Chapter 2

1.6K 42 8
                                    

"Kids, hurry up or we'll be late! Come on!"


Today is our flight to Cebu. We asked the permission of Jazrielle's parents. And luckily, pumayag nga talaga sila.


Not gonna lie, close naman kasi talaga ang pamilya ni Jaz sa pamilya ko. Jaz and Dash have been bestfriends ever since then, kaya napalapit na rin kami sa kanila.


I smiled when I saw Dash going down the stairs with his bestfriend. Dito kasi natulog si Jaz kagabi, para mas madali kaming maka-punta sa airport.


Hindi naman kami nagdududa sa kanila ni Dash, kapag magka-sama sila sa iisang kwarto at tabi silang matulog. Bata pa sila, at malaki ang respeto ni Dashiell sa mga babae. Alam niya kung ano ang tamang gawin at kung anong hindi.


"'Uy dahan dahan, baka mahulog kayo!" Suway ko nang tumakbo sila pababa.


Mga batang 'to talaga, ang kukulit. Hindi nalang talaga ako magtataka kung bakit at paano sila naging mag-bestfriend. Parehas na parehas sila ng ugali!

"Love, our bags are already inside the car," I heard Derrick's voice so I turned to him.


"Really? That's nice. Okay, I'll just call the twins," I said and he nodded.


I went up the stairs, and knocked the door of the twins' room.


"Girls, let's go!" I shouted.


Nung binuksan ni Aria ang pinto, kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag-tawa.


Galit na galit nanaman siya, at medyo buhaghag pa ang buhok. Nasa likod naman niya si Aura na tawa ng tawa. Lumapit sa 'kin si Aura, at hinahampas pa ang hita niya sa sobrang pagka-tawa.


"Ano nanaman ba 'yon?" Tanong ko.


"Kasi.. kasi Mommy... kasi... hahahaha!" Hindi na niya na-kwento sa sobrang tawa niya.


"Dali na, ano nga!"


"Kasi Mommy.. nahuli ko siyang umiiyak kagabi kasi hahaha! Nag-p-phone siya... tapos nakita ko.. picture ni Lev na may kasamang babae. Tapos.. hahaha! Nasaktan daw siya kaya inaasar ko kanina!" Tumatawang sabi ni Aura.


Itong batang 'to talaga, mapang-asar.


When everything was all set, sumakay na kami sa loob ng kotse. Madaling araw kami umalis para pag-dating namin doon ay marami pa kaming oras para gumala.


Derrick opened the door of the shotgun seat for me, and I hopped inside. Nasa loob na rin ang mga bata. Derrick walked around to the driver's seat and we headed on to the airport.


"Love," Derrick called.


I checked on the kids and they were sleeping, since medyo malayo pa ang airport dito sa amin. I turned to Derrick as he called me.


"Yeah?"


"I love you," he whispered.


I chuckled and looked away, as I felt my face heating up.


Ano ba 'yan. Ang tanda ko na, kinikilig pa rin ako.


"'Wag ka nang kiligin, Kait. Alam ko namang malakas charm ko pag dating sa 'yo," sambit niya habang nagmamaneho.


Tinignan ko siya ng masama, saka ko siya hinampas.


"Aray ko naman! Bakit? Totoo naman diba! Kaya ka nga nainlove- aray!"


Seducing The Bad Boyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن