Chapter 18

1.9K 25 2
                                    

Chapter 18

"Salamat..."

Agad din akong inihatid ni Primo sa basement ng aking condo. Inisip ko pa kung yayayain ko siya sa aking unit, pero sa huli ay hindi ko na s'ya niyaya pa. I guess we're done for tonight. My heart isn't heavy tonight, it's so light that I think there are rainbows and chocolates inside.

Ang pagtatago ko pala sa mga nararamdaman ko sa loob ng mga nagdaang taon ay nagpabigat na sa puso ko. Hindi ko ito namalayan, or maybe, I did. But living with it for years made it seemless, and now that I open up everything, I suddenly felt the wrap of comfort within me.

"Ihahatid na kita sa unit mo." Ang akala ko ay aalis na siya pagkababa ko sa kotse.

"Hindi na... kaya ko na."

"Hindi ako magtatagal, ihahatid lang kita," sa tono na hindi mababali, wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang at sabay na kaming sumakay ng elevator pataas.

The night isn't perfect. I told him everything but I feel like there still some missing part. And I'm pretty sure there is!

Hindi na siya nag salita pang muli matapos ang pag-iyak ko. Wala siyang ipinaliwanag matapos kong sabihin ang dahilan ng pakikipagbreak ko sa kanya noon. He just keep on murmuring his sorry's to calm me down. And heck, it really did!

Wala siyang sinabi upang depensahan ang sarili, pero ng dahil sa init ng yakap niya at mumunting haplos ng mga daliri sa aking buhok ay para na akong nalunod sa kakuntentuhan ng mga oras na 'yon. Nawala sa isip ko ang mga tanong na nabuo ko kanina habang nag-uusap kami. Gaya ng kung alam ba n'ya kung sino ang nag message sakin ng mga pictures, at kung sino din ang nag send sa kanya.

Could it be only the same person? Or not? And even so, anong balak niya? Kung ang pag hiwalayin kami ang dahilan ay naging matagumpay nga siya.

At sino marahil ang posibleng gumawa noon? We have a large group of colleagues, our relationship wasn't a secret to everyone, so it's quite hard to know who that is if our basis are those who wants to meadow in our relationship. He has a lot of admirers! Dammit!

How about we should start with those whose involved?

So that would go down to me, David, Primo then his girl. Should I ask him who that girl is? I guess I should, it's no harm, anyway. And oh, I almost forgot, I'm not alone that night. Madaming kumausap sa akin noong gabing 'yon. Posible din bang ang mga kasamahan ko noong gabing 'yon ang kumuha ng picture para isend kay Primo? Sino naman sa kanila ang may motibo?

Ugh! Even in our group it is not a secret that most of the girls are ogling with Primo, kahit na kami pa. I just didn't mind them 'cause I'm way too confident with Primo. He doesn't give me any reason to get jealous with them as time goes by, noong umpisa oo, pero ng nagtagal na kami ay nasanay na ako na hindi talaga mawawala ang mga nangangarap sa kanya.

Tinotoo niya ang sinabi, pagkapasok ko pa lang sa loob ay tumango na siya bilang senyales ng pag-alis.

"Lock the door. Pahinga ka na." That's what he said before turning around completely and walked away. At kahit sa simpleng bagay na iyon ay nakaramdam ako ng kalungkutan. Hindi ko gusto ang makita siyang nakatalikod at naglalakad papalayo sakin, kaya agad ko na ding sinara ang pinto upang pigilan ang sarili na tawagin siya pabalik.

I sighed heavily.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto ko habang nakaupo lang sa aking kama.

Kasalanan ko, masyado ata akong naging emosyonal kung kaya naman hindi na namin natapos ang usapan at nag-yaya na siyang umuwi. Hindi siguro siya kumportable na ganoon ang naging reaksyon ko gayong siya ay nanatiling kalmante. Pero hindi ko naman kaya ang ginagawa niya! Presensya pa nga lang niya ay hindi ko na kayang kumalma, edi lalo na sa mga ganoong usapan. Siguro naman ay hindi pa iyon ang huli, diba?

Us Again (Russo Series 1)Where stories live. Discover now