Chapter 31

1.4K 20 0
                                    

Chapter 31

Nang idilat ko ang mga mata ko ay sinalubong ako ng mga namumungay niyang mata. At alam kong ganoon din ang sa akin.

It was a bit long dry kiss.

The moment his lips touched mine, I knew I'd lost it again.

"Sinasagot na kita," halos pabulong lang ang pagkakasabi ko.

Kahit tapos na ang halik ay nanatiling magkalapit ang aming mga mukha. Halos maduling ako sa tuwing tinitignan ko ang mga mata niya sa sobrang lapit.

Hindi siya umimik. Wala ding nagbago sa ayos niya. Hindi ko tuloy sigurado kung narinig ba niya ang sinabi ko.

At paano kung hindi? Uulitin ko kaya... o hahayaan ko na lang na hindi niya narinig?

"Sabi mo... nanliligaw ka, diba?" tanong ko kahit na abo't abot na ang tahip sa aking puso.

"Para sakin hindi pa din tayo naghiwalay..." he said after a long while.

Napigil ko ang paghinga ko. Akala ko hindi niya narinig. Kung ganoon... kami na, right?  Kasi sinasagot ko na siya. 'Cause in courtship, the answer is the key to go to the next stage.

But why does it even feel so awkward. This is the second time around but it is even more awkward than the first time. Lalong nag-init ang pakiramdam ko, parang tuloy ang hirap huminga.

"E, diba kaya ka nga nanliligaw ulit kasi naghiwalay na tayo noon?" I replied as I tried to enlighten the mood. His car is huge but I feel suffocated.

Oh my, this is just way too far from those romantic scenes in the movies I have watched... scenes wherein girls made the relationships official. Kadalasan ay nangyayari ang mga ganoon sa mga espesyal na araw o di kaya naman ay sa mga espesyal na lugar. With the perfect timing, perpect set up l, and all.

Ours was too... awkward. With his car as the venue, the dark parking lot as the scenery and midnight as the timing. Nothing was even romantic in any corner. Was I too easy? Maybe, yes.

"You're mine," he said that with finality. He's so confident on saying that. Like he knew that I will willingly break all the walls made up to protect myself from getting hurt again.

I have said that I'm wiser. I guess I am. 'Cause I don't think that accepting him again is a foul. And I'm not just wiser by doing that... I guess, I am also... braver.

Brave enough to break the rules I made to myself. Because I am ready to indulge myself again to him. To the man I love, ever since.

Malakas na malakas pa din ang kabog ng dibdib ko na mas nagpapahirap sa aking paghinga.

Hinawakan niya ang kamay ko. Inisa-isa niyang haplusin ang mga daliri nito. Kataka-taka kung paanong ang mga kamay niyang kay rarahas tignan sa laki at mga ugat nito ay kayang mag bigay ng napakagaang mga haplos. Kung hawakan niya ang mga kamay ko ay para bang isa itong dyamante na hindi maaaring magkaroon ng kahit na kaunting gasgas man.

"Ano bang ginagawa mo, Primo?"

Huminto ang kamay niya sa isang daliri. My ring finger... kung saan niya isinuot noon ang promise ring na ibinigay niya noong second anniversary namin.

Malamlam ang mga mata niya habang paulit-ulit na hinahaplos ang isang daliri kong iyon. Nakita ko ang sakit na saglit na dumaan sa mga mata niya. Hindi siya madalas magpakita ng ganoong emosyon, halos hindi pamilyar para sa akin sa sobrang bihira niyang ipakita.

"I will keep my promise."

Mas kumalabog ang puso ko. Kung posible lang ay baka literal na narinig ko na ang malakas na tibok nito. His promise... tanda ko pa iyon.

Us Again (Russo Series 1)Where stories live. Discover now