Chapter 33

1.2K 16 0
                                    

Chapter 33

Kabado ako habang isinasaayos ang mga salitang nasa isip para makapagpaalam ng mahusay.

"...good morning..."

He did not answer right ahead but I know his listening 'cause I can hear his bit heavy breathing.

"Mornin' too," he said firmly.

"Uh, kasi... ipapaalam ko lang sana sayo na may lakad... ako mamaya. Nakalimutan kong sabihin kahapon. It's for an auction party and I was invited by a friend... last week pa."

I think the last sentence is important. I am indirectly telling him that I was invited bago pa naging kami.

"Gusto ko lang na malaman mo. It is big party. There would be media. Ayokong sa mga pictures mo lang makita..." hindi maganda ang ala-ala naming pareho patungkol sa pictures. I want to be careful this time.

"... pero kung ayaw mo naman... hindi na lang ako tutuloy." pagkabig ko. Hindi ko nga lang alam kung papaano ko bibiguin si Jeremy. He's a nice guy.

"Sinong kaibigan?" tanong niya kalaunan. Sa tingin ko ay hindi nga siya papayag. Naiintindihan ko naman iyon. Ayoko din namang makita siyang may ibang babaeng isasama sa mga party.

"Si Jeremy Amoroso. Nagkilala mo na siya... siya yung kasama ko noon sa restaurant."

His heavy sighed told me that he wouldn't agree with it.

"Can I drive you to the venue?" I got surprised with his little request. Akala ko talaga ay hindi siya papayag.

Muli naman akong nadismaya para sa kanya. "If it's okay... Jeremy offered me a ride."

Kinagat kong muli ang labi ko. Mas gusto ko naman na siya ang makasama ko pero gaya nga ng sinabi ko ay nauna na akong pumayag kay Jeremy. At bukod pa doon ay gusto ko din na linawin sa kanya ang lahat. That I can only offer him friendship. He didn't cross the line, yet, but I want to clear everything before anything happens.

"Alright. Pero ako na ang maghahatid sayo pauwi," muling niyang suhestiyon.

"Sige. Kung okay lang." Wala naman kaming usapan ni Jeremy tungkol sa pag-uwi ko kaya ayos lang na si Primo na ang maghahatid sa akin pauwi, at isa pa, gusto ko din siyang makita.

Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin. I'm wearing a luxury creamy tube long gown with a high slit on the right leg side. My hair is on updo with some strands falling freely on my face to give a nice frame. I looked at my back and saw how the cream colored dress complemented my creamy skin.

Nasa ibaba na si Jeremy ayon sa huli niyang text. Bahagya akong nagmadali para naman hindi na siya maghintay pa ng matagal.

"Pasensya na, pinaghintay pa kita," bati ko kay Jeremy ng makita ko siyang nakatayo sa gilid ng kanyang Chevy.

"No, wala 'yon. At ako naman talaga itong maaga. Excited na kasi akong makita ka," aniya.

"And wow! You look... so wonderful. I can't imagine how I managed to made you say yes with this date." May pagkapabiro niyang bati.

Ngumiti naman ako pabalik at binati din siya sa kanyang pormal na pormal na ayos. Maging ang ayos ng buhok niya ay iba sa pababa nitong ayos noong una kong makita. Ngayon ay nakataas ito at nagpapakita ng maganda niyang noo.

Jeremy open his car's door for me. Bago ako makapasok ay may napansin akong galaw sa bandang likuran. Baka guni-guni ko lang naman dahil agad namang nawala.

We arrived at the venue a bit late. Madami na ang mga tao at ang mga media personnel ay nagkalat na sa bandang papasok ng bulwagan. Nakasilaw ang mga flash ng camera ng naging sunod-sunod ang tama nito sa aking mata. Kahit naman hindi ako madalas na umattend sa mga ganitong event ay masasabi kong pamilyar ako sa lahat ng nagaganap.

Us Again (Russo Series 1)Where stories live. Discover now