Chapter 21: That girl

6.4K 243 50
                                    


CHAPTER TWENTY-ONE

That girl


"NICE, Ra!" sigaw ni Markee nang hindi ma-receive ni Carson ang palo ko.

"Parang 'di ka naman na-injured, Ra," komento ni Nimer kaya napangiti ako. Ang sarap marinig ng mga komento nila habang naglalaro kami.

We're the former volleyball players of Belle Ville High, and I must admit, I have missed them so much!

"Daming kulang sa 'tin pero ayos lang, mahalaga wala si Moyen," natatawang sabi ni Gonz saka sila nag-high five ni Trev. Natawa naman ako bigla doon. Talagang ayaw pa rin nila kay Moyen. Nakakairita kasi talaga 'yong ugali ng isang 'yon.

"Si Betty pala nasaan?" tanong ni Nimer.

"Nag-stop na raw sa pag-aaral 'yon eh. Nabuntis no'ng first sem," kuwento ni Kel kaya natigilan kaming lahat.

Seryoso?

Siguradong malungkot 'yon si Betty kasi 'di na siya makakalaro ng volleyball tulad ng dati. Husay na Libero pa naman no'n.

Muli kaming naglaro at pinagtapat na naman kami ni Gonz.

Ngumisi ako at tinaasan siya ng kilay.

"What was that for, Ra?" natatawang sabi niya kaya tumawa ang kambal ko.

"Badtrip 'yan kasi kanina mo pa bina-block mga palo niya," umiiling na sabi ni Trev kaya inis ko silang binato ng bola.

Ayos na rin siguro na hindi ako nakalaro kasama si Bell at ang teammates niya dati sa Realgorez. Hindi kasi kami natuloy dahil nasa Vera pa si Bell at maraming inaasikaso. Kaya ang nangyari, kina Trev at Gonz ako nagpatulong tapos tinawagan nila 'yong mga dati naming kasamahan sa team dito sa Belle Ville para makapaglaro.

"Palit kaya tayo ng setter?" bigla kong sabi kaya napatingin sa 'kin pareho sina Feem at Trev.

"Seryoso ipapamigay mo 'ko, Ra? Napakawalang kuwenta mo talagang kaibigan," reklamo ni Feem kaya humalakhak ako.

"Joke lang! Game na!" sigaw ko dahil naglalandian na naman sina Trev at si Feem sa may net. Palibhasa pareho silang setter kaya madaling maglandian 'pag magkaharap sa net. Tss.

"Tama na 'yan. Naiinggit si Rara," awat ni Gonz kila Feem at Trev kaya pare-pareho silang nagtawanan.

Kahit kailan talaga 'tong tatlong 'to lagi na lang akong pinagkakaisahan!

"Carson! Miss mo na si Moyen?" pang-aasar naman ni Gonz kay Carson. Agad siyang tiningnan nang masama ni Carson.

"Iyong iyo na, Gonz," seryosong sabi ni Carson kaya nagtawanan kami.

No'ng magsimula na ulit kaming maglaro, sunod-sunod ang palo ni Gonz pero hindi nakakalusot lahat ng palo niya dahil naba-block ni Kel ang iba sa mga palo niya.

Mahusay rin na blocker 'tong si Kel eh.

Nakailang palo ako pero this time, hindi na naba-block nila Gonz 'yong palo ko dahil mas lumalakas 'yong opensa namin kesa sa depensa nila.

Pagkatapos naming maglaro, nag-aya si Gonz na kumain sa bahay nila kaya doon kami dumiretso sa kanila.

"Ayos ah. Parang dati lang," nakangiting sabi ni Markee habang umiinom ng malamig na tubig.

Ganito kasi kami lagi dati, tuwing kakatapos lang ng training or ng games namin, tumatambay kami dito sa bahay nila Gonz. Lagi rin dito ginaganap sa bahay nila Gonz 'yong mga party kapag nananalo kami.

To Pay The Price (Belle Ville Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon