Chapter 13

729 26 0
                                    

"By the way, laki na ng pinagbago mo ah!" 


Magkasama pa rin kami ni Caleb ngayon, at sabay kaming nag-g-grocery. Turns out, may bahay na pala sila ng fiancée niya at matagal na rin silang nakatira roon. 


"Talaga? Paano?" Kunot-noo kong tanong.


"Dati sobrang bata mo pa tignan, pero sabagay bata ka pa noon nung nagpakasal ka," tumawa pa siya.


"Excuse me?" Napalingon ako sa kanya.


"Sige, daan ka na," gumilid pa siya.


"Tangina mo."


Tumawa lang siya at saka siya nag-peace sign.


"Pero seryoso, diba nagpakasal na kayo ni Derrick agad pagtapos ng graduation niyo?" Tanong niya.


"Oo," tumango ako.


"O diba, bata ka pa nga," tumawa pa siya.


"Tsk, oo nalang. Palibhasa kasi ang tanda mo na, pero wala ka pa rin asawa," tumawa ako.


"Sorry, pero magkakaroon na," bumulong siya.


"Invited ba kami sa kasal?" Tanong ko.


"Oo naman, bakit hindi?" Tumawa siya.


"Nice, aabangan ko 'yan," sabi ko.


"Aasahan rin kita," ngumiti siya.


"Hoy, anong pangalan ng asawa mo? Hindi mo pa binabanggit sa 'kin!" Ngumuso ako.


Tumawa lang siya. "Hanep sa asawa."


"Jusko, doon rin naman mapupunta 'yon," sambit ko.


He chuckled again.


"Zara Maureen Floresca," he answered.


Napatulala lang ako saglit. Hindi ko alam ang sasabihin ko.


Ang ganda ng pangalan niya! Tunog mayaman! And she sounds intimidating, I can't wait to see Caleb's fiancée! Hindi ko naman aakalain na magkakaasawa pa pala si Caleb, at doctor pa talaga ang nabingwit niya!


"Lunch tayo later! Kwentuhan mo 'ko ng love story mo!" Nakangiting sabi ko.


"Woopsie, Republic Act No. 10173! An act protecting individual personal information. Comprehensive and strict privacy legislation to protect the fundamental human right of privacy, of communication--"


"Puta, oo na! Oo na!" Tinakpan ko pa ang tenga ko kasi nilapagan pa 'ko ng batas!


Seducing The Bad BoyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora