Chapter 25

1.6K 27 0
                                    

Chapter 25

Totoo naman ang sinabi niya, two am and Danica, my manager went back to the club. Primo, suggested that we should eat our late dinner somewhere on the way to my condominium ng marinig niya ang bahagyang biro sa akin ni Danica na hindi pa daw siguro ako nakakapagdinner dahil medyo tumamlay ako. Tinawanan ko lang iyon. Hindi pa nga ako nakakapagdinner pero madalas ko naman iyong ginagawa lalo na pag nagmamadali akong pumunta ng Font. Nakakaligtaan ko na kasi. At ang sinasabing pananamlay ko ay alam kong hindi dahil sa gutom. Pero dahil hindi ko makumbinsi si Primo na ayos lang ako ay natuloy nga kami sa dinner. I rode my car while while he follows with his.

Huminto nga kami ni Primo sa isang bukas pang Japanese restaurant na on the way lang naman. Malapit lang Font pero never pa akong nakakain doon.

I can't deny how the hot ramen brings back the strength I did not noticed I lose. It should just be quick dinner, only if the heavy rains did not pour. Natagalan kami ng dahil doon. May payong si Primo sa kotse niya at pwede din naman kaming ihatid ng staff hanggang sa aming sasakyan pero dahil sa lakas ng buhos ng ulan ay siguradong wala ding silbi iyon. Tiyak na mababasa lang kami kaya pinili na lang namin ang maghintay. Sinamantala na lang namin iyon para mas mapahaba pa ang oras ng pagkain. Kinabahan pa ako na baka may mabuksan na namang usapan kaya naman hindi ako gaanong nagsalita pa, at ipinagpasalamat ko na ganun din naman siya.

We only talk about light things, Font, my parents, his job... I've learned that he got promoted as their company's CEO just a year and a half pagkatapos niyang umalis ng Pilipinas. He continued his works abroad and he went home to the country very seldom and short it's almost unnoticed. And all for the business. Just for few meetings then he'll go back and most are done virtually.

Hindi siya makuwento, pero sa tuwing nagtatanong naman ako ay sumasagot siya. Unti-unti tuloy akong naging interesado sa mga nangyari sa kanya kaya ang ibang tanong ay hindi ko na napigilan.

Their family run so many diversified business, their main line is unto jewelries, the one he takes over after his father. Sobrang popular ang brand nila na isinunod ang pangalan sa kanilang apelyido. Russo. It was modelled by the finest models here and abroad. They started in Asia then they also made it work on the Weterns and now continously soaring high. I admired how he manage to go through the hardships of the responsibilities on his shoulders.

Hindi ko makuhang itanong kung babalik pa ba siya sa ibang bansa para doon ulit tumira. Iniwasan ko ang topic na iyon pero siya mismo ang bahagyang nagbanggit.

He told me that Sec, his younger brother admires the works he has done abroad. He  supports him on that. Reason kung bakit ito naman ang nasa ibang bansa ngayon.

Pareho lang ang magkapatid. Mas madami akong nababalitaan patungkol kay Sec kahit pa hindi sinasadya kaysa sa kanya at halos lahat ng balitang iyon ay patungkol sa iba't ibang achievements sa nagdaang panahon. We maybe not as rich as before but I can say that somehow, connections still remains. Mom and dad still attends to some social gatherings though not as much as before. At maging sa iilang kakilala ay nakakarinig ako ng tungkol sa magkapatid.

Hindi maiiwasan iyon. Their family was already well-known. At ng pagkatiwalaan nga ni Santino Russo ang dalawa niyang anak ay lalo pang namayagpag ang kanilang pangalan maging sa ibang bansa.

Kahit kaunti ay nakaramdam ako ng panghihinayang. My business is doing well so far, pero hindi ko mapigilang maisip na siguro kung kagaya ni Primo o ni Sec ang naging anak ng mommy at daddy ko siguro hindi babagsak ang negosyo. Siguro ay matatag na ito ngayon.

Very unlike now, sinking. Sinubukan ni Margie noon ang tumulong sa business but it was no help. Ako naman ay talagang walang nagawa. Hindi ko nga alam na may malaki na palang problema noon. My parents tried to kept it from me. Kung sana ay sinubukan kong makialam... but it is too late now. Kahit na may magagawa nga ako kung sakali noon ay hindi ko rin naman sigurado kung makakatulong nga ba para mapigilan ang pagbagsak.

Inangat niya hanggang sa dibdib ko ang dala niyang paper bag. "I brought us lunch. I hope you can join me."

