeal Academy: School Of WizardsWhere stories live. Discover now