Chapter 2

2.9K 27 0
                                    

Chapter 2

Excited akong lumabas ng kwarto araw ng Sabado. May usapan kami ni Primo na susunduin niya ko ngayon para icelebrate ang aming second anniversary.

Mamayang gabi pa naman ang usapan namin pero maaga akong nagising dahil ginawa ko pa ang assignment ko at balak ko din munang magpunta sa salon para magpaayos. I want to cut my long hair a bit.

Pababa pa lang ako ng hagdan ng marinig ko ang galit na boses ni Mommy.

"Those are just rumors Rafael! Ilang beses ko ba kailangang ulitin iyon sa iyo?" dinig kong pasigaw na paliwanag ni mommy.

Bahagyang nakabukas ang pintuan ng kwarto nila at mula doon ay nakikita kong nakatayo si mommy habang nakapamewang. Hindi ko kita ang mukha niya pero napansin ko ang mabilis na pagbaba at pagtaas ng balikat niya.

Hindi ko narinig kung sumagot ba si daddy dahil bumaba na ako. Hindi na bago sa akin ang mga naririnig kong pag-aaway nila.

Nitong mga nakaraang araw ay kapansin-pansin ang madalas na pagtatalo nila, madalas ay tungkol sa negosyo.

Mommy would always put the blame to daddy who will just shut his mouth until mom is satisfied with her rants.

Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko agad ang kapatid ko na nakahilata sa may sofa. Nakabukas ang TV pero mukhang wala naman ang atensyon nito doon kundi sa hawak na magazine.

Si Margie ay hindi ko tunay na kapatid. Inampon siya nila mommy and daddy noong akala nila ay hindi na sila magkakaanak dahil ilang taon na silang kasal noon ay hindi pa din nabubuntis si Mommy. Well, I don't really know the whole story but according to what I've heard hindi masyadong sang-ayon si mommy sa ideya ni daddy na mag-ampon but daddy insisted the idea, and obviously daddy won. Tatlong taon ang tanda ni Margie sakin at hindi kami malapit sa isa't isa but we're civil.

Dumaan ako sa harapan niya para kunin ang bag ko na naiwan sa may sala, tanda kong dito ko naiwan kahapon. Pag-uwi ko kasi kagabi ay kinausap pa ako ni Mom para sa isang date sa pamangkin ng director ng isang sikat na gallery. Which was of course, I declined as always.

"Aalis ka?" si Margie. Hinarap ko siya pero hindi naman ito nakatingin sakin kundi sa hawak pa ding magazine.

"Oo, salon lang," sagot ko.

Bahagya akong naghintay kung may sasabihin ba siya at ng mukhang wala na naman ay dumiretso na ako palabas.

Ilang oras din ang inabot bago ako natapos magpa salon. I like how my haircut was done. Hindi naman masyadong mahaba ang ginupit pero sapat na para mapansin na nagbago nga. And since today is a special day nagpaayos na din ako ng kaunti. My hair was curled a bit on its end and my nails are also newly painted.

Nag-ikot din ako sa may mall dahil baka sakaling may magustuhan akong bilin. Napadpad ako sa isang international make up brand at parang natakam ako na bumili ng ilang bagong make-up, maybe some nude pallets and tints. I would want to have my lunch here at pagkatapos ay babalik na muna ako sa bahay para magayos na para sa date namin ni Primo.

"Hi Sam." Nilingon ko ang bumati at bumungad sa akin ang nakangising mukha ni David. Please not now, not again.

"Hi." Binati ko naman ito pabalik at agad na din akong pumihit patalikod pero pinigilan niya ako at hinawakan sa may siko.

"David!" bulalas ko. Unti-unti ay hindi ko na naman nagugustuhan ang presensya niya. Agad ko ding iniiwas sa pagkakahawak niya ang braso ko. This isn't the first time that we have an encounter after the scene in the classroom.

Tanda pa ko ng minsang hindi kami sabay umuwi ni Primo dahil may practice pa ito sa graduation ay hinarangan ako nito sa may daan palabas ng eskuwelahan at pilit na niyaya na magkape kasama nito. Pilit akong tumatanggi sa paanyaya niya pero sunod ito ng sunod sa akin. Nataon naman na walang dumadaang taxi kaya hindi pa ako makaalis. We have a car and mommy don't like the idea of me taking a cab but I insisted.

Us Again (Russo Series 1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें