Chapter 37

1.3K 20 2
                                    

Chapter 37

Wala pa din kaming imikan mula biyahe hanggang makarating kami sa condo ko. Tanging pagtama lang ng takong kong tumatama sa sahig ang nag-iingay habang naglalakad ako papuntang kusina para sa isang basong tubig.

Ah, so refreshing... talagang nakakatulong sa pagpapakalma ang tubig.

Mabilis kong nilagok ang pangalawang baso ng tubig at pabagsak na ibinaba ang baso pagkatapos. I am not that calm at all I guess.

Naupo ako sa couch at hinintay kong makaupo din siya bago ako nagsimula.

Inuulit-ulit ko sa isipan ang pagkalma, to talk maturely.

"You didn't told me, engaged ka na pala." pag-uumpisa ko.

Slow clap for my effort on making my voice as plain as I can. It feel strange...

"Crisana, diba? Iyong kasama mo kanina at noon... sa US? Talagang doon mo pa kami pinagkilala. Alam mo bang diring-diri ako ng makipagkamay sa kanya?" I said, still... calmly.

Nananantiya ang tinging iginawad niya sa akin. May bahid din ng pagtataka at kung hindi ako nagkakamali ay pagkamangha.

"Iyon lang ba ang ikinagagalit mo?" tanong niya na parang wala lang. Bakit wala lang? Dahil ganito talaga ang inaasahan niyang mangyari?

Natawa ako sa tanong niya.

"Lang? Wala lang iyon sa iyo?"

He shifted on his seat. Parang na-wrong move siya sa itinanong.

"That's not what I meant-"

"Stop. Wala na akong pakialam kung big deal o hindi iyon sa iyo, pero sa akin ay oo. May paligaw-ligaw ka pang nalalaman, iyon pala ay ikakasal ka na!" piniligil ko pa ding huwang tumaas ang aking boses. Uh! It is so frustrating. So not me!

May bahid pa din ng giliw sa mga mata niya. Sa tingin ko ay alam niya ang ginagawa kong pagpiligil.

He's taking this lightly, okay.

"Hindi mo man lang sinabi na pupunta ka din pala sa party. You could've at least told me that," I spat.

Huminga siya ng malalim. Itinagilid niya ang ulo niya at tila gusto ng tapusin ang usapan naming dalawa.

"It wasn't on my plan to attend. I'm planning to spend my day with you here. That's what I want. But you told me someone invited you in that party-"

"Liar." It was supposed to be a whisper but it came out loudly. Natigil siya dahil doon.

"You even have the guts to date him on my face. You know what she has done to us-"

"No! I don't date her. I'm with my mom. Nagkita lang kami sa loob ng hall. She's a good friend. Why would I even date her?"

"I don't know! You tell me... And reminder, you just said that you don't have plans to go there but now your using your mom as your alibi."

"I'm not using anyone... and I don't need an alibi. That's the truth. Pumunta ako dahil nandoon ka. Do you really think I can just wait for you calmly?" mabilis na sagot niya.

Bahagya siyang yumuko kaya mas naglapit kami. Nasa dulo na ako ng sofa at wala na akong mausadan.

"I told you who I was with. You don't need to keep your eyes on me just to check I'm not doing anything stupid."

"I know. But I missed you already that I can't wait 'till your done. It isn't about me not trusting but me missing you, badly..."

Ayaw kong maniwala. Iyon ang gusto kong gawin. Pero sino na naman ang niloloko ko?

Us Again (Russo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon