Chapter 18

545 31 1
                                    

Andito ako ngayon sa kwarto ko. Inuulit ko. Sa kwarto ko. Nakabalik na kasi ako sa dorm last month. You know what, guys? December na! Malapit na ang paskoo! Whoohoo! Yehey!

"Are you happy with me, Nichole?" napalingon ako sa katabi ko ng magsalita siya. Duh! Ako hindi happy? Sino may sabi? Suntukan kami.

"Ano bang pinagsasabi mo, Yuri? Syempre masaya ako. Kung hindi naman sasabihin ko kaagad sayo. Atsaka dream come true toh, noh! Noon pangarap ko lang na maging akin ka, ngayon natupad na! Sobrang saya ko nung maging tayo, Yuri. Sobra. Kahit hanggang ngayon, sobrang saya ko. Lagi mong pinaparamdam sa akin na sobrang mahal mo ako." nakangiti kong sambit sa kaniya. Napangiti naman siya. Ayieeh! Kinikilig siya!

"Me too. Sobrang saya ko, Nichole. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. I love you." shete! Kinikilig ako! Hooh! Para paring first time na sinabihan niya ako ng ganun.

"Borahae, Yuri. I purple you." nakangiti kong sabi. Napakunot naman ang noo niya. Senyales na hindi niya gusto ang naging sagot ko. Sa loob kasi ng isang buwan, nakilala ko siya ng lubusan. Sweet, caring, mapagmahal, possessive, madaldal at malambing. Daig niya pa nga ang babae eh!

"Tsk! Ayaw mo pa din bang gawin natin ang ritual? Its been a month, Nichole." tanong niya kaya napaayos ako ng upo. Lagi niya iyang tinatanong sa akin.

"Gusto mo na ba? Pwede naman natin gawin mamaya. Sabihin natin sa kanila Tiya para matulungan nila tayo." napatango naman siya at yumakap sa akin.

Ganyan iyan si Yuri. Mahilig humiga sa hita ko at mangyakap. Nakahiga, nakatayo, at nakaupo. Pero kapag kaharap namin iyung iba, nakaakbay o nakahawak lang sa kamay ko at hahalik-halikan ang ulo ko.

Hanggang ulo, kamay at noo lang ang pwede niyang halikan. Sabi niya. Kapag nagawa na daw namin ang ritual dun lang daw niya ako hahalikan sa ilong at labi. Nirerespeto daw niya ako. Ang sweet niya noh? Hindi ko maiwasan kiligin. Ang sweet at ang bait niya sa akin. Mainggit kayo please?

"Sandara? Andiyan ka ba?" nasundan ito ilang katok sa pinto.  Tumayo ako at lumapit sa pinto para buksan.

"Oh? Bakit, Limiah?" nakangiti kong tanong dito.

"Bumaba ka na. Hinahanap ka ni Mom and Dad. Hahanapin ko pa si Akiro." aalis na sana si Limiah ng pigilan ko siya.

"N-nadito si Yuri. Sabay n-na lang k-kami b-bababa." nahihiya kong sabi sa kaniya. Shems! Bad influence ako! Anong sasabihin niya?

"Anong ginagawa niya diyan, Sandara?" kunot noong tanong niya sa akin kaya napayuko ako.

"N-naguusap lang k-kami. Typical couples." nakayukong sagot ko. Tumango siya at umalis na. Whoh! Nakahinga din ng maluwag.

"Yuri, tayo ka na. Tinatawag daw tayo." sabi ko sa kaniya pagpasok ko. Tumayo na siya at lumapit sa akin.

Sabay kaming bumaba. Pinipilit hawakan ni Yuri ang kamay ko pero binabawi ko sa kaniya. Kapag aakbay siya inaalis ko din. Ayun nainis kaya nauna siyang bumaba kaya napailing ako. Haay! May susuyuin na naman ako mamaya kasi may nagtampo.

Pagdating ko sa sala ay umupo ako sa bakanteng upuan katabi ni Bo Won na kaharap ni Yuri. Lihim akong napatawa sa sama ng tingin niya.

"May pinag-awayan ba kayo ni Akiro?" bulong sa akin ni Bo Won. Napansin siguro niya na ang sama ng tingin sa akin ni Yuri.

"Nainis siguro sa akin." natatawa kong bulong pabalik.

"Ehem. Nandito kami ngayon para sana magtanong kung kailan niyo gagawin ang ritual, Dara? Naunahan na kayo nila Kc at Tae Gi." seryosong sabi sa amin ni Tiyo.

"Pwede po bang mamaya? Gusto ko na po kasing gawin mamaya. Hindi na po kasi makapaghintay si Yuri." nakangiti kong sabi. Natawa naman sila sa huling sinabi ko kaya nakatanggap ako ng isang masama na tingin.

"Oo. Pwede. Kung ganoon, sasama ka sa aming mga babae. Habang si Akiro naman ay sasama sa kay Miguel." sabi ni Tiya.

Bigla naman akong hinila nila Limiah paalis sa kinauupuan ko. Dinala nila ako sa kwarto ni Kc. Ewan ko kung saan nila Tiyo si Yuri.

"Ang tagal ko nang hinintay na mangyari ito, Cass. Inabot ka na ng isang buwan bago magdesisyon. Naunahan ka pa tuloy ni Kc. Ikaw naman Limiah, hwag ka na muna. Hayaan mo muna si Mj." nakangiting sabi ni Tiya. Natawa naman kami.

"Sa totoo lang, Tiya. Kinakabahan ako." honest kong sabi kay Tiya. Natigilan naman siya.

"Lahat naman kinakabahan, Hija. Naramdaman ko na iyan. Pero kapag kasama mo na ang mate mo, hindi mo na iyon mararamdaman." aniya habang nakangiti. Nabawasan naman kahit papaano ang kaba ko.

"Habang ginagawa niyo ang ritual ay mapapalabas ninyo ang inyong mga guardian. Ang mga guardian niyo ang gagawa ng inyong mga kailangan sa ritual. Kaya hwag kang mangamba na baka wala kayong gagamitin, Hija." dugtong pa niya.

"Simulan na natin ang pagaayos sa kaniya, Ma'am." gaya nga ng sinabi ni Kc sinimulan na nila akong ayusan.

Tinulungan nila akong maligo sa bathtub ni Kc. Nilagyan nila ito ng gatas at ng bulaklak. Sobrang bango. Nilagyan din nila ng scented candle kaya mas lalong bumango. Bawal ko bang inumin ang gatas diyan sa bathtub?

Inisa isa nila ang pagtanggal ng aking kasuotan at iniipit ang aking buhok bago ako inalalayan lumusong sa paliguan. Hindi ko maiwasan mahiya. Nakita nila ang buo kong katawan na walang saplot ni isa.

Sinimulan na nila akong paliguan. Hinahagod ni Tiya ng sabon ang aking likod. Sabon ba iyon? Bakit parang bato?

Hinahagod din ni Limiah ang aking binti gamit ang bato. Hindi ko maiwasan makiliti sa ginagawa niya. Ngayon ko lang nalaman na may kiliti pala ako sa binti.

Pinapabango naman ni Kc ang aking buhok.  Kailangan bang ayusan kapag gagawin ang ritual? Ganito din ba ang ginagawa nila kay Yuri? Napangiti ako sa aking naisip.

Hindi ko mapigilan magtaka. Hindi naman ginanito si Kc at si Tae Gi ng gawin nila ang ritual. Hindi naman sila masyadong inayusan. Sa aking pagkakatanda ay nasa kwarto lamang sila ni Tae Gi ng gawin nila ang ritual.

Nang matapos na akong paliguan ay inalalayan nila akong pumunta sa upuan na nakaharap sa salamin(pasensiya na, hindi alam ni author kung ano ang tawag doon.) na puno ng kung anong mga make-up.

Nagkaniya kaniya na silang gawain muli. Nilalagyan ni Tiya ng make-up ang mukha ko. Sinabi ko sa kaniya na ayaw kong kapalan niya iyon. Hindi ako sanay na siyang sinunod ni Tiya.

Sinusuklay naman ni Kc ang aking buhok para maging maayos. Pinatuyo niya ito bago hinayaan nang nakabagsak. Pinakita nito ang tunay nitong kulay. Ang kulay blonde. Kinukulayan ko lang kasi ang buhok ko ng itim.

Nililinis naman ni Limiah ang aking mga kuko sa kamay at paa. Inaayos niya iyon. Hindi naman niya ito nilagyan ng kulay.

Nang matapos sila ay naghanap na sila ng aking gagamitin na damit sa damitan ni Kc. Napili nila ang isang kulay puti na hinaluan ng itim na night gown. Isa lang ang masasabi ko. Napakaganda nito. Sobra. Hindi ata babagay sa akin ito.

Pinilit nilang ipasuot iyon sa akin kahit tumatanggi ako ngunit sa huli ay sila ang nanalo. Kukunin ko na sana yung salamin ko ng kunin ito ni Tiya at binasag. Sinabi niya sa akin na hwag na daw akong gagamit noon. Sumunod na lang ako tutal hindi naman talaga malabo ang mga mata ko.

Hinila ako ni Limiah sa tapat ng isang full-length mirror bago ako sinuotan ng sapatos. Hindi ko mapigalan na mapatulala. Ako ba talaga ito?

Zeal Academy: School Of WizardsWhere stories live. Discover now