Chapter 21

798 24 15
                                    

"Ma?" 


Hindi ko magawang lumingon kay Dashiell dahil nakatulala lang ako, habang iniisip si Aura. Nandito kami ngayon sa kotse para puntahan siya doon sa ospital. Kaharap namin ang kotse nila Sev, at sa likod naman namin sila Aria.


"Ma..." Pagtawag ulit ni Dashiell. "Don't worry, I know that Ate's safe."


"How can you be so sure?" My voice broke.


"Mom... you don't know how strong she is. And she's a Montevilla. Ang mga Montevilla hindi sumusuko, hindi ba?" Giit niya.


Napatingin ako sa kanya, saka ngumiti ng tipid. Ngumiti lang rin siya saka niya ako binigyan ng thumbs up. 


Maya-maya, ay may isang kotse na nag-overtake sa 'min. Isang itim na Jaguar. Sobrang bilis nito magpatakbo na akala mo ay nasa race track!


"Sila Aria 'yon ah," sambit ni Derrick saka niya kinuha ang phone niya sa bulsa.


Mukhang may tinatawagan siya sa telepono niya. Nilagay niya ang phone niya doon sa lalagyan saka niya iyon nilagay sa loud speaker. Naka-ilang ring pa ito bago sumagot.


"Hello?" 


Ah, si Aria.


"Anak, bakit naman ang bilis magpatakbo ni Syl? Baka ma-aksidente kayo!" Sambit ni Derrick.


"I'm driving," Ari answered.


"Jusko, kaya pala! Mag dahan dahan ka nga! Nalagpasan mo pa ako e," giit ni Derrick.


"I'm sorry, Dad. I'll drive safely now, bye!" Sabi ni Aria saka pinatay ang tawag.


Nang mawala na ang tawag ay natahimik nanaman kami. Bumagal na rin ang takbo ng kotse ni Sylvester at nasa unahan pa rin namin sila.


Hanggang ngayon, 'di ko pa rin pilit maiwasan na isipin si Aura. I feel so guilty for what happened. I feel like it's my fault.


It's my fault dahil hindi ko siya kinakamusta, hindi ko man lang siya inaasikaso. And... where was I when she needed someone the most? Ako ang magulang niya kaya dapat ako ang laging nandiyan para sa kanya.


Pinalaki ko si Aura at Aria ng maayos. Sinigurado kong masaya, at mapayapa ang buhay nila. Pero... pero bakit kailangan pa naming umabot sa ganito? Bakit sa dami-dami ng tao... si Aura pa ang napahamak?


Pero higit sa lahat... bakit ang dami pa ring mga tao na walang utang na loob? Bakit ang dami pa ring tao na basura ang ugali? Bakit ang dami pa ring tao na ugaling hayop? 'Yung alam mong makakasama ka na nga... gagawin mo pa. Is it required for a man to harass a woman? Bakit ba kailangan nilang gawin 'yon? Ano ba ang rason? Dahil ba wala silang magawa sa buhay nila?


Never in my life I taught Aura how to dress up. Because I want her to grow up with confidence. Kasi confidence niya 'yon, e. Bakit ko siya pagbabawalan? And besides, hindi naman siya mababastos kung walang bastos. And even though I didn't teach Aura how to dress up, she rarely wears revealing clothes. Hindi siya 'yung tipong babae na magsusuot ng mga revealing clothes everytime!

Seducing The Bad BoyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt