Chapter 36

1.3K 16 0
                                    

Chapter 36

Kung sakali pa lang pinakilala ko kanina ang sarili na girlfriend ni Primo ay ako pa din ang siguradong tataob. She's his fucking fiancee and that's an enough blow for me.

"Samantha, Primo's girlfriend." Sabay taas noong tanggap sa kamay ni Crisan.

"Oh... nice to meet you. By the way, I'm his fiancee."

That's what exactly played on my mind the moment the girls in the group started talking about Primo and his fiancee, Crisana Dowell. A re-enactment of our little conversation before the program started.

At kahit sa sariling hinagap ay hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili. Dahil habang ako pala ang nobya niya ay may iba naman siyang pakakasalan! Putangina!

The belittling feeling I felt leaves a hollow space on my stomach.

Gusto ko na talagang hilahin si Jeremy para lang makauwi na. Nasa gitna ako ng pagyayaya sa kanya o pananatiling tahimik na lamang para naman hindi maging bastos. Nasa mukha niya na nag-eenjoy pa siya sa pakikipag-usap.

Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang i-excuse na lang ang sarili gamit ang gasgas ng pagdadahilan sa comfort room. How I hope it will really give me comfort.

Dire-diretso ang lakad ko hanggang sa makarating sa cubicle. I sat on the bowl cover to calm my mind and body. Kaunti na lang ay talagang manginginig na ako sa lahat ng nararamdaman.

Hindi ko man lang naisip na kahit pa nga hanggang dito ay walang magpapatahimik sa akin.

Tunog ng mga takong ang narinig ko sa labas ng pintuan ng cubicle. Hindi iyon ang gumambala sa akin kundi ang mga sumusunod nilang pinag-usapan.

"I'm sure that's for his fiancee. Crisana's so lucky. Imagine, that's the eldest of the Russo!" rinig ko sa halos patili ng boses ng isang babae. Sinegundahan naman ito ng isa pa.

"I know... if she'll wear that to their wedding she'd probably look like a goddess. Not that she still isn't now."

"Wedding naman agad! Wala pa ngang engagement party. Alam na naman ng lahat na matagal na silang engaged, formality na lang ang kulang."

Their talk goes on and on. This is so hopeless. He's the talk of the town! Or more like, them! Damn that!

Tanga nga talaga ako... Hinayaan ko na naman na masaktan ako. Sa takot ko na dumulas siyang muli sa mga hawak ko ay sinubukan kong pakawalan ang sarili ko sa kanya.

Tinaggap ko na siya pa din talaga. Na walang kwenta ang mga nagdaang taon na inakala kong nakamove-on na nga ako. Dahil hindi naman talaga... hindi kailanman... Hindi nung umalis siya... at mas lalong hindi ng bumalik siya.

Wala nga naman akong alam sa kanya. All the stories I know were just the those that comes from his mouth. He was my all source of what I though concrete information about him. Hindi ako nagtanong sa iba because I don't find that necessary!

Kaya kung hindi ko man nalaman na may fiancee na pala siya ay kasalanan ko din. I didn't do my own research. Because the only thing I did was to trust him... to love and accept him.

Thankfully I didn't cry. Walang ni isang luha ang pumatak sa mukha ko ng lumabas ako sa cubicle na kinaroroonan matapos kong marinig na lumabas na ang mga nag-uusap kanina.

My face still almost look the same as it is when we arrive here. The make-up didn't fail. The only difference that took place is my now stern expression. No trace humor is evident with me. I don't look plain... I look someone who'll punch the first person I would see on my way.

And that person is Primo!

Pagkabukas na pagkabukas ko ng maindoor ng banyo ay siya ang nabungaran ko.

Us Again (Russo Series 1)Where stories live. Discover now