Chapter 6

2.2K 31 0
                                    

Chapter 6

Bakit may mga taong kayang manira ng relasyon ng iba?

Malinaw ang mensahe ng litrato sa akin. Kung sino man siya ay tiyak kong alam niya na may relasyon kami ni Primo, kaya nga niya direktang isinend sa akin ang mga iyon.

Ganoon pala, kaya naman pala ilang araw na akong walang balita sa kaniya. Ako na mismong girlfriend niya ay wala man lang alam kung ano na ang nangyayari sa kaniya. Well, iyon ay kung kami pa ngang talaga.

Alam ko na nagtatampo ako sa kaniya dahil sa ilang araw na niyang hindi pagtawag o pagcontact man lang sa akin. Pero kahit na katiting ay hindi ko inisip na posibleng babae ang dahilan.

Tila gusto kong matawa sa sarili sa kabila ng pait na nararamdaman. Masyado ata akong naging kampante sa kaniya.

Sobrang kampante na nakuha ko pa siyang ipagtanggol sa sarili ng makita ko ang unang litrato na isinend sa akin ng kung sino.

Oo, inaamin ko na noong mga unang buwan namin na magkarelasyon ay hindi ako napanatag. Bago naging kami ay madami na ang mga babaeng nakaaligid sa kaniya. Hindi din naman ako ang naging unang girlfriend niya. Ang totoo nga niyan ay kahit na kami na ay hindi pa din naman nawawala ang mga babaeng sinusubukan siyang agawin sa akin.

Pero ang pangamba ko noon ay mabilis niyang nabura sa aking isipan. Ibinigay ko ng buong-buo ang tiwala ko para sa kaniya ng makita ko kung gaano siya kaloyal sa akin, or just so I thought he is.

Sa sobrang kampante ko na hindi niya ako lolokohin ay hindi ko binigyan ng puwang sa isip ko na nambababae na siya ngayon.

Hatinggabi na pero wala pa ding tigil ang pagbagsak ng aking mga luha. Kahit ilang balde na ang naiiyak ko ay hindi pa din nababawasan ang sakit.

Bakit?

Bakit kailangan niya pa akong lokohin? Kung ayaw na niya sa akin ay papakawalan ko naman siya. Kahit na hindi ako handa at masakit ay hindi ko siya ikukulong sa pagmamahal ko kung ayaw na niya. Pero bakit kailangang sa ganitong paraan niya ako nagawang saktan?

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa nakabukas kong bintana ng magkaroon na ng lakas ang nga binti ko para maglakad.

Nakailang tawag na sa akin si Mommy at maging si Daddy kanina pero wala akong gana para sumagot man lang. Nang pumasok sila ng aking kwarto kanina ay naabutan lamang nila akong nakatalukbong ng kumot at inakala nila na meron lang akong hang-over kaya hinayaan na lang din nila akong matulog.

Pero ni hindi man lang ako dinalaw ng antok. Halos buong araw na akong umiiyak.

Bumaba ang tingin ko sa aking mga kamay. Hinaplos ko ang singsing na ibinigay sa akin ni Primo noong nakaraang anniversary namin.

Promise ring huh? Ang kapal ng mukha mo!

Dali-dali kong hinubad ang singsing sa aking daliri. Gusto kong ipukol ito ng pagkalakas-lakas sa nakabukas na bintana.

Pero hindi ko ginawa... hindi ko magawa. Bagkus ay hinawakan ko ito ng mahigpit at inilapit sa dibdib ko. Ang sakit-sakit. Parang dinudurog ang bata kong puso sa sakit.

Hindi nagbago ang pakiramdam ko maging ng kinabukasan.

Margie was all eyes on me while we're eating breakfast. Alam ko na kapansin-pansin ang namumugto kong mata. Nagpasalamat na lang ako na hindi naman siya nagtanong ng kahit na ano. Siguro dahil hindi din naman siya interesado sa kung ano ang nangyayari sa akin.

Wala si Mommy at si Daddy ngayon. Ang sabi ni Manang nang nagtanong ako ay umattend daw sila sa isang conference sa Baguio at baka abutin ito ng tatlong araw hanggang isang linggo.

Us Again (Russo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon