Chapter 20: Farewell

6.8K 234 122
                                    


CHAPTER TWENTY

Farewell


SH*T.

Isa pa, Ra. Isa pa.

"Itaas mo ha," bilin ko do'n sa batang pinaghahagis ko ng bola sa net.

"Ayaw mo po ba magpahinga Ate? Limang oras ka nang takbo nang takbo at talon nang talon baka mapaano ka na po n'yan," nag-aalalang sabi niya sa 'kin.

Ngumiti lang ako at ginulo ang buhok niya. "Kailangan eh."

Nakailang ulit pa siya nang paghagis ng bola at sa wakas ay natatamaan ko na ang mga bola at nagagawa ko na siyang paluin ng sobrang baon sa kabilang court.

Pero hindi pa rin ako nakuntento. Lumipas pa ang sumunod na dalawang oras at nagpatuloy lang ako sa pagpa-practice ng pagtalon at pagpalo ko. Kailangan kong sanayin ulit ang katawan kong mapagod.

"Yes!" masayang sigaw ko nang makuntento ako sa palo ko.

"Grabe Ate, ang husay mo. Varsity ka po ba?" tanong pa niya.

Hindi ako sumagot at ngumiti lang ulit ako. "Thank you ha?" sambit ko saka ko siya binigyan ng 500 pesos. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat at tuwa nang matanggap niya iyon.

"Maraming salamat po, Ate!"

"You're welcome. Ingat ka ha," nakangiting sabi ko sa kanya saka ko siya tinapik sa balikat bago siya tuluyang umalis.

"Why didn't you call me?"

I whirled around to face Bellamy who just got here.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Good morning."

Pinunasan niya ang pawis ko gamit 'yong face towel na dala-dala niya para sa 'kin.

"Anong oras ka pa nandito?" tanong niya.

"3AM," nakangiting sagot ko.

His eyes widened. "What the hell? You've been practicing for seven hours?"

Tumango lang ako at nagkibitbalikat.

Hinawakan ko ang kamay niya para dalhin siya doon sa gilid kung saan nakalagay 'yong bag ko.

It's been two months since he left the team. And it put me at ease at least because I've seen him having enough rest and sleep compared to those times that he was still a varsity.

Ngayon ay nagagawa niya nang makapag-focus sa acads. Kahit puyat din kami most of the time, hindi na masyadong mahirap para sa kanya kumpara dati.

***

"THANKS," I said, flashing him a smile as he sliced the steak for me.

Bellamy, leaving the varsity, became the hottest issue in Vera University. Everytime they see Bell, they always asked him why he had to leave the team. Pero hindi sila pinapansin ni Bell.

"Can you let me play with you and your teammates in Realgorez?" I suddenly asked. "Malapit naman na summer vacation, uuwi naman siguro sila sa Realgorez," dagdag ko pa.

Natahimik siya bigla.

"You have your teammates in Bell Ville, love. Why don't you play with them instead?"

"I need to play with you and your team in Realgorez. Your men's volleyball team in high school were as powerful as the teams in college. And I need that for my improvement."

To Pay The Price (Belle Ville Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon