Chapter 16

1.9K 31 0
                                    

Chapter 16

"I'm sorry... I shouldn't have cried," panimula ko.

Mas mahinahon na ako ngayon, wala ng bakas ng pag-iyak kanina. Nang sinabi niyang mag-uusap kami, aaminin ko, kinabahan ako. Kung maaari lang ay ayoko na lang sanang makita siya, pero gaya ng gusto niyang mangyari, siguro nga ay may mga dapat pa din kaming pag-usapan.

"It's fine," aniya.

Huminga ako ng malalim, gabi na kung kaya lutang na lutang ang mga nag gagandahang mga palamuting ilaw na nakasabit sa botanical garden na pinagdalhan niya sa akin. Ngayon lang ako napunta dito kung kaya madaling naaagaw ng mga kung anu-anong nakasabit ang mata ko.

"Ano ba ang... pag-uusapan natin?" tanong ko ng hindi nakatingin sa kanya.

Nawala ako sa sarili kanina at hinayaan kong umiyak ako sa mga kamay niya. Hindi maaaring maulit pa iyon. Nawala lang ako sa kontrol.

"Are you feeling better now?" he asked instead.

"Yeah."

Silence. No one speak for some moment.

"Masaya ka ba?" It's a harmless question, but it made my heart clenched.

"O-oo." Lie. Yes, I thought I am, pero ng bumalik siya... that's when I realized that I'm not really happy.

I'm living well... but not happy.

Kailan nga na ako naging totoong masaya simula ng umalis siya? Wala akong maisasagot.

"I'm sorry," he said firmly but I know that he's sincere.

"For what, exactly?" I asked. For cheating? For leaving? Or for taking me for a fool?

My anger is the only thing that's holding my sanity in place. Without that, I'll be lost.

"For everything, for the pain... for leaving... for being immature." Nakaupo na kami sa isang bench. Bahagya siyang humarap sa akin, pansin ko iyon kahit pa diretso lang sa harapan ang tingin ko.

"It's been years, Primo. Why say sorry now?"

Not that there will be changes if he said sorry earlier but, why now?

Matagal bago dumating ang sagot niya.

"Aaminin ko, nagalit ako. Kaya ng tinanong ni papa kung pwede akong bumalik sa States, bumalik ako."

What?!

Napaharap ako sa kanya. "Ano?! Anong karapatan mong magalit? Ikaw... ikaw ang nagloko kaya paanong sa akin ka pa galit? Ako dapat ang magalit Primo hindi ikaw!" hindi ko sinasadyang tumaas ang boses ko pero hindi ko na din napigilan pa.

Umpisa pa lang ng aming usapan ay ganito na agad.

Mabuti na lamang at halos wala na din namang tao sa kinaroroonan namin. At maging kahit sa malayo, parang tuloy kami lang ang tao dito.

Bakit siya pa ang galit?!

May bakas ng gulat ang mga mata niya ng nagawa ko itong tignan. Even at times like this, I can't help to admire how perfecly sculpted he is. His stares look darker as it's being illuminated by lights on the lamp post.

He looks shocked but calm... and dangerous.

"Sweetheart, what? I never cheat on you," he claimed. Mahinahon pa din ang boses niya.

Hindi ko tuloy mawari kung matatawa ba ako o magagalit. Pero sa huli, gusto kong matawa, at ganoon nga ang ginawa ko.

I laughed a bit, full of sarcasm.

Us Again (Russo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon