Chapter 13

90 3 1
                                    


"DOCTOR BARRON, may sulat po na dumating para sa inyo." Sabi ni Ciara ng pumasok ito ng opisina ko. Hawak nito ang isang pulang sobre na halatang yari sa isang magandang klase ng papel.

"Pakilagay na lang iyan dito sa ibabaw." At iyon nga ang kaniyang ginawa. "Salamat."

Lumabas ito at naiwan akong mag-isa. I sighed as I reach for the envelope on my table.

Walang nakalagay sa sobre kundi ang pangalan ko. I tried to find who the sender is but I found nothing.

Bubuksan ko na sana ang sobre ng makarinig ako na parang may nagkakagulo sa labas ng aking opisina. Kaya naman tumayo ako't iniwan ang sobre sa aking lamesa upang alamin ang nangyayaring kaguluhan.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ko kay Ciara na parang tinakasan ng dugo ng  ako'y makita.

Luminga-linga ako't gayun na lamang ang pagtagis ng aking panga sa aking nakita.

Ang mga bagong intern ay nagkakagulo dahil sa isang aso na umaangil at masama ang tingin sa kanila. Lumapit ako sa pasyente na naging kaibigan ko na. Lumapit rin si Hera na madalas kong isama. Ang mga pasyente namin rito'y magkakaibigan na.

Marahil, nanibago lang ang aso sa mga bagong mukha na naririto.

Agad na kumalma ang aso ng maamoy at makita ako at ang kaibigan nito. Pero hindi iyon sapat para ako naman ay kumalma sa kapraningan at karuwagan na pinakita ng mga intern galing sa eskwelahan na pinanggalingan ko.

"Mag-uusap tayo mamaya." Kahit ako ay nabigla na mayroon pa palang ilalamig ang boses ko. Pero hindi ko na pinansin ang takot sa kanila, inasikaso ko na lang ang aso na ngayo'y naglalambing na.

"Cedric." Lahat halos ay lumingon sa tumawag sa aking pangalan. Lahat sila puwera sa akin.

"Anong problema mo Sebastian? Na-miss mo na ba si Mister Vet kaya sinadya mo na namang magkasakit?" Tanong ko sa aso na hindi pinapansin ang bagong dating.

"Cedric." Tawag niya muli sa akin.

"Ciara, paki-assist naman sila Sebastian sa loob. Susunod na lamang ako." Utos ko na agad namang sinunod ni Ciara.

Pagka-alis nito'y siya namang paghila ko sa babaeng kanina pa ako tinatawag.

"Ano bang problema mo at nagpunta ka na naman dito, Sanya? Wala ka bang magawa sa buhay mo at ako na naman ang pinepeste mo?" Naiinis kong tanong rito.

Kita ko na naluluha na siya, pero kung sa tingin niya ay maaapektuhan ako sa drama niya, nagkakamali siya.

"Stop that crap, Sanya. Wala kang mahihita ni katiting na kasagutan sa palagi mong sinisigaw para sa akin na pagmamahal. Sinabi ko na iyan sa iyo 'di ba?"

Bahagya itong tumango.

"Oh, bakit naririto ka na naman?" Iriitado kong tanong.

"I-iimbitahan sana kita." Humihikbi nitong tugon.

"Saan? Sa bahay ninyo? Para ano?" Lumalakas lalo ang hikbi nito. "Kung wala kang ibang matinong dahilan at rason, you're free to go Sanya. Dahil may mga pasyente pa ako na aasikasuhin."

Akmang lalagpasan ko ito ng magsalita ito.

"Natanggap mo na ba ang imbitasyon?" Tanong nito.

Doon ko naalala ang sobre na dumating lang kanina. 'Sa kaniya ba galing iyon?'

"Oo, pero kung galing iyon sa inyo. Siguro mas makabubuti kung pag-iisipan ko muna ito." Sabi ko saka ko ito iniwang mag-isa para daluhan naman ang aking mga pasyente.

The Wild Animal (Cross Enterprise #4) || CompletedWhere stories live. Discover now