Chapter 20

882 29 3
                                    

"Uwi na tayo?"


Napalingon ako kay Derrick. Tinuro niya si Dashiell na mukhang inaantok na. Malapit na kasi mag 10 PM, at mahaba-haba pa ang biyahe.


"Sige," I nodded. "Paalam muna tayo."


He nodded, and stood up. Tumayo na rin ako, saka ko tinapik ang balikat ni Dashiell.


"Uuwi na kayo, Mom?" Aria asked.


"Yes, ikaw?" I asked.


"Mamaya nalang ako, Mom," she said.


"Hatid ko nalang po siya pauwi, Mrs. Montevilla," sabi ni Lev.


"Okay," I nodded and looked at Aura. "What about you?"


"We'll go home na rin po, Tita," Sev answered.


"Yeah, Mom. We're tired na," Aura smiled.


"Okay, tara na," I said and went out to find Lev's parents.


When I saw Lev's Mom pouring some champagne on her glass, agad akong lumapit sa kanya para makapag-paalam.


"Um, excuse me? Mrs. Anderson," pagtawag ko.


"'Uy!" Lumingon siya sa 'kin. "Grabe sa Mrs. Anderson, Liana na lang," she smiled.


"Ah.. uh.. Liana, aalis na kasi kami," nahihiya kong sambit.


Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya! Pero kasi sobrang big time niya. Napaka-yaman!


"Oh," she said and smiled. "I see... sige ingat kayo on the way home!"


"Thank you for having us today," I smiled. "Bye!" I waved.


"Bye!"


Umalis na kami ni Derrick kasama si Dashiell. Si Aura at Sev daw ay aalis na rin. Medyo malayo pa ang biyahe namin since malayo itong venue. Itong bahay ay parang rest house lang daw nila Lev.


Tahimik lang ang naging biyahe namin pauwi. Nang tumingin ako sa likod ay nakita kong nagtetext lang si Dash para siguro hindi siya makatulog. Tinuon ko nalang ulit ang atensyon ko sa kalsada.


"Ang sama ng kutob ko," sabi ko nalang bigla.


Naramdaman kong napatingin sa 'kin si Dash at Derrick, pero nakatingin pa rin ako sa bintana.


"Huh? Bakit naman, Mami?" Tanong ni Dashiell.


"Hindi ko alam pero may masamang kutob talaga 'ko."


"Anxious?" Derrick asked.


"No? I mean... I don't know. I can't really tell what I'm feeling right now," I said.


"Itulog mo nalang muna 'yan, Ma. Baka napagod ka lang today," Dashiell said.


"Yeah, your son's right. Maybe you're just tired. Why don't you try and close your eyes for a while? I'll just wake you up when we get there," Derrick glanced at me for a bit.


"Okay," I nodded.


Baka nga... baka nga pagod lang 'to.


Nagising nalang ako nang tapikin ni Derrick ang balikat ko, para sabihing nakauwi na kami. Agad kong inayos ang bag ko, at saka lumabas ng kotse.


Pagkapasok namin sa loob ng bahay, ay naabutan naming nandoon sila manang sa kusina at nagkekwentuhan. Inaantay siguro kaming makauwi.


"Ma'am! Andito na po pala kayo!" Sabi ni Manang Leticia.


Seducing The Bad BoyWhere stories live. Discover now