Chapter 25

1.1K 29 0
                                    

This chapter is R-18.


"Hello, Sev?"


Tinawagan ko si Sev pagkagising ko dahil pakiramdam ko naman ay kasama na niya si Aura. Tinext niya kasi sa 'min kahapon na nakita niya na si Aura, at nag-text na rin sa 'kin si Aura kahapon. Alam kong safe na siya dahil nandiyan naman si Sev sa tabi niya.


"Hello po, Tita."


"K-Kasama mo na ba si Aura ngayon?"


Medyo natagalan pa siya bago sumagot pero um-oo rin naman.


"P-Pakitanong nga kung... kung gusto niya na ba umuwi?"


"Sige po. Siya po ang pagdedesisyunin ko. Salamat po, ingat."


Binaba na niya ang tawag, kaya pinatay ko na rin ang cellphone ko. Napatingin ako sa pintuan nang may pumasok roon, agad kong nakita si Derrick.


Dito ko na siya pinatulog kagabi dahil masyado na siyang pagod kahapon para mag-drive. May mga damit pa rin naman siya dito kaya hindi na niya kailangang kunin pa kela Sean.


"Kaitlyn."


Lumingon ako kay Derrick nang tawagin niya 'ko. Unti-unti siyang naglakad palapit sa 'kin, lumuhod siya dahil nakaupo ako sa kama namin at saka niya ako niyakap.


"Bakit?" Tanong ko.


Hindi niya 'ko sinagot at mas hinigpitan pa niya ang pagyakap sa 'kin, wala na akong magawa kaya niyakap ko na lang rin siya pabalik. Maya-maya ay naririnig ko ang mahina niyang paghikbi sa may balikat ko.


"K-Kaitlyn... Sorry..." Bulong niya.


Napatahimik ako at saka unti-unting bumitaw sa pagkayakap sa kanya, bumitaw rin naman siya at saka ako tinignan diretso sa mata. Kita ko ang sakit at pighati na dumaan sa kanyang mga mata. Habang pinapanood ko siyang umiiyak sa harapan ko ay parang tinutusok ng karayom ang dibdib ko.


Napag-usapan na namin 'to, e. Okay na pero bakit binabalik niya pa rin?


"Sorry talaga dahil hindi kita nabibigyan ng oras... hindi ko nabibigyan ng oras ang anak nating dalawa. I was irresponsible... ni hindi ko nga alam kung bakit tayo nagtagal ng ganito. Kung... k-kung paano mo tiniis ang ugali ko."


"Tiniis ko dahil mahal kita," sambit ko saka siya tumingin sa 'kin. "Nag-tagal tayo kasi mahal natin ang isa't-isa," tuluyan nang tumulo ang luha ko.


Tila natahimik kaming dalawa. Umiwas ako ng tingin sa kanya, dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa 'di malamang dahilan.


"I just want to know..." I whispered which made him look at me. "You promised it was family over everything... you promised that but why... why wouldn't you let go of your job for us?"


He stayed quiet for a while... not knowing what to say. After a few minutes, he talked.


"Because it is my job. It is important."


"And I'm not? We're not?" 


Nakaramdam ako ng sakit dahil sa tanong kong iyon. Importante sa kanya ang trabaho niya, pero paano ako? Paano kami ng mga anak niya?


"Look... Kaitlyn please... I'm doing this so we could live. I'm sorry if I made you feel that way. I'm sorry dahil pinaramdam ko sa inyo na hindi kayo importante."

Seducing The Bad BoyWhere stories live. Discover now