Chapter 6

1.1K 37 10
                                    

"Hi everyone!"


Sinalubong namin nina Derrick ang mga kaibigan namin. We decided to hangout today, like the good old days. We missed hanging out, dahil matagal tagal na rin bago ang last na hangout naming magkakaibigan.



"Ang kambal?" Tanong ni LA pakapasok.


"Nakipag-sleepover kasama mga kaibigan," sagot ko.


"E, si bebe Adley?" Tanong naman ni Gwyn.


"Nasa bahay nila Jazrielle, doon daw matutulog," sagot naman ni Derrick.


"Ah! Kaya naman pala nag-aya ng inuman," tumango-tango pa si Philip.


"Luh, bakit? 'Di niyo ba kami namiss?" Tanong ko.


"Ako namiss kita!" Ani Gwyn saka siya lumapit para yakapin ako.


"Tara na! May inihaw akong barbecue sa pool area," aya ni Derrick at pumunta na sa pool area namin.


We all went to the pool area as well. There are lights around, and the barbecue grill is already there. Ready to grill up some barbecue. 


Pumasok naman saglit sina Philip at Sean, tapos paglabas nila pareho ay may dala na silang apat na bote ng alak.


Philip put the four bottles of liquor on the table, together with the ice. There we have Red Label, Cuervo, Jager, and Jack Daniel's. Ang tatapang ng pinili nila.


Si Sean naman ay may dalang Iced Tea, lemon, at asin. 


Oh, I think I know where this is about to go.


"So kamusta naman kayo, my dear friends?" Tanong ni LA.


"Okay naman. Stressed," sagot ni Gwyn.


"Bakit naman, mare? Sa edad mong 'yan, stressed ka pa rin?" Tanong ko.


"Gago, bata palang ako!" Pakikipag-talo pa niya.


"Tanda mo na, tanga!" Sabi naman ni LA.


"Porket kasi bata ka, e! Ilang taon ka na? Ha? Matanda ka na, wala pa kayong anak!" Pangangasar naman ni Gwyn.


"Kapal mo! Ikaw nga baka may menopause baby pa, e!" Pangangasar rin ni LA.


"Atleast may anak, e ikaw?" 


"Tama na 'yan, anak kayo ng anak e," sabi ko naman.


"Ikaw, Kait? Ayaw mo na bang sundan pa si Dashiell?" Tanong ni LA.


"Hindi, 'no! Hindi na posible 'yon, at saka hindi ko na nga kaya kakulitan ni Dashiell, susundan ko pa?" Sagot ko naman.

Seducing The Bad BoyWhere stories live. Discover now