Chapter 14

565 43 0
                                    

Mj's P. O. V.

Napamulat akong may biglang kumalabog. Tinignan ko ang paligid at doon ko narealize na wala ako sa kwarto ko. Where am I?

Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko doon si Kc. B-bakit katabi ko siya? Nalasing ba ako? Hala! Patay ako kay mate. Di na ako virgin!

Dali dali akong umupo at tinignan ko ang buong katawan ko. May mga damit ako. Pero hindi ito yung suot ko kagabi. Hindi ito akin!

Sinuri ko ang ulit ang buong paligid. Mga mamahaling gamit ang nakita ko. Maganda ang buong paligid. Kaninong kwarto ito? Hindi ko pa ito napapasok.

Habang nililibot ng mga mata ko ang paligid napansin ko na parang may nakahiga sa sahig. Puro sugat at pasa ang katawan niya. Sa itsura pa lang ng katawan nito masasabi kong si Dara ito. Anong nangyari?

"D-dara, tumayo ka diyan. Ano bang---" napatigil ako sa pagsasalita nung parang movie na bumalik sa akin ang alaala ko.

Yung mga pangyayari kanina. Yung pagwawala ni Dara. Ang pagkawala sa sarili ni Akiro. Ang paghampas sa akin ng whip. At ang pagiyak ni Kc.

"Pero bakit si Dara yung nagkasugat? Hindi ba dapat kami? Anong ginawa niya?" takang bulong ko sa sarili.

Tumayo ako at pinuntahan siya. Tinignan ko siya ng maigi. Bakas sa mukha niya ang sakit. Binuhat ko siya at nilagay sa tabi ni Kc na natutulog.

"Ahmm..." ungol ni Kc. Mukhang magigising na siya.

"Kc..." tawag ko dito. Napamulat naman siya at biglang umupo.

Tumingin siya sa akin at umamba na sisigaw kaya inilagay ko sa bibig ko ang daliri ko. Senyales na tumahimik siya. Tinuro ko si Dara na natutulog sa tabi niya.

Napansin ko ang pagkagulat niya. Dahan dahan siyang tumayo tumayo para hindi magising si Dara. Tahimik siyang lumapit sa akin at nagtatakang nagtanong.

"What happened? Bakit wala na akong sugat? Bakit parang napunta lahat kay Sandara?" takang tanong niya sa akin. Napaisip ako. Tama siya. Bakit nga ba wala na kaming sugat? Bakit si Dara mayroon?

"I don't know. Nagising lang ako kasi may kumalabog. Tapos nakita ko si Dara na nakahiga na sa lapag at puro sugat." sagot ko sa kaniya. Nilibot naman niya ang paningin sa buong paligid.

"Where are we? Bakit nandito tayo?" tanong niya ulit kaya nainis ako. Mukha ba akong tanungan? Ha?

"Ewan ko! Ngayon lang din ako nakapunta dito! Lumabas na lang tayo tapos humingi ng tulong." sabi ko sa kaniya at pumunta na sa pintuan.

Limiah's P. O. V.

Napatigil kami sa paglalakad ng biglang napaluhod si Akiro. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Pero mukhang nasasaktan siya.

"Akiro! Anong nangyayari sayo?" nagaalalang tanong sa kaniya ni Dad. Siya kasi ang unang nakalapit.

"I don't know, sir." nanghihina na sagot niya. Nabigla kaming lahat ng humiga siya at sumigaw ng sumigaw na para bang nasasaktan.

"What's happening, Dad? Baka hindi sa kaniya ang problema kundi kay Sandara!" sabi ko sa kaniya.

Okey lang naman kasi siya kanina tapos biglang ganito! Naiinis na ako kay Sandara ah! Bakit kasi ang hina hina niya?! Ang tanga pa! Tsk!

"I can read your mind, Limiah. You know nothing, my daughter." malamig na sabi sa akin ni Mom.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon. Basta ang alam ko parang mananakit na si Mom sa paraan ng paninitig niya.

"I-im sorry, Mom." mahina kong sabi sa kaniya. Please remind me na kapag kasama ko si Mom hindi na ako magiisip ng mga masasakit na salita kay Sandara.

"Akiro!" napalingon kami kay Dad ng bigla itong sumigaw. Nakita ko kung paano mawalan ng malay si Akiro. Siguro hindi na niya kinaya ang sakit.

