Chapter 9

830 31 2
                                    

"Mom, we're leaving now! Bye!" 


"Okay, bye!" I shouted at the twins.


Masyadong mabilis ang pagdaan ng mga araw, dahil pasukan nanaman nila at nasa senior high school na nga sila. Si Dashiell naman ay first year high school na. Sobrang bilis ng mga pangyayari, at may halong lungkot ang nararamdaman ko ngayon, dahil bumibilis na ang pag-laki nila.


Lumabas na ang kambal kasama si Dashiell, dahil sasabay nalang daw si Dash sa mga Ate niya. Pagkalabas nila, ay sunod naman ang pagbaba ni Derrick ng hagdan. 


Naka-suot siya ngayon ng white polo, at ng pantalon. Bumaba siya, at para siyang may hinahanap. Nang lumingon siya sa direksyon ko ay napa-ngiti agad siya na para siyang bata at agad siyang lumapit sa 'kin.


"Good morning, love," he greeted.


"Good morning," I smiled and he leaned in to give me a quick kiss.


"Where are the kids?" He asked.


"They.. already left," I chuckled.


"They're excited, huh? Nag-drive sila papunta?" Tanong niya.


"Oo, hayaan mo na. Marunong naman na magmaneho 'yung kambal," sabi ko saka tumalikod papunta sa kusina.


Naroon si Manang Leticia na nagluluto, kaya umupo nalang ako sa hapag. Sumunod naman sa 'kin si Derrick, at saka umupo sa harapan ko.


"Kait," he called.



"Yeah?" I looked at him.


"Tayo ka," utos niya.


"Huh? Bakit?" Naguguluhan kong tanong.


"Basta," aniya.


Sumunod nalang ako sa kanya, saka tumayo. Tumayo rin siya saka siya naglakad papalapit sa 'kin. Nakakunot pa ang noo ko, nang yakapin niya 'ko ng mahigpit.


"'Uy, mahal. Okay ka lang?" Tanong ko dahil hindi naman siya ganito sa 'kin.


Ngunit 'di siya sumagot sa 'kin, kaya tinapik ko pa ang likod niya.


"Mahal, ano 'yon? May problema ba?" Tanong ko.


"Derrick mo pagod na," bulong niya.


Agad ko siyang tinulak, saka hinampas ang dibdib. Tinawanan niya lang ang naging reaksyon ko, kaya sinimangutan ko siya.


"Ano ba 'yan, akala ko naman kung ano nang problema," giit ko.


Tumawa lang siya ulit, bago lumapit saka ako niyakap. Pagkayakap niya, ay napabuntong-hininga nalang siya kaya napakunot uli ang noo ko. Hindi ko alam ang gagawin.

Seducing The Bad BoyWhere stories live. Discover now