Huli na bago pa man ako nakapagreact. Niluwagan na niya ang pintuan at pumasok na kahit hindi pa naman ako pumapayag. "Sandali, Primo. Hindi pwede-"

Natigilan siya. Sinundan ko kung ano ang tinitignan niya at naabutan ko ang magulo kong sala at ang dalawang may kasalanan. Parang pinasok ng magnanakaw ang buong sala ko. Agad namang natigilan sa pag-aagawan sa remote sina David at Suzy at nalaglag ang panga ng makita si Primo. Oh great! Good timing isn't it?

"Madalas silang magpunta dito. Di rin kasi namin alam na pupunta ka pala..." alinlangan kong sabi ng ibinalik niya sa akin ang kanyang tingin.

Hindi nagtagal iyon at muli niyang tinignan ang dalawang nakatulala pa din at nakita ko ang pagtagal ng tingin niya kay David. Tinikom niya lang ang bibig niya at nagpatuloy sa paglalakad na parang wala lang.

"Good afternoon." Maikling bati niya.

"Hi, good afternoon, too. Hindi nasabi ni Sam na pupunta ka pala?" si Suzy ang unang nakabawi at agad na nagbigay sa akin ng makahulugang tingin.

Ngumuso na lamang ako ng hindi matanggap ang kahiya-hiyang sitwasyon na ito.

Narinig ko din ang pagbati ni David kay Primo at agad na nagsimulang pulutin ang mga kinalat nila ni Suzy. Suzy helped hesitantly, ang mga mata ay pabalik-balik sa aming dalawa.

"It's fine. Hindi din naman alam ni Sam."

"Ang mabuti pa ay dito ka na maglunch. Dito rin kami kakain ngayon. Kung gusto mo lang naman..." masayang anyaya ni Suzy. Gusto ko siyang batukan! Ngiting aso siya ng marinig ang 'sure' ni Primo at tumatawa tawa pa ng walang dahilan.

Ah, ganun ah? O, sige.

Alam ko ng lingunin ako ng tatlo ng dumiretso ako papalabas ng unit ko. Hindi ako nahirapan na makita ang hinahanap dahil nandoon lang naman siya sa tapat ng pintuan ko. Nakatayo, mukhang suplado at hindi man lang nakitaan ng pagtataka ng lumabas ako.

"Ah, we'll have our lunch. Sabay ka na..." matapang ako ng lumabas pero ng niyaya ko na si Achelous ay doon ako nakaramdam ng hiya.

Sa kagustuhan kong asarin pabalik si Suzy ay nakalimutan kong hindi naman nga pala kami close ni Achelous. Hindi nga kami pormal na magkakilala.

"It's okay." Matigas niyang sagot. Ako pa ata ang mapapahiya dito.

"Si Suzy ang nag-invite sayo! Nasa loob siya pati si Primo. Safe naman dito sa condo ko."

Akala ko ay mahihirapan pa ako sa pagyaya sa kanya pero nagulat at natuwa ako ng naglakad siya papalapit sa akin. "Thank you, then."

Lumabas din si Primo, sinundan ako at ng nakita ang pakikipag-usap kay Achelous ay nangunot ang noong tumingin sa akin bago kay Achelous.

Achelous then smirked. "Relax. I'm just being invited for lunch," anito ng nakatingin kay Primo.

Walang imik naman kaming bumalik sa loob kasama si Achelous at sabay-sabay naming narinig ang munting tili galing kay Suzy.

Napatakbo pa ako ng bahagya para tignan kung ano ang nangyari. Naabutan naming tatlo ang nakapatong na si Suzy kay David na nakatumba sa sofa. Nakataas ang parehong mga kamay habang hawak ni David ang cellphone ni Suzy.

"Akin na sabi, e!" protesta ni Suzy sabay agaw sa kanyang cellphone sa nakangising si David. Nang maagaw sa hawak nito ay agad na hinampas ang dibdib ni David at agad na tumayo.

Sumunod ding bumangon si David pero nanatili sa pagkakaupo. Nakarinig ako ng isang 'tss' sa likuran ko. At kahit hindi ko lingunin ay alam ko kung kanino nanggaling iyon.

Nagkapalit na ng mukha ang dalawang lalaki sa likod ko ngayon. Si Primo na ang nakangisi habang nakakunot naman ang noo ni Achelous na nakatingin sa gilid. Agad kong nilingon si Suzy. Gulat ang mga mata nito ngayon na nakatingin sa amin, ngayon lang ata napansin ang bagong dagdag.

"What are you doing here?!" bulyaw nito kay Achelous.

Now my turn.

"We're having lunch, remember?"

...

Us Again (Russo Series 1)Where stories live. Discover now