Chapter 32

1.4K 14 0
                                    

Chapter 32

Hawak niya ang isang kamay ko habang magkasalikop ang aming mga daliri. Ang umeereng palabas sa TV ay nagsilbi lamang na taga-pagbigay ng kaunting ingay sa pagitan naming dalawa.

I encourage him to sleep for a while dahil mamaya daw ay sasama ulit siya sa Font pero hindi niya ginawa. Gusto ko rin naman pero hindi ko naman gustong mapuyat siya araw-araw kung palagi siyang sasama sa akin.

Nahahilig ako sa kanya habang nakatutok sa aming mga kamay. Napangiti ako ng kusa dahil sa sinabi niya kanina...

"Mapupuyat ka kung pinakita ko kung gaano ako naapektuhan sa mga sinabi mo kagabi."

And in an instant, nawala ang pagtatampo ko. Hindi niya pinagbigyan ang sarili niyang emosyon para lamang hindi ako mapuyat? I'm lucky, eh?

Nagpadeliver kami ng pagkain kanina at sabay kaming naghapunan. Maghapon na siyang nagtrabaho at pagkatapos ay agad na dumiretso dito pero hanggang ngayon ay ang bango-bango niya pa din. Pasimple ko pang idinikit ang ilong ko sa bandang dibdib niya para mas maamoy siya.

I heard him chuckled.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko siyang mapupungay ang mga matang nahuli ang ginagawa ko. Pinamulahan ako ng mukha dahil sa pagkapahiya.

"Galing kang trabaho bago pumunta dito. Hindi ka muna naligo?" walang kwenta kong tanong para lang masalba mula sa kumunoy ng kahihiyan.

Mas natawa pa siya ng dahil sa sinabi ko. I said that so he would feel a little conscious but I think he knows his self very well, or vice versa. Maybe he knows that I'm just trying to save a face.

"I was in a hurry to see you. Didn't got much time last night." he sexily said.

Oh, this man!

Bigla tuloy uminit. Lalo na pag nakikita ko kung paano manliit ang sofa ko ng dahil sa laki niya. He just don't fit in any part of my house! He needs so much space comparing to me.

"Nagmamadali ka kasing umuwi..."

Inipit niya ang ilong ko sa pagitan ng dalawa niyang daliri at saka iginalaw-galaw iyon.

"Kasi mas mahirap ng umalis pag nagtagal pa ko." Mapaglaro niyang sabi at tsaka lang binitawan ang ilong ko. Paniyak na namumula na ito.

Hinampas ko siya ng maghina habang natatawa sa ginawa niya.

Maybe some old habits really due hard, or not at all.

Dahil gaya pa din pala ng dati, sa tuwing inaasar niya ako ay pinangigigilan niyang pisilin ang ilong ko. And my response would still be the same. Little punches he never cared of.

When I stopped throwing my fist at him, he grabbed both of my hands and leaned closer to take a peck on my lips.

"Primo!" Nagulat ako doon pero hindi ko naman masupil ang ngiti ko.

"What?" painosente niyang tanong.

Pinanliitan ko siya ng mata habang siya naman ay tila inosente pa ding nakatingin sa akin.

"Ah, ganon' ha!" Mabilis kong hinila ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya ay ng mabawi ay agad akong pumatong sa kandungan niya at nagnakaw din ng halik. Akala mo, ha!

Natatawa ako habang pinapaulanan ko siya ng mabababaw na halik.

Ngiting-ngiti ako habang nakatikom ang bibig na hinahalik-halikan ko ang pisngi at labi niya. We've never been like this... this is the first time I got to kissed him so many.

Ngunit iba ang gusto niya. He hold the back of my head to prevent me from withdrawing my face as I kissed him again on the lips. He made me stay on place. Deepening the kiss...

Us Again (Russo Series 1)Where stories live. Discover now