Chapter 17

550 37 1
                                    

"Hoy Mj, ang daya mo!" sabay kaming napalingon ni Josh ng may nagsalita sa pintuan. Nasa kwarto na kasi kaming dalawa.

"Bakit naman naging madaya ako, Bo Won? You don't have any evidences."nakangising sabi ni Josh. Evidence evidence ka diyan, hindi pa nga kayo ni insan eh.

"Tseh! Basta ang daya mo! Anong pagkain dito, Sandara? Gutom na ako." may paawa effect pa siyang nalalaman. Hihihihih! Ang cute niya. Ang sharap kurutin sa magkabilang pisngi.

"Dara, base sa pagtingin mo kay Bo Won, parang may pinaplano kang hindi maganda." sabi sa akin ni Josh kaya tinaasan ko siya kilay. Pake mo! Duh!

"Masama bang kurutin siya? Ang cute kaya." inosente kong sabi kaya ako ang nakurot niya sa pisngi. Shete! Ang shakit!

"Anyo bha! Mashakit, Josh!" pagrereklamo ko bago tanggalin ang kamay niya. Epal siya! Epaaal!

"Asan na yung pagkain, Sandara?" tanong ni Bo Won ulit kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na panggigilan ang pisngi niya.

"Ang cute cute mo Bo Won! Nasa side table! May apple at orange dun! Yiehh!" tinigil ko na ang panggigigil ko sa pisngi niya. Sinamahan ko pa siya sa side table ng kama para kumuha ng pagkain.

"Kamusta ka na, Ate Sandara?" tanong sa akin ni Troy.

"Ayos lang ako. Ikaw kamusta ka na? Ang pagaaral mo?" sunod sunod kong bato ng tanong.

"Nanay lang kung makapagalala? Kakamiss ka, Ate Sandara. Wala na yung sasamahan akong magalaga kay Rabbit. Wala na yung maggugulo ng buhok ko kapag may achievement ako na hindi nagagawa ni Mommy." niyakap ako ni Justin pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon.

"Haay! Namiss kita, Justin. Namiss ko kayong lahat. Ang hirap kapag hindi ko kayo kasama." mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kaniya.

"Weh? Di nga? Kami ba niloloko mo? Andito naman si Yuri para punan ang presensya namin." natatawang sabi ni Josh. Ang sarap niyang sakalin. Promise. Kung wala lang siguro sila dito kanina ko pa sinipa iyang si Josh.

"Epal ka noh? Sakalin kita eh!" inirapan pa ako nung kupal.

"Suntukan na yan! Suntukan na yan!" biglang sigaw ni Bo Won habang kumakain ng apple kaya binatukan siya ng malakas ni Yuri.

"Bakit ka ba nambabatok? Nagseselos ka ba? Kasi hindi ka pinapansin ni Sandara moh? Ha?" inis na tanong ni Bo Won kay Yuri kaya natawa ako. Haay! Namiss ko to.

"Sandara, may gusto nga palang kumausap sayo." sabi ni Kc. Nagtaka ako sa sinabi niya. Sino naman iyon?

"Sino?" tanong ko. May itinuro siya sa likod ni Troy. Si Tae Gi. Lumapit siya sa akin.

"Pwede ba tayong magusap?" tumango ako. "In private sana. Yung hindi sila kasama." dugtong niya.

"Okey. Doon tayo sa sala." lumabas ako sa isang pinto. Sumunod naman siya.

Ang opisna kasi ni Tiyo ay may kwarto kung saan ako tumutuloy ngayon. Tapos sa kwartong iyon ay may isang banyo. May tatlong pinto. Yung isa banyo, yung isa naman ay nakadugtong sa opisina at ang isa naman ay papunta sa sala.

"Anong paguusapan natin, Tae Gi?" nakangiti kong tanong sa kaniya.

"G-gusto ko sanag humingi ng tawad sa ginawa ko sayo, Sandara. Nagalit lang talaga ako. Nasaktan kasi si Kc. Ayos lang sana kung ako eh pero si Kc yun. Ibang usapan na iyon.

"Mate ko si Kc kaya pinoprotektahan ko siya. Mahal na mahal ko siya. Kaya sobra akong nagalit ng masaktan siya. Kaya sorry kung napagbagsakan kita ng pintuan.

"Alam kong hindi makatarungan ang ginawa ko. Kaya humihingi ako ng kapatawaran. Atsaka gusto kong magpasalamat sayo. Dahil sayo hindi na nahihirapan ngayon si Kc sa mga sugat niya dapat ngayon, Sandara. Thank you. Sana mapatawad mo din ako. Kung kinakailangan kong lumuhod para sa kapatawaran mo, luluhod ako. Im sorry, Sandara. Im really, really sorry." nakayukong sabi niya at lumuhod.

Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod. Hindi agad ako nakagalaw at nakapagsalita. B-bakit lumuhod siya? Wala naman siyang ginagawang kasalanan.

"Tumayo ka nga diyan, Tae Gi! Makinig ka! Ako dapat ang humingi ng sorry sa inyong lahat. Ako yung may kasalanan. Hindi mo naman na kailangan humingi ng tawad. Okey lang sa akin yung nangyari. Naiintindihan kita, Tae Gi. Atsaka hindi mo kailangan magpasalamat sa akin. Gagawin ko ang lahat para maprotektahan kayo. Isa lang iyon sa mga bagay na gusto kong gawin sa inyo. Ang mapagaling kayo. Yung hindi kayo makakaramdam ng sakit o magkaroon ng sugat."sabi ko sa kaniya. Tinulungan kong tumayo siya.

"Thank you, Sandara. Thank you!" sabi niya at niyakap ako.

"Basta tulungan mo ako kay Josh." sabi ko sa kaniya. Nagtaka naman siya.

"Sino si Josh?" takang tanong niya bago kumalas sa pagkakayakap.

"Mj. Gusto ko siyang pahirapan. Kilala ko kasi yung mate niya. Gusto kong mainis siya. Tulungan mo akong pahirapan siya para makuha yung mate niya." sabi ko sa kaniya kaya napatawa siya.

"You're funny. Bakit gusto mo siyang pahirapan?" tanong ulit niya. Bakit puro siya tanong?

"Para malaman ko kung karapat-dapat ba siya kay Limiah. Sa pinsan ko. Hindi man halata pero I love my cousin. Kahit ngayon ko lang siya nakasama." sagot ko. Napangiti naman siya.

"Punta na tayo sa kwarto. Baka patayin na ako ng mate mo. Kawawa naman si Kc." nakangising sabi niya bago ako inakbayan at pumunta na sa kwarto.

"Hey guys. Bati na kami ni Sandara." anunsyo ni Tae Gi kaya napatigil ang lahat bago nagsigawan.

"Im so happy for you, my man." sabi sa kaniya ni Kc. Siya kasi ang unang lumapit sa amin.

"Thank you, my woman." wahh! Ang ganda ng endearment nila. My man at my woman. Ang sweet.

"Congrats, bro!" sigaw ni Troy at Bo Won. Kumakain sila ng prutas doon sa kama. Haay! Ang takaw nila. Myghaad!

"You looked stress, Dara." napatingin ako kay Josh ng magsalita siya sa tabi ko. Hindi ko namalayan na lumapit siya sa amin.

"Hindi naman. Hindi ako stress noh! Ikaw ata?" nangaasar kong sabi. Umiling naman siya.

"Congrats, Tae Gi." bati niya kay Tae Gi na tinanguan lang siya.

"Congrats, Kuya Tae Gi." bati naman sa kaniya ni Justin.

"Bakit ang big deal sa inyo ng pagbabati namin ni Tae Gi?" tanong ko sa kanila.

"Ganyan kami kapag may nagbabati sa amin." sagot sa akin ni Josh kaya napatango ako.

"Pwede mo nang tanggalin ang kamay mo sa balikat niya, Tae Gi." malamig na sabi ni Yuri.

"Bakit naman?" ako ang nagtanong sa kaniya noon. Doon ko lang napansin na tumahimik sila.

"Bawal niyang hawakan ang akin. Kapag hindi mo pa tinaggal iyan, mapuputol iyan." banta ni Yuri kay Tae Gi kaya dali dali niya inaalis ang pagkakaakbay niya sa akin.

Hinila ako ni Yuri papalapit sa kaniya. Iniikot niya. Ang mga braso niya sa bewang ko. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin. Shete! Yung kamay niya! Nakayakap sa bewang ko!

"Wag ka masyadong lumapit sa mga lalaki. Nagseselos ako." sabi niya sa akin na ikinapula ng mukha ko.

Zeal Academy: School Of Wizardsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें