Chapter 22

443 36 0
                                    

Anim na ang nakalipas mula ng matapos ang pasko. Im thanking God na nagustuhan nila ang regalo ko. Naaalala ko pa ang mga reaksyon nila ng makita ang regalo ko para sa kanila.

"Its my turn to give my gifts!" I happily said.

"What's mine?" excited na tanong ni Bo Won. Ibinigay ko sa kaniya ang isang velvet box.

"Wahh! Ang ganda! I will always wear this one, I swear!" masayang sabi ni Bo Won kaya napangiti ako ng todo.

"For Limiah and Josh. Magkasama na iyong inyong dalawa. Always wear it." kinuha naman nila ang ang red box na naglalaman ng couple ring.

"Te amo, Mi Amor? Really? Its simple but beautiful. Thank you, Dara. Its like engagement ring." Manghang sabi ni Josh na sinangayunan naman ni Limiah. Ngumiti lang ako sa kanila ng matamis.

"This is for Kc and Troy." I gave them a bottle of purfume. Inamoy nila ang laman ng bote. Parehas silang napangiti.

"Is this organic? This is our favorite! Right, Troy?" tumango naman si Troy bilang tugon.

"Yup. Bihira lang daw ang halaman na iyan kaya binili ko na." sabi ko. Napangiti naman silang dalawa at nagpasalamat.

"Eto naman ay para kay Tae Gi." ibinigay ko sa kaniya ang ukalele na may gift wrapper pa.

"Oh! Its ukalele. Nasira yung akin pero pinalitan mo. Its simple but beautiful. Thank you, Sandara. Thanks." sinubukan niyang patugtugin ito at napangiti siya.

"Justin, for you." hindi ko na binalutan ang regalo ko para kay Justin. Baka kasi hindi makahinga yung rabbit.

"Waah! Its beautiful, Ate Sandara! Meron ding pagkain at vitamins! I will name you Jusy!" napatawa kami sa kakyutan ni Justin.

"And this is for Yuri. I hope you like it." nakangiti kong sabi at ibinigay sa kaniya ang regalo ko.

"Wow! Its big!" masayang sabi ni Yuri. Pero nung tinaggal na niya ang gift wrapper nagtawanan sila.

"A teddy bear. Yunicho? Really, Nichole?" sarcastic niyang tanong kaya tumango ako.

"Yeah. Combination ng name natin, duh!" maarte kong sabi. Kaya nagtawanan sila.

Until now, hindi ko pa din nakakalimutan iyon. Kung sabagay, six days pa lang naman ang nakararaan.

"Eyy. May susuotin ka na ba para mamaya, Sandara?" tanong sa akin ni Kc bago umupo sa tabi ko.

"Wala pa. Bibili pa lang siguro ako ngayon." sagot ko kaya nakatanggap ako ng hampas galing sa kaniya.

"Gaga! Bakit hindi ka pa bumili? Mamayang 7 p.m ang New Year's Ball! Sasamahan na kita. Bilis!" hinila niya ako paalis ng dorm namin. Buti na lang talaga naisipan kong magdress ngayon.

Nandito kami ngayon sa pamilihan. Dito ako noon bumili ng regalo sa kanila kung hindi niyo naaalala. Pumasok kami sa bilihan ng mga gown. Ghad! Ang sakit ng braso ko kakahila niya! Mapuputol na ata.

"Mamili ka na lang ng kung anong gusto mo. Tapos punta ka sa akin kapag nakapili ka na." tinulak na niya ako papunta doon sa mga gown. Muntikan pa akong madapa kung hindi ko lang nabalanse ang sarili ko.

Maraming uri ng gown ang narito. May ball gown, night gown, at kung ano anong uri ng gown.  Wala naman akong alam sa mga gown gown na iyan. Ang alam ko lang ay isinusuot iyan kapag may birthday o kaya party o ball.

Napili ko ang isang itim na gown. May mga diamond ito. Ang gara nga tignan ehh. Mukhang mamahalin pero bibilhin ko pa din. Ipinakita ko iyon kay Kc. Okey daw. Maganda daw. Bagay na bagay daw sa akin kaya napangiti ako.

Zeal Academy: School Of WizardsWhere stories live. Discover now