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto nila Mom ng maramdaman ko itong bumukas. Niluwa noon sina Kc at Mj na para bang walang iniinda na sakit.

"Sir, Ma'am. Si Dara po kasi kailangan ng medical treatment. Andami po kasing sugat at pasa sa katawan." mahinahon na pahayag ni Mj.

Hindi ko mapigilang ma-amuse sa pagiging mahinahon niya. Ang gwapo niya pala kapag sa malapitan. Hindi ko maiwasan kiligin sa pagiging gwapo niya.

"Shit! Sabi ko na nga ba! Gagawin niya iyon eh! Sinabi ko naman sa iyo na mahina si Cass sa mga ganitong pangyayari, Miguel. Buhatin mo na siya at dalhin kay Cass. They need each other." iyun lang ang sinabi ni Mom bago pumasok sa kwarto nila. Sumunod naman si Dad na buhat buhat si Akiro.

"Kamusta na ang pakiramdam niyo?" baling ko sa kanilang dalawa.

"Ayos lang kami, Limiah. Anong nangyari kay Akiro? Bakit wala siyang malay?" tanong sa akin ni Kc.

"Its about mate thingy. May nangyari ata sa mate niya." sagot ko. Tinignan ko si Mj. Ni hindi man lang siya tumingin sa akin.

"Paano nga pala gumaling yung mga sugat niyo?" tanong ko ulit. At dahil sa tanong na iyon, nakuha ko ang atensyon ni Mj.

"We don't know. Pero alam kong may kinalaman si Dara dito." si Mj na ang sumagot sa tanong ko.

Wow! May nickname pala siya kay Sandara. Parang sila Mom and Dad. May nickname sila sa kaniya habang sa akin wala. Nakakatampo na nga minsan eh.

"Tara sumunod na lang tayo sa kanila." yun na lang ang sinabi ni Mj at sumunod na sa kanila Mom and Dad.

Pagpasok namin nakita namin ang pagkunot ng noo ni Mom. Para bang ang lalim ng iniisip niya. Habang si Dad naman umiling iling. Disappointed siguro.

"Anong kinalaman ni Sandara dito sa pagkakagaling ng mg sugat natin, Mj?"makulit na tanong ni Kc kay Mj.

"Basta.  Mahirap ma-explain." yun lang ang sagot ni Mj sa kaniya.

"I felt pity for Akiro. Siya ang nagsu-suffer. Kawawa siya." sabi ko sa kanila. Nakatanggap ako ng isang masamang tingin galing kay Mark.

"Hindi lang siya ang nasasaktan. Kahit si Dara." malamig niyang sabi sa akin. Napairap ako sa hangin.

Huh! Bakit lagi na lang nila pingatatanggol si Sandara? Ano bang meron sa kaniya? Bakit sobrang special niya? Sino ba siya? Anak lang naman siya ng kapatid ni Mom!

"Limiah, gusto mo kung bakit namin siya pinagtatanggol?" tanong sa akin ni Mom. Oh! Binasa na naman pala niya ang isio ko!

"Si Cass, anak siya ni Lirah. Ang kapatid ko. Ang pinakamalakas na wizard sa buong mundo. Mas malakas pa sa akin at kay ina't ama. Naging mate ni Alexander. Ang anak ng pinuno ng Dark Bloods. Ang pinuno ngayon ng Dark Bloods. Mabait si Alexander. Sobra. Kaya mabilis niyang napaibig ang kapatid ko kahit alam niyang Dark Blood ito.

"Kaso sa hindi inaasahan kinailangan ni Lirah umalis dito. Humingi siya ng tulong sa iyong ama. Hindi dapat ako ang namumuno ngayon kundi siya. Pero dahil naging mate siya Alexander ang pinuno ng Dark Bloods, hindi na siya naging pinuno.

"Siya ang forbidden child. Ang pinakamalakas na wizard at charmer. Kaya minsan nagiging bayolente siya ay dahil sa dugo niyang Dark Blood." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mom.

Ang pinsan ko ang sinasabi ni lola. Ang forbidden child. Ang hirap paniwalaan. Ang sabi kasi ni lola ay bayolente daw ito pero hindi. Mukhanh napalaki siya ng maayos ni Mom, Dad, at ng Mama niya.

Zeal Academy: School Of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon