Chapter 8

2.1K 29 0
                                    

Chapter 8

Magdidilim na ng natapos akong gumawa ng assignment sa library. Masyado akong nakafocus sa ginagawa at kung hindi pa ako kinalabit ng library staff ay hindi ko pa mamamalayan na ako na lang pala ang estudyante doon at magsasara na sila.

May mangilan-ngilan na lang ding estudyante ang nakikita kong naglalakad sa hallway, ang karamihan ay kanina pa nakaalis.

Dahil nasa malayo ang tingin ko ay hindi ko agad nakita ang nakaharang na cart ng janitor sa harap ko. Nabangga ako dito at nabitawan ang dalawang libro na dala.

"Sam, ayos ka lang ba?" may narinig akong nagtanong sa akin matapos kong makuha ang mga librong nahulog. Nag-angat ako ng tingin at pakiramdam ko ay tinakasan ako ng dugo sa katawan ng makitang si David iyon.

Wala ng masyadong tao sa gawi namin at nasa second floor pa kami. Naalala ko tuloy ang nangyari sa parking lot noong bar. Dahil sa problema kay Primo ay hindi ko na naisip pang muli ang tungkol doon. Pero ang makita si David ngayon sa harapan ko ay nagbabalik sa takot ko.

"S-sam," tawag niya habang ako naman ay nag-iisip ng paraan kung papaano ko siya malalagpasan.

"I'm sorry, Sam," sambit niya.

"Alam kong mali ang nagawa ko sayo. I crossed the limits and made stupid acts. I'm sorry. I already got shots before I saw you and maybe alcohol got in to me kaya ko nagawa iyon. I hope you can forgive me," dagdag niya.

Mas pipiliin ko ang lagpasan na lang siya kaysa ang pakinggan kung may pagpipilian ako. Pero sapat na ang nakaharang na cart at ang nakatayong si David para maharangan ang dadaanan ko kung kaya ayaw ko man ay narinig ko ang paliwanag niya. But that doesn't justify his actions.

"I'm really sorry Sam. I hope you can forgive me." Forgive?

"David, nakaharang ka sa daan ko," saad ko.

Gumalaw siya at naglakad ng kaunti paatras, sapat na para makadaan ako. Agad kong pinagalaw ang mga paa ko para malagpasan na siya ng hindi nililingon. Nang magawa ko at saka ako nagsalita bilang tugon sa kaniya.

"And I'm sorry too, I can't forgive you, yet," mahina kong sambit, sapat lang para marinig niya.

Hindi na siya nagsalita pa habang patuloy ako sa paglalakad. Nang makalabas na ako ng campus ay inakala kong makakahinga na ako ng maluwag. Pero ang makita ang nakatayong si Primo habang may hawak na boquet ng rosas ay mas lalong nagpasikip sa aking paghinga.

Bakit nandito na siya? Dapat ay isang buwan mahigit pa bago siya bumalik.

Nagawa kong pasadahan ang kabuuan niya. Walang bakas ng ngiti at diretsong nakatutok lang sa akin ang kaniyang mga mata. Hindi ko nakayang tignan siya ng matagal kaya nag-iwas ako ng tingin.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko at hindi ko napigilan ang panginginig ng boses.

"I miss you." Iyon lang ang sinabi niya bago tuluyang lumapit sa akin.

I miss him too, so much. Pero hindi na dapat.

"Ang akala ko ba ay mageextend ka doon? Bakit nandito ka na?" tanong ko sa kaniya ng hindi tumitingin.

Inilagay niya sa mga kamay ko ang bulaklak at mabilis akong niyakap, hindi binigyan ng pagkakataong tumanggi.

Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ng aking ulo.

"I miss you, so much," ulit niya at sinamahan ng marahang paghalik sa gilid ng aking noo. I'll miss this, big time.

Hinayaan ko lang siya. Ninamnam ko ang init ng yakap niya sa huling pagkakataon. Nang kumalas siya ay agad niyang hinawakan ang aking mukha.

Us Again (Russo Series 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora