Chapter 5

2.2K 30 0
                                    

Chapter 5

Devastated and scared... alone.

Mabilis na oras lang ang lumipas at agad ko ding natakasan si David, o marahil ay hindi na din naman niya ako sinundan. Galit na galit ako sa kaniya at takot na takot din ako para sa aking sarili.

Paano kung hindi ako nagising?! Nagimbal ako sa kung anong posibilidad ang nangyari kung hindi ako nagising kanina. Hindi ko na dapat isipin pa iyon. Mas mahalaga na makaalis ako dito at baka habulin pa ako ni David.

Lakad takbo ang ginawa ko para lang makaalis ng mabilis. Nang sa tingin ko ay bahagya na akong nakalayo mula sa pinanggalingan ay huminto ako para habulin ang hininga. Hingal na hingal ako hindi lang dahil sa pagtakbo kundi maging dahil sa takot.

Matapos kong pilitin ang sarili na kumalma ay mas naging maayos na ang paghinga ko. Ngayon ko lang din napansin na nasa may parking lot lang pala ako ng club na pinuntahan namin. Medyo malawak ang parking lot dahil sa isang sikat na exclusive bar kami nagpunta. Now I wonder kung wala man lang bang nakahalata sa mga kasama ko na nawawala ako.

I searched for my phone to call Primo only to find out that my bag isn't with me. Kahit na gulong-gulo ako ng magising kanina ay sigurado ako na hindi ko nakita ang bag ko sa sasakyan ni David. Kung ganoon saan ko ba nalagay ang bag ko? Nandoon lahat ng gamit na dala ko.

And just like a replay, naalala ko na huli kong nahawakan ang bag ko sa loob ng bar, noong binabasa ko ang huling mga message ko kay Primo. Tama! Bago ako nagsayaw kanina ay ipinasok ko ang cellphone ko sa sling bag ko na ipinatong ko naman sa couch. Naiwan ko sa bar ang bag ko.

Nakita ko pa ang sasakyan namin na ginamit kanina kaya sigurado ako na nandito pa ang mga kasama ko at maging si Margie.

Agad akong tumakbo papasok ng bar, binalewala ang paghingal. Pagkapasok ko sa loob ay agad kong hinanap ang inuupuang couch kanina. Hindi naman ako nahirapang makita iyon. Sana naman ay hindi nawala.

Habang naglalakad papunta sa couch ay may mga tumawag pa sa akin pero binalewala ko na lang, kailangan kong makita ang bag ko. Baka nagmessage na si Primo. At kailangan ko ding magsumbong kay Primo ng tungkol sa nangyari.

Laking pasasalamat ko ng pagdating ko sa inuupuan kanina ay nandoon pa din naman ang sling bag ko. Nakahinga ako ng maluwag na wala namang kumuha. Wala pa ding nakaupo sa couch na inuukupa namin kanina pero bakas pa din ang naging inuman kanina. Mukhang nasa dance floor pa din sila.

"Oh, Sam. Di ka ba magsasayaw?" tanong sakin ni Mitch, isa sa mga kasama ko kanina. Naglalakad siya ngayon pabalik sa couch. Pasuray-suray na ito ngayon habang bitbit pa sa isang kamay ang sa tingin koy cocktail.

"Uhm, matagal ba kong nawala?" imbes ay tanong ko, binalewala ang nauna niyang tanong. Gusto kong malaman kung may nakapansin sa akin kanina.

"Ha? Bakit, umalis ka ba?" balik na tanong naman nito. So, wala pa lang nakapansin na nawala ako kanina.

Umiling na lang ako bilang tugon at sinukbit na ang sling bag sa aking balikat.

"Uhm, Mitch mauuna na ako. Pakisabi na lang kay Margie."

"Bakit naman Sam? At saan ka sasakay?"

"Magtataxi na lang ako. Nakalimutan ko may gagawin pa pala akong assignment para bukas," sagot ko na lang para makaalis na.

Nakita ko din ang blazer na suot ko kanina katabi ng bag ko kaya naman sinuot ko na ulit ito ngayon.

"Okay, sige ingat ka. Sure ka ha?"

"Oo naman. Sige Mitch, bye." Nakipagbeso pa ako sa kanya bago tuluyang tumulak papalabas.

May dala kaming sasakyan kanina pero dahil mauuna na akong umuwi ay magtataxi na lang ako. Si Margie ang nagdrive sa amin papunta sa club pero dahil nakainom ay baka papuntahin na lang niya ang driver namin mamaya para ipagmaneho sila pauwi.

Nang tignan ko ang oras sa cellphone ko ay nakita kong alas dos na ng madaling araw. Ang akala ko pa ay mahihirapan akong kumuha ng taxi, mabuti na lang at hindi naman nagtagal ay may huminto na agad sa harapan ko.

Matapos sabihin ang address ay mariin kong ipinikit ang mga mata. Sinusubukan kong mag-isip ng matino tungkol sa nangyari kanina. Nakakatakot iyon para sa akin. Hindi ko akalalin na magagawa akong bastusin ni David ng ganoon dahil simula noong nagkasundo kami na titigilan na niya ako ay tumupad naman siya sa usapan.

This is insane.

Muli kong naramdaman ang sakit ng ulo ko pagkaapak ko sa aking kwarto. Mabigat na mabigat ang ulo ko at agad na lang akong lumundag sa kama. Bukas ko na lang itutuloy ang pag-iisip.

Maaga akong nagising kinabukasan. Sabado ngayon at wala akong pasok kaya din ako napapayag ng mga kaklase ko na lumabas kagabi. Sapo ang ulo ay agad akong pumasok ng banyo para maligo.

Ang pagdaloy ng maligamgam na tubig ay pumapawi sa bigat ng pakiramdam ko.

Nagtagal pa ako sa paliligo at kung hindi ko pa naalala na hindi ko pala namessage si Primo ay baka hindi pa ako agad na natapos.

Agad kong inilabas ang cellphone ko mula sa sling bag. Inasahan ko na mayroon na akong natanggap na mensahe galing kay Primo pero wala pa rin.

Dismayado kong ibinaba ang cellphone ko. Ang kagustuhan kong imessage si Primo ay nawala ng makitang wala pa ding bakas ng kahit akong mensahe galing sa kaniya. Ilang araw na nga ba kaming walang komunikasyon?

Kung kailan kailangan ko siyang makausap ay saka naman ako walang balita mula sa kaniya. Bahala siya. Hindi ko na siya ichachat o tatawagan pa. Kailangan niyang bumawi sa akin.

Ang kaisipan kong iyon ay lalo lang nagpabagabag sa akin. Ano na ba ang nangyayari sa kaniya?

Kahit na hindi ko naman masyadong kaclose ang kapatid niyang si Sec ay nagawa ko na itong itext noong isang araw para kumustahin ang lagay ni Primo. Pero kagaya ko ay wala din naman siyang balita. Ang alam lang daw niya ay busy ang kuya niya sa pagmamanage ng business nila sa State. Argh!

Para mabawalan ang aking sarili na huwag nga siyang tawagan ay inilayo ko pa ang cellphone ko sa akin. Ipinatong ko ito sa aking dresser habang ako naman ay naupo na lang sa paanan ng kama matapos magbihis.

Lalabas na sana ako ng aking kwarto ng tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko itong binuksan sa pag-aakalang kay Primo galing iyon. Siguro naman ay naalala na niya na may girlfriend siyang naghihintay dito sa Pilipinas.

Kahit na naiinis ako sa kaniya ay hindi ko naman maitatanggi na miss na miss ko na siya. Ako na ang marupok.

Pero ang kaunting saya ay agad na napalitan ng galit ng makita ko ang message para sa akin. Galing ito sa isang sa tingin ko ay fake account sa facebook dahil hindi ko maispelling ang pangalan ng sender, mukhang sinadya lang itong gawin para magmessage sa akin.

Hindi text ang natanggap ko, kundi larawan ni Primo... sa isang bar, habang nakahawak sa bewang ng isang matangkad na babae at ang mga kamay naman ng babae ay nakahawak sa kaniyang braso.

Agarang dumaloy ang init ng aking galit sa aking katawan. Hindi ko maialis ang mga mata ko sa larawang iyon. Parang sinasadya ng katawan ko na huwag alisin ang tingin doon para ipakita sa akin ang dahilan ng panlalamig ni Primo.

Ito ba? Ito ba ang dahilan kung kaya hindi na niya ako kinocontact?

Hindi ko maaninaw ang mukha ng babae dahil bahagya itong nakatalikod. Pero si Primo, kilalang kilala ko ang tindig niya, at hindi ako magkakamali na siya nga ang nasa picture.

Pero kahit na papaano ay pilit kong tinatagan ang sarili. Baka naman hindi siya yon diba? Kahit na alam ko sa sarili na siya nga iyon ay pilit ko pa din siyang ipinagtatanggol sa sariling isip. Gusto ko pa din itanggi sa sarili ko na siya nga iyon. Ayaw kong maniwala na siya nga iyon! Nagpapakatanga pa din ako.

Pero hindi nagtagal ang pag-asang iyon ng may dumating na namang isang mensahe galing sa iisang account.

At sa pagkakataong ito kahit na anong pilit ang gawin ko ay hindi ko na maitatanggi na hindi si Primo ang nasa larawan. Mas malinaw ito ngayon kitang kita ko na ang nakapikit na mukha ni Primo... habang nasa kama. Walang suot na pang-itaas habang ang babaeng kumuha ng litrato ay nakahiga sa kaniyang braso, nakangiti sa camera habang silang dalawa ay magkasalo sa iisang kumot.

...

Us Again (Russo